Monday, June 20, 2011

Forever and a Day (Cathy Garcia Molina, 2011)

In 1997 Sharon Cuneta won the Best Actress trophy for Madrasta in all major award giving-bodies in the Philippines, making it a grand slam winning. Despite such achievement, the Megastar failed to even get a nomination from the Young Critics Circle (YCC), a group boasted of learned, professional individuals from the academe and the arts which aim to pay attention not only to the technical aspects of film, but also the underlying significance behind them. Hindi mahalaga sa kanila kung balde-baldeng luha ang ibinuhos ng artista sa isang pelikula kundi ang dahilan kung bakit nila ito ginawa. Kahit pa ito ay isang patak ng luha lamang, kung may pinanggagalingan naman, pasok ito sa kanilang panlasa.

In YCC's book called "Sampung Taong Sine: Philippine Cinema 1990-1999", it explained that despite the title role, Mariel (Sharon) was not the central character, but Edward (Christopher de Leon). Sa kanya uminog ang mundo ni Mariel. Siya ang naging dahilan ng paulit-ulit na pagtangis niya. It was only when Edward came into full circle that Mariel had surpassed her own struggles. The film may had painted a different color for step mothers, but it had remained inside the box in its depiction of women. Sharon seemed to go out of the character every now and then when she goes from being the tough head of an advertising firm then a yielding wife at home. (Valerio, p. 35)

While I could see the point in Valerio's arguments in terms of characterization, should the writing (or even the direction) be faulted for this? Didn't the Megastar gave the best that was asked of her to deserve even a citation when it wasn't even a bad performance? She stepped-up her A game the way she hasn't did before.

This is what Oggs Cruz (a film critic) and I had talked about one time about the works of Olivia Lamasan. They may be technically-polished, but overall they end up confusing and lacking focus.

In Milan (2004) the story focus shifts from Lino (Piolo Pascual) to Jenny (Claudine Barretto). There was no clear-cut distinction as to whose character the audience should follow. In In My Life (2009), I found Shirley Templo's (Vilma Santos) character's too ambiguous. Sa umpisa ay tila ang dapat niyang matutunan ay mag-adjust sa makabagong mundong kanyang kinabibilangan. Subalit sa huli lamang niya malalaman kung anong klase siya ng ina sa kanyang mga anak at doon magmumula ang kanyang pagbabago. We were made to go through her tedious journey only to find out a different lesson she had to learn.

In her latest release, In the Name of Love (2011), it is the theme that seems baffling. It is a love story caught in a tumultuous socio-political background, the kind that Lino Brocka used to make. If he indeed helmed the said film, malinaw ang kapupuntahan nito.

Napakaraming interesanteng karakter sa pelikula na hindi nabigyan ng sapat na attensyon. Bagkus ay naging palabok lamang sa masalimuot na relasyon nina Emman (Aga Muhlach) at Cedes (Angel Locsin). Kaya naman nagtapos ito sa isang nakakaumay na tamis na pagkakatuluyan ng dalawang karakter na maituturing na bitter ending at hindi happy ending. Parang isinakay tayo sa isang grandiosang roller coaster na imbes na na-enjoy natin ay pinasuka tayo sa pagtatapos nito at pinasakit ang ulo.


Sa state of confusion din nagtapos ang kasalukuyang pelikula ng Star Cinema na Forever and a Day (2001) sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina. When the movie cues for the closing credits, I heard someone say, "Ang pangit ng ending." I could only surmise the reason behind such comment.

For one thing, the burial scene was abrupt. Yes, it was bound to happen. However, the scene prior to that didn't give the audience enough time to prepare for such an event. Technically, the camera shot from above the bed of the two leads explains it, but it was lacking the emotions needed for one's release.

Second, the last scene seems to suggest the celebration of Raffy's life with the people she has touched and the things she has done. But this movie isn't Pay It Forward or any movie with such concept. Aside from her family, Raffy only made a significant difference to one person, i.e. Euge. And without Euge's fresh attitude towards her in the beginning, they wouldn't make a connection. Or Raffy might not be able to conquer her fears even. It was Euge who moved her, the same person who encouraged her to continue fighting her disease. Without him, she might not be able to pursue the things she wanted to do. But, her biggest contribution was teaching Euge the art of letting go; to know when to stop; to understand that giving up doesn't mean defeat rather a courageous act of accepting one's weakness.

Nevertheless, this isn't to say that Forever and a Day (and the rest of the films I've mentioned) is a bad film. It is entertaining enough as it goes through its motions of romantic encounters between the two leads till complication arises between them. It delivers enough emotions that'll bring out smiles and tears every now and then. 'Yun nga lang, the stops it made along its journey didn't contribute well to the overall outcome of the experience.

---

Much has been said about KC's acting and her box-office bankability. I believe that KC can act, contrary to what others say na bano siya pagdating sa aktingan. She just needs a little fine tuning in delivering her lines and emotions. Dahil galing s'ya sa teatro, di maiiwasang maging malaki ang kanyang mga galaw at emosyon at kailangang maging aware siya rito, maging ang kanyang direktor. Fortunately, in this movie, she managed to control her emotions well. Subdued acting and refined delivery of dialogues. Phil Dy, in his review, says "she seems to do weel when paired with directors that really care. Given instruction, Concepcion thrives."

There's a lot of room for improvement still. There are parts of the film na hindi ko masyadong maramdaman ang emotion niya particularly the zip line sequence. I can't say if it was her fault or the way the scene was written or directed. Pero hindi sapat para sa 'kin ang pinakita niyang expression ng Acrophobia. Ibang-iba sa rafting scene kung saan ramdam na ramdam mo ang imminent danger ng sitwasyon. (Siguro nga ay sa direksyon ito nagkulang.)

I felt that KC's character details were not paid much attention. Hindi siya mukhang may sakit. Malusog at malakas siyang tingnan sa kabuuan ng pelikula kahit pa noong nag-undergo na siya ng chemotherapy.

With that said, in terms of box-office appeal, hindi man ito maging gaanong malakas ay hindi dapat ito isisi kay KC. This is a Sam Milby film! Isa lang siya sa mga karakter sa tutulong upang mabuo ang pagkatao ni Euge katulad ng mga kapamilya nito, kaibigan, at katrabaho. Sa tingin ko nga ay hindi magbabago ang appeal nito kung sakaling ibang artista ang ginamit.




Thursday, April 21, 2011

You Again (2010)


Watching You Again brings me back to the times of watching Desperadas Parts 1 & 2 where good and able actors act desperately to save a desperate film. The concept was good enough, but it wasn't backed up by a good script. They had to rely on poorly-written antics and jokes that bordered on slapstick most of the times. Further, its heart was not in the right place. When the characters tried to make amends at the end, you'd barely feel for them. Even the main bully (Odette Yustman) in the film didn't know where to place herself properly. She seems to be suffering from split-personality wherein she goes back and forth into being a good person and a bully.

The last scene, though, between Betty White's and Cloris Leachman's characters were more interesting than the rest of the film. Too bad that it was just part of the epilogue. They had better lines than the main characters.

Wednesday, April 20, 2011

Olivia Lamasan's In the Name of Love (2011, Trailer)



I am not loving the trailer. Parang TH mag-elicit ng tamang reaction sa audience. It's too melodramatic for my taste. If not because it was an Olivia Lamasan film, I would totally lose all hope on the film. But because of her, I still have my reservations on it. Pero andu'n ang dating sa akin na parang basta lang maipalabas ang pelikula kaya ito tinapos.

Aga Muchlach looks old and tired. He has been doing the same roles over and over again and has the same exact look in his eyes in every film! After Sa Aking Mga Kamay, he has never done any anti-Aga role. Kulayan man niya ng jejemon color ang buhok niya, siya pa rin si pa-tweetums Aga since Bagets days.

Angel Locsin looks plump and uninspired. Walang buhay ang kanyang mga mata.

Jake Cuenca looks misplaced.

I wish I am wrong. We have yet to see the film on May 11. Pero sana lang, lagyan naman ng buhay ang trailer. Ang luma-luma, eh.


Thursday, March 31, 2011

Isang Kuha sa "Anak" (Rory Quintos, 2000)

Ito ay mula sa pelikula ni Rory Quintos.

Natapos na ang madamdaming paghaharap nina Vilma Santos at Claudine Barretto bilang isang ina at anak na may kinikimkim na sama ng loob sa isa't-isa. Ibinuhos ni Vilma ang kanyang nararamdamang pangungulila kay Claudine sa mga panahong wala siya sa bansa. Humingi siya ng pang-unawa sa anak.

Matapos nang mabigat na tagpong iyon ay nagsumamo si Claudine sa ina. Simpleng pagtitimpla lang niya ng kape ay nangangahulugan na na humihingi siya ng tawad. Ito ang kanyang peace offering. Ito ang kanyang pagtaas ng white flag.

Pinaliwanag niya ang kanyang nararamdaman. Humingi rin ng tawad si Vilma sa kanyang mga naging pagkukulang sa anak.

Umiyak si Claudine. Sa eksenang ito ay maaaring hinayaan niya lang tumulo ang kanyang luha. O di kaya'y panahid ng kamay ang luha. Subalit pinili ni Rory Quintos ang ganitong kilos. Bakit kaya?

Dito lumabas na kahit pa maraming pinagdaanan si Claudine sa kanyang buhay, nananatili siyang bata na nangangailangan ng kalinga ng kanyang ina. Para siyang isang bata rito na nagsusumbong sa kanyang ina; naghihintay na yakapin siya upang maibsan ang sakit ng kanyang kalooban. Ito naman talaga ang kanyang hinaing sa ina. Wala ito sa mga panahong nagdadalaga siya at nangangailangan ng gabay ng ina. Nahinog siya nang pilit. Magkagayu'n man, di niya ito matatakasan. Babalik at babalik siya sa pagkabata.

Ganito ka-importante ang isang galaw sa pelikula. Parang isang painting na naglalaman ng malalim na kahulugan. A good director knows that.

Monday, March 28, 2011

Pagbabasa sa Isang Eksena ng "Ang Lalaki sa Buhay ni Selya" (1997)


Ang eksena na ito sa pelikula ni Carlos Siguion Reyna na Ang Lalaki sa Buhay ni Selya ay nagmumula sa eksena kung saan inalok ni Ramon (Ricky Davao) ng kasal si Selya (Rosanna Roces). Nangungulila si Ramon sa pag-alis ng kanyang lover, samantalang masama ang loob ni Selya sa di pagpapakita sa kanya ng kanyang kasintahan. Nasa krisis siya ng kanyang buhay--kung lilinasin ba ang lugar na iyon o tatanggapin ang alok ni Ramon. Ang magiging desisyon niya ang magpapabago ng kanyang buhay.

Sa boarding house na tinitirhan niya na pinamamahalaan ng tiyahin ni Ramon na si Piling (Eva Darren) ay nagbalik siya. Binabasa niya ang sulat ng kasintahan habang kumakapit sa kanyang alaala. Sa labas ng silid ay ang kanyang mga boardmates na lalaki, nag-iinuman at nagkakasiyahan ng umagang-umaga.

Pumasok si Piling. Binulyawan ang mga kalalakihan. Pinuntahan niya sa silid si Selya, tiningnan sandali. Bilang isang pakialamerang tiyahin ni Ramon at kasera ni Selya, kinuha niya ang isa sa mga sulat at pilit na bubuksan upang basahin. Pinigil siya ni Selya. Isa siyang pribadong tao at ayaw niyang pinakikialaman ang kanyang buhay. (Sa mga susunod pang eksena, magbabago ang ugali niyang ito. Magiging bukas siya at bulgar.)

Winika ni Piling na piliin ni Selya si Ramon. Nagtawanan ang mga kalalakihan sa labas. Hindi ito sadya. Nagkataon lamang ito at sinasabing mali (at katawa-tawa) ang suhestiyon na iyon ni Piling.

"Ano bang klaseng lalaki ang hanap mo?" ang retorikal na tanong ni Piling. "Katulad nila," referring to the men outside, "katulad ni Bobby?"

Walang maisagot si Selya.

Tumayo si Piling. Isasara na niya sana ang pinto upang bigyan ng privacy si Selya, subalit hindi niya itinuloy. Gusto niyang ipamukha ang uri ng mga lalaking nasa labas kay Selya.

Nagpatuloy ang ingay ng mga kakalakihan. Narindi si Selya. Tumayo siya at isinara ang pinto. Kasabay nito ang paggawa niya ng desisyon. Hindi na niya tatanggapin ang mga ganoong uri ng mga lalake sa kanyang buhay. Isasara na niya ang Bobby chapter sa buhay niya. Pipiliin na niya si Ramon, isang matino at disenteng lalaki.

Titigil ang eksena sa anino ni Selya sa isang puting dingding. Ito ay nangangahulugang hindi ito talagang pagsasara sa kanyang buhay, bagkus ay hahabulin siya ng kanyang magiging desisyon na parang isang anino. Nagdedesisyon siya sa dilim; nang walang kasiguraduhan. Kapag dumating ang puntong haharap na siya sa anino ng kanyang buhay ay maaari siyang tumakbo sa kanyang desisyon o panindigan ito.

Tuesday, March 15, 2011

"Bata, Bata... Paano Ka Gagawin?" Online Premiere

Bata, Bata... Paano Ka Gagawin? premieres online on March 16!

Starring:
Joey Paras
Geng de los Reyes-Delgado

and
Ms. Gigi Locsin

Introducing:
Aries Hermoso



Written & Directed by:
Jerrick Josue David
Producer:
Myrna C. Josue
Assistant Director/Production Design:
Acy Ramos
Director of Photography/Light Designer:
Don Santella
Make-up Design/Gofer:
Rhea Zaratan
Location Manager:
TJ Parino
Stills Photographer:
Gilbert Sococ
Editor/Sound Design:
Adam Joseph
Talent Coordinator:
Danni Ugali



Sineasta Productions

2011


Friday, January 07, 2011

MMFF 2010

Nakalimang MMFF entries ako this year for the first time. It wasn't planned. It was also not because I was looking forward to seeing so many entries this year. It just so happened that I was feeling stressed with school works that I needed to de-stress. Watching movies does that for me, whether sa sinehan o sa DVD; whether maganda ang pinapanood ko o tamang pangpalipas-oras lang. It takes my mind off the stress and gives me enough time to relax and rethink about my options re the stressors.

Since I have only seen five films such as Dalaw; Rosario; Shake, Rattle and Roll 12; Tanging Ina Mo (Last Na 'To!); and RPG, sa kanila rin magbe-base ang judgments ko re the following categories. More than the winners themselves, mas nadismaya ako sa turnout of nominees. Pakiramdam ko ay hindi nakita ang tunay na kagalingan ng ilang taong kalahok sa festival dahil sa mga biases na mayroon ang mga hurado. May mga nakita silang maliliit na maling detalye sa ilang pelikula at performances, pero hindi nila nakita ang mga 'yun sa mga pinanalo nila. Besides, dahil na rin siguro 'yun sa background ng judges mismo.

Anyway, among the five films I've seen, eto ang judgments ko:

Best Picture: RPG

Matino ang nilalaman at sinasabi ng RPG. Hindi siya preachy at subtle lang ang values na tinuturo niya sa mga kabataan ngayon at maging sa mga magulang nang nasabing mga kabataan ngayon. Itinuturo nito ang kahalagahan ng physical activities hindi lang sa overall na kalusugan ng mga bata kundi maging sa kanilang pakikisalamuhang sosyal sa kanilang mga kaibigan at kalaro. Ang mga mabubuting asal na natututunan nila sa pakikipag-interact sa kapwa nila tulad ng sportmanship at cooperation ay hindi nila makukuha mag-isa at maaari rin nilang ma-apply sa tuwing nakikipaglaro o nakikipag-usap sila online.

RPG promotes Pinoy culture, as well, by (re)introducing Pinoy games to children na tutok na masyado ngayon sa TV, computer games, and online games. Isa sa nakakatawang linya ngunit malalim ang sinasabi ay 'yung tanungin ng isang bata kung ano ang piko. Simple lamang ito kung ating iisipin, subalit pinapakita nito kung pa'no namamatay ng unti-unti ang ating Pinoy street games. Sa mga magulang na hindi nakagisnan ang mga larong tulad nu'n, hindi na rin nila maipapasa ang ganu'ng kultura sa kanilang anak. Sad to say, baka dumating ang araw na sa paaralan na lamang at pahina ng mga libro malalaman ng mga bata ang tungkol sa mga ganu'ng laro.

At para naman sa mga nakaranas maglaro ng Pinoy games, this movie brings back childhood fun memories. It will give you a smile remembering the days na umuwi kang sugatan dahil sa pagkadapa mo several times playing Patintero o Football, na pinagalitan ka dahil sa sangsang ng amoy mo dahil nakabilad ka sa araw ng buong maghapon, o na matulog kang madungis dahil hindi mo na kayang maligo pa dahil sa pagod.

Itinuturo rin ng RPG ang di magandang dulot sa pagkalulong sa online games. Binibigyan ng warning ang mga magulang na i-monitor ang activities online ng kanilang mga anak. While technology could bring families together lalo na 'yung pinaglayo ng distansya, it could also destroy a family's well-being.

Compared sa MMFF Best Picture winner na Tanging Ina Mo (Last Na 'To!), mas di hamak na maraming sinasabi ang RPG na hindi dinadaan sa kalokohan at pagpapatawang walang saysay.

Best Director: Jerrold Tarog/Luis Suarez

Jerrold Tarog's Punerarya is certainly the best feature among the last few Shake, Rattle, and Roll episodes combined together that came out lately. Hindi siya nakakatakot per se, but he was able to deliver a creepy atmosphere and eerie feeling to the material. Moving camera shots pa lang niya, panalo na! Mararamdaman mong pinag-isipan ng husto at pinlano. May vision. And there was certainly a wider feeling to it--na pelikula talaga ang pinapanood mo at hindi isang horror episode lamang sa TV.

Kadalasan ngayon sa pelikula, dahil mula sa TV o nagdidirek sa TV ang mga direktor, hindi nila maalis sa kanilang sistema ang TV directing style. Sandamakmak ang close-up shots, taking away the grandiose feeling a film gives.

Biased ako kay Jerrold kasi paborito ko siya sa mga new directors lately. Ever since I've seen his Confessional, napahanga na niya ko. Hindi siya pretentious as some other directors are. If not him, I'd go for RPG's Luis Suarez for reasons I've given about the film. Di biro ang magdirehe ng animation at maayos na naitawid ito ni Luis. It may not be at par with Disney or Pixar in terms of smooth movements, maipagmamalaki pa rin naman ito bilang Pinoy lalo na sa kanyang nilalaman. Maaari siyang ihanay sa mga Japanese animations.

Both directors were not nominated in the said category. Nakakalungkot isipin na mas napansin pa si Mike Tuviera dahil maayos daw nitong naidirehe ang isang crappy material tulad ng Super Inday and the Golden Bibe. Ito na ba ang sukatan ng pagiging isang mahusay na direktor laban sa mga may nailabas na kagalang-galang na trabaho?

Albert Martinez wasn't also nominated. Para sa isang period piece, hindi raw masyadong nabigyan ni Albert ng authentic feeling ang Rosario. Subalit kung effort at effort lang naman ang pag-uusapan, di hamak na maganda ang nagawa ni Albert kaysa sa mismong nagwagi sa kategorya na si Wenn Deramas.


Wenn has not shown growth in the last few years that he has been directing. Certainly better than Tanging Ina N'yong Lahat, Tanging Ina Mo, however, is inferior with the original. Kadalasan ay sume-segue ang pelikulang ito sa mga katatawanang walang kinalaman sa takbo sa pelikula at nalilimutang tumutok sa mga mas mahahalagang aspeto ng kwento tulad ng sakit ni Ina at ang unti-unti pagkawasak ng relasyon ng kanyang mga anak. The main plot has taken the backseat sa mga patawang basta-basta na lamang isinisingit sa pelikula.

Ginawa pa nilang issue ang di pagsama ni Heart Evangelista sa pelikula samantalang halos extra roles lang naman ang ginampanan ng ibang mga anak ni Ina sa pelikula. Sumulpot lang at ngumiti sa camera para masabing nabuo ang pamilya niya.

A friend told me na matalino raw si Wenn kasi alam niya ang pulso ng masa at kung ano ang papatok sa kanila. May point siya. Pero ang sagot ko, kung lagi nating hahainan ng pare-parehong putahe ang masa, hindi natin masasanay ang dila nila na kumain ng ibang pagkain, kahit paminsan-minsan lang. We should not be condescending towards their tastes at i-limit lamang sila sa iisang makakain lalo na ngayo't ang Balot ay maaari na ring gawing gourmet Balot!

Best Production Design: Rosario

Ang yabang-yabang ng production values ng Rosario! Kanyang-kanyang ang tropeo at walang aagaw sa kanya rito. Ni walang pwedeng magprotesta na mas deserving nila ang award. In the awards season next year, I'm sure na siya rin ang hahakot ng awards in terms of production design.

However, sa sobrang yabang niya, nakalimutan niyang mag-give way sa ibang mas importanteng aspeto ng pelikula. Lagi siyang nakabalandra to the point na hindi nabibigyang-focus ang eksena at nararamdaman ng mga karakter. Sa eksenang nakikipag-usap si Rosario sa kanyang pinsan sa kanyang kwarto, wide shot kadalasan ang treatment upang maipakita kung gaano ka-elaborate ang production design. Nakalimutan nitong above the production design, mas importante ang nilalaman ng eksena at hindi ang bumubuo nito.

Maaaring fault na rin ito ng direktor. Masyado siyang na-overwhelm sa tingkad ng kanyang pelikula na nakaligtaan niyang bigyang-pansin ang nasasaloob nito.

Dahil na rin mayayaman ang karakter ng Rosario, nag-focus sila sa '20's American fashion. Sapat namang naipakita ang kasuotan ng panahon na iyon, subalit naghahanap pa ako ng kasuotang masa noong panahon na iyon. Minus the dialogues kasi, maaring pumasa pa ngang American film ito dahil lamang sa overall look ng pelikula. Nawawala 'yong Pinoy authenticity niya. Kung sana'y marami-rami ang naipakitang Pinoy masa fashion, mas lalo kong ikatutuwa.

Best actress: Aiai delas Alas

Wala naman akong tutol na ibigay kay Aiai ang Best Actress trophy. Mahusay naman talaga siya. Subalit ang ma-nominate si Marian Rivera kaysa kay Jennylyn Mercado ay isang malaking kalokohan. A heavy drama character against a lousy super heroine character? Bakit naman nagkaganu'n? O sige, hindi ko napanood ang Super Inday kaya wala akong karapatang i-judge si Marian. Pero still, ang tanong ko, bakit nagkaganoon?!

Ay, sabi pala nila, dahil daw hindi kaiga-igaya ang karakter ni Jennylyn bilang Rosario na isang 20's pokpok. Weno ngayon? Bakit natin ija-judge ang performance ni Jennylyn laban sa karakter niya sa pelikula? Anong klaseng kondisyon iyon?

Besides, hindi naman kasamaan ang karakter ni Rosario. At the end ay nakitaan siya ng pagbabago at pagsisisi. Hindi ba sapat 'yun para sa tinatawag na character growth? Kung kabutihan lang pala ang magiging basehan, wala nang kontrabida roles ang mano-nominate sa susunod na MMFF kahit pa pagkagaling-galing ng kanyang performance. At magiging one-dimension na lang lagi ang ating mga karakter: bait-baitan.

After the major awards, magbigay naman tayo ng minor awards sa limang pelikulang aking napanood.

Best Transformation: Eugene Domingo

Uge has come a long, long way! Ang ganda-ganda ng outfits niya sa Tanging Ina Mo! Natalbugan na nga niya si Aiai pagdating sa itsura. Fashion kung fashion! Kaya naman nu'ng pandirihan siya ni Aiai nu'ng hahalikan na siya ng kanyang napangasawa na si Jon Avila, di naging kapani-paniwala dahil mas maayos ang itsura niya kaysa kay Aiai. Mukha siyang mamahalin!

Super Pa-sexy Award: Shaina Magdayao


Sando kung sando ang labanan sa Mamamanyika ng SRR 12 at cleavage kung cleavage sa Tanging Ina Mo! Saan ka pa! Di pa 'yan nag-e-effort masyado, ah.

WTF Character: John Lapus


Putek! Para sa'n ba ang karakter niya sa SRR 12 Episode 2? Patawa ba 'yun o pang-asar? Either way, misplaced siya sa movie. Hindi siya nakakatawa at lalong hindi siya nakakatuwa! Mas lalo lang ang inis na binigay niya sa kabuuan ng pelikula unlike sa ibang SRR na may halong comic relief pa siya.

Best Weapon: Gun

Ang baril ay pamatay sa Chaka Doll e este Mamamanyika! Never leave home without it. Ang baril din ay panakot sa mga engkanto! Itago sa kunwaring Bible at iwagayway sa mga engkanto.

Magpakatotoo Ka Award: Kris Aquino

Less make-up, more skin imperfections. Sino ang may sabing perfect ang skin ng mga artista?

Best Guest Appearance: Betty Boop in Rosario

Ay, wala pa. Si Isabel Oli pala 'yun in Betty Boop make-up. Tsuri!

Most Kinawawa Award: Jiro Manio

Hindi man lang binigyan ng kapiranggot na linya si Jiro! Nakakaawa kung kailan naman nagdarahop na 'yung bata sa ngayon.

Kahit Anong Role, Keri Na Award: DJ Durano

No explanation needed. Dapat laging umeeksena sa mga pelikula ni Wenn Deramas.

All Hype, No Substance Award: Dalaw

Feng Shui and Sukob may both starred Kris Aquino, but the success of those films should not be equated to her. It should be credited to their director Chito Rono (and their writers). However, even Chito came out with less successful horror flick via T2.

Bagsak na nga 'atang talaga ng Asian horror genre these days. Halos isang dekada na rin nating nire-rehash ang paulit-ulit na vengeful ghost theme at wala na tayong bago na mapipiga pa rito. Kailangang pagpahingan na siya until maka-imbento uli ng panibagong kwento na mananakot sa 'tin mga Pinoy. Dinadaan na lamang sa mga panggulat na musical score at pasulpot-sulpot na karakter ang katatakutan at hindi na nakakatuwa.

Malakas man siya sa takilya, subalit hindi ibig sabihin nito ay maganda siya at nakakatakot talaga.

I characterized this movie nga as a worst Patayin sa Sindak si Barbara adaptation given an Asian horror flavor.

Most Spoofed Actress: Vilma Santos

Siya na ang ginaya sa Tanging Ina Mo, siya pa rin sa Dalaw (na medyo nag-segue kay Mega)!

Ay, sana napanood ko pa 'yung tatlong movies para nadagdagan ang minor awards ko!

Despite the controversies na laging kinakaharap ng MMFF, masaya pa rin ako na maraming tumatangkilik dito, na marami pa rin ang naeenganyong manood.




Related readings:
Butch Francisco's "Ang Tanging Best Actress"
Rito Asilo's "MMFF 2010: When 'better' isn't good enough"
Butch Francisco's "Why Albert, Jennylyn not nominated"
Oggsmoggs's "RPG Metanoia (2010)"
Oggsmoggs's "Rosario (2010)"
Philbert Dy's "No Stories Left to Tell"
Philbert Dy's "Mud Wrestling with Ghosts"

Monday, November 01, 2010

Condescending Sid

Sid Lucero was offered to play the lead part in Philippine stage's production of Equus. He turned down the part, reasoning that Pinoy audience is "not yet ready" for such kind of theater where performance is focused on rather than the nudity. Papanoorin daw ito ng audience for the nudity at hindi dahil sa nilalaman ng play o dahil magaling ang mga gaganap dito. Kaya raw mas mabuti pang sa isang theater actor mapunta ang role kaysa sa kanyang may pangalan sa industriya.

Asked to comment on his Emmy nomination for his performance in ABS-CBN's Dahil May Isang Ikaw, he said na magaling tayong Pinoy considering na "madalian" tayo kung gumawa compared sa US. At bukod pa ru'n, they look at actors as actors at hindi tinitingnan kung bida o contrabida ba ang role, unlike dito sa atin.

May sense of pride man sa statement ni Sid, mayro'n din itong halong condescension.

In his view on Pinoy audience, napakababa naman ng tingin niya rito when he said na panonoorin lang ng tao ang paghuhubad niya rather than the play itself. Him as the would-be lead on Equus would definitely generate a buzz among Pinoy audience. Tataas sigurado ang ticket sales nito. However, nasa kanya pa rin if he would deliver a credible performance or not. So what if the audience was encourage to see the play for its nudity? Still, they would sit for at least two hours and absorb whatever they can get from the play. Who knows? Those theater virgins would like the theater and become regular watchers. Nakatulong pa siya sa mundo ng teatro.

Also, Sid has to realize that the theater is a different arena. Hindi niya pwedeng i-compare ito sa manonood ng pelikulang Pilipino. Not everyone can afford to see a play for tickets sell higher than cinema. Medyo high-brow din ang audience ng theater. At, hindi rin basta-bastang play ang Equus. It's cerebral! So how could he say na papanoorin lang ng Pinoy ito para sa hubaran?

He should be grateful for his Emmy nomination. Period. Kesyo minadali ang produksiyon o hindi, ang isang magaling na aktor ay hindi matatawaran. 'Wag niya sanang purihin ang galing ng Pinoy at laitin ito at the same time.

He is nominated for worldwide Emmy's so I don't think na tinitingnan nila kung supporting character lang ang role o hindi. Kung artista siya ng US at doon ginawa ang Dahil May Isang Ikaw, malamang ay sa supporting role ang nakuha niyang nominasyon at hindi bilang best actor.

'Wag niyang kakalimutang ito ang industriyang nagbibigay ng trabaho sa kanya. Respetuhin naman niya. At ang Pinoy audience na tinitingnan niya ng mababa ang siyang gumagastos para panoorin ang mga proyekto niya. Konting pagpapahalaga naman.

Thursday, October 21, 2010

"Hayop sa Sarap," Parang Timang Lang (Artemio Marquez, 1985)

Magkapatid sina Irma Alegre at Angela Perez. Umuwi sila sa bahay at nagsabing nanood daw sila ng bold. Feel na feel ni Angela ang movie, pero deadma lang si Irma. Sabi ni yaya, kakain na raw. Call ni Irma si papa Ruben Rustia habang lumamon na si Angela. Gutom na gutom na raw siya. At kitang-kita naman sa pag-upak niya sa ulam at kanin na parang galing sa restaurant. May pa-dahon-dahon pa kasi ang oblong na plates. Para kunwari ay sosyal silang talaga.

Habang kumakain ang magkapatid, deadma lang si Ruben. Wait niya raw ang kanilang mama. Next frame, nakaupo pa rin si Ruben. Wala na ang patay-gutom na magkapatid. May tirang mga buto sa kanilang mga plato na parang nilafang talaga ng mga walang makain sa buhay.

Dating ang asawa--si Celia Rodriguez. Ask niya kung bakit daw nakatiwangwang pa ang kalat sa mesa. Hinihintay niya raw siya, sabi ni Ruben. To cut their conversation short, sinabi ni Ruben na 'wag na 'wag lang siyang makakakuha ng ebidensya against sa pagtataksil ni Celia, kundi ay mapapatay niya siya. Narinig ito ni Irma at umiiyak siyang nagpunta sa kanyang kwarto. Naka-black nighty lang siya with laced black underwear. Naiinitan siguro.

Labas si Angela from bathroom asking kung sinapak daw ba ng erpats nila ang ermats. Sobra na raw kasi si ermats blah blah blah. Irma tells her na di raw siya papasok bukas kasi may gagawin siya buong maghapon.

The next day, inabangan ni Irma si Mama. Kita niya na pumasok ito sa Victoria Court na may kasamang lalaki. Wala pang "Ssshh" logo ang VC ng panahong iyon.

Binalita niya kaagad kay Papa. Sinabing tandaan daw nito ang utos ng Diyos na 'wag papatay. Parang timang! Kakarinig niya lang na 'yun ang gagawin ng tatay niya kapag nakakuha ng ebidensya, yet siya pa mismo ang naghanap nito at sinampal sa tatay niya!

Ayun, pag-uwi ni Celia, tinutukan siya ng baril ni Ruben! Pinutok ito pero di naasinta. Inatake bigla si Ruben. Lapit si Celia at ano raw nangyayari! Jusme, inaatake na, ask pa rin siya kung ano nangyayari. Parang timang!

Bago ang barilan scene, nag-usap ang magkapatid. Sabi ni Angela na siguro raw ay hayop sa sarap ang kabit ng mama nila kaya nakuha nitong ipagpalit ang papa. Parang timang naman dumayalog ito! Parang hindi nanay niya ang sinasabi niya. Ang baboy ng bunganga!

So inatake na nga si Ruben, super hampas sa dibdib si Irma. Di marunong mag-CPR! At nu'ng i-mouth to mouth niya ito, lips to lips ang ginawa niya! Timang talaga sa CPR ang hitad. Sabay dayalog kay Celia na kapag may nangyari raw kay Ruben, isusumpa niya raw ito. Keri ko pa ang ganu'ng dialogue kasi naman '80s ito. Allowed pa sila magpaka-cliche.

Angela confronts Celia. Ayun, kinausap na naman na parang di niya ito nanay. "I'm just human. I have my needs," sagot ni Celia na accent kung accent! Iisipin mong parang ang layo niyang magkaru'n ng dalawang timang na anak. Sinabi pa niyang, "Your father is impotent!" Sabay close-up sa fez ni Angela na hindi alam kung pa'no magre-react.

Anyway, fast forward. Naghiwalay sina Ruben at Celia. Nabaldado si Ruben. Binenta ni Irma ang house nila para mapagamot si Papa. Naging dancers sina Irma at Angela sa club.

Tumeybol si Irma kay Al Tantay at si Angela kay Edgar Mande. Hindi nagsasalita si Al. Huhulaan daw siya ni Irma. "Tahimik ka, no? Mahiyain." Ay parang timang! Hindi kaya! Pipi siya kaya ganu'n. Jusme!

Next scene, need pa raw nila ng 40k para mapadala si Ruben sa ibang bansa at nang maipagamot. Nakonsensya si Ruben. Hindi na raw nila dapat gawin 'yun.

Tumanggap ng customer sina Irma at Angela na magbabayad ng 40k. Virgin daw ang gusto. Si Angela ang napili. Kinabukasan, iika-ika nang maglakad si Angela. Masakit daw pala ang "magpa-virgin". 'Yun talaga ang pang-abay na ginamit--magpa-virgin! Saka neng, ba't ka iika-ika? Sa wetpaks ka ba tinira? Masakit nga 'yun kung ganu'n. Si Romy Diaz ang customer. Afraidy Aguilar!

Pagpasok ng bahay, deads na si Ruben! Nagpatiwakal! Sinaksak ang leeg, tagos sa likod! Fuck! Pa'no niya nagawa 'yun! Ang sakit-sakit kaya nu'n. Mas masakit sa pagpapa-virgin! Imaginin mo, pa'no mo maituturok ang kutsilyo sa leeg mo at kayaning itagos ito sa likod? Tangna! Ang hirap nu'n, ah. Super talim siguro ng kutsilyo na 'yun. 'Yung parang binebenta sa Home Shopping Network.

Naging mag-jowa sina Irma at Al, at sina Angela at Edgar. Hayop sa sarap daw humalik ang dalawang babae. Ayos! Magamit lang talaga ang title ng movie! Ano kaya ang pakiramdam ng hayos sa sarap?!

Dahil inlababo si Al kay Irma, papakilala niya raw ito sa kanyang mga magulang. To make an impression, nag-Chinese-Chinesan na damit si Irma, tumayo sa gilid ng pinto at tinaas ang binti! Parang timang lang. Na-impress naman si Al! Ang ganda-ganda raw nito.

Pagdating sa house ni Al, pinakilala niya si Irma sa tatay nitong si Johnny Wilson. At sa kanyang stepmom na si Celia! Ay, sorry that I left out that major event in their lives. Mag-jowa na sina Johnny at Celia. Kaya naman shocked ang lola Irma nang makita si Celia. Run ever siya na parang si Cinderella with matching alis ng shoes at sakay ng taxi.

Sinundan ni Al si Irma sa bahay nito pero hindi pumasok sa loob. Walang kaabog-abog na may kidnappers sa paligid! Mukhang mayaman daw si Al kaya tiba-tiba sila kapag nagkataon. Parang timang lang.

Punta si Johnny sa hideout ng kidnappers kasi naka-receive siya ng tawag from them. Si Irma pala ang nandu'n! "Luyarin mo ang pagkababae ko, Don Ambrosio. Kung hayop sa sarap ang asawa mo ngayon, mas hayop ako sa kanya!" That line again! Humabol pa. In English! "I promise you that!" At isa pa! "No doubt about that!" Parang court scene. Pakshet!

But wait! Fake call lang pala 'yung kidnapping kanina. Totoo pa lang may kidnappers. Kinidnap nila si Al at si Angela! 300k daw ang ransom. Cash! Nakasuot ng bubuyog sunglasses ang leader na very reminiscent of the '80s fashion. At naka-suit silang lahat! Tutyal!

In fairness, di pa uso nu'n ang milyon-milyon na asking ransom fee.

Time to make ammends, though. Gagawin ni Celia ang lahat para mailigtas ang anak. Kasehodang magbuwis siya ng buhay kasi hindi sila makakapag-withdraw ng pera dahil gabi na! Sarado ang bangko. Di pa uso ang ATM! At kahit uso na, di naman magdi-dispense ng 300k ang ATM, di ba?

Naka-tiger print si Celia. Palaban kung palaban! Labas din ang isang shoulder. Kasama niya si Edgar kasi jowa niya raw si Angela. Na kinabigla naman ni Celia. I don't know why. Pero shocked siya. Nagulat siya siguro kasi pokpokin ang dalawang junakis niya. Mana sa ina.

Nagkaroon ng barilan sa hideout. Nabaril si Celia sa kanyang exposed shoulder. Pero bago 'yun, bagsak naman ang mga kalaban. Palakpakan!

Pagkauwi, binalita ni Al na na-kidnap sila. "Ha? Na-kidnap kayo," say ni Johnny. Parang wala lang. Hindi naman gaanong major-major event. Ni hindi nga siya nag-alala sa dumudugong exposed shoulder ni Celia.

Kinuwento ni Al kay Irma ang nangyari, saying na dakila si Celia kasi iniligtas sila. Parang Darna lang! Ni di nabalitaan ng mga pulis ang nangyaring kidnapan at barilan at patayan. Yakapan ang mag-ina!

The end.

Parang timang talaga! In fairness, tinapos ko siya kasi tamang laugh trip lang!

Winner ka talaga, Artemio Marquez! This shit is funnier than the current Petrang Kabayo!

Friday, October 01, 2010

Ikaw na ang Maging Alicia Alonzo sa "Waikiki"!

Waikiki (1980)
Elwood Perez

Ang tanging pangarap lamang ni Alicia Alonzo (Idad) ay makapiling ang kanyang pamilya na naunang nagtungo sa Hawaii upang makamit ang magandang buhay. Naiwan siya sa Pilipinas dahil sa TB at nang magkaroon ng pagkakataon na sundan ang pamilya ay hindi siya nagdalawang-isip.

Maraming taon na ang lumipas at hindi niya inaasahan ang malalaking pagbabagong daratnan niya.

Sa piling ng ikalawang anak na si Rio Locsin (Carmela), naranasan niya ang diskriminasyon. Hindi nito magawang ipagtanggol siya sa asawang Hapon na pilit na pinaparamdam sa kanya na hindi siya tanggap sa kanilang tirahan. Andyan pa ang anak nito na apo niya na isang spoiled brat. Hindi niya kinakitaan ito ng paggalang sa kanya, maging sa sarili nitong mga magulang. Pinilit man niyang mapalapit ang loob sa apo ay dalawang sampal ang inabot niya rito. Sa sobrang sakit ng kalooban ay nasaktan niya ang bata. Ikinagalit ito ni Carmela at sinabing hindi sinasaktan ang mga bata sa US. Gawain lamang ito ng mga taong primitibo at walang pinag-aralan.

Hindi na ipinilit ni Alicia ang sarili sa anak. Nagtungo siya sa kanyang bunso na si Lorna Tolentino (Ella) na nadiskubre niyang nagtatrabaho bilang isang sensual dancer. Bilang isang babaeng laki sa Pilipinas, hindi niya ito matanggap. Bukod pa sa katotohanang nakikipag-live in ang anak at walang pakialam na nakikipaglampungan sa kasintahan sa publiko. Pakiramdam niya ay lumaki ng walang moral na itinuturing ang kanyang anak.

Tinungo niya ang tahanan ng pinanabikan niyang asawa na si Raoul Aragon (Juan). Nasawi man sa kanyang mga anak, si Raoul na lamang ang tanging nagsasalba sa kanya sa rurok ng depresyon. Subalit matapos ang mahigpit niyang yakap sa malamig na asawa, isang anak ang sumalubong sa kanya na tumawag ng daddy sa kanyang mister. Matapos ay lumabas ang isang babaeng pinakilala sa kanya bilang "asawa ko ngayon."

Gumuho na ng tuluyan ang mundo ni Alicia. Kung maari lang siyang lamunin ng lupa sa kinatatayuan niya ay ginawa na niya. Halos mabuwal siya sa kanyang pagkakayo. Nang akmang lilisanin na niya ang lugar ay inimbita siya ng "asawa ngayon" na makipagkwentuhan muna. Dagdag saksak pa sa dumurugong puso niya ang di pagkakaalam ng "asawa ngayon" na hindi niya alam ang relasyon nila ni Raoul. Nagkunwari na lamang si Alicia at sinabing gusto lamang niyang dalawin ang "dating asawa."

Hindi pa rito nagtatapos ang kanyang pagdurusa. Ang anak na lalaki ni Raoul sa bagong asawa ay kamukhang-kamukha ng nasira nilang anak na lalaki. At dito pa sa batang ito siya nakakita ng respeto at pagpapahalagang hindi niya nakuha sa sarili niyang mga anak.

Ito ang kinahantungan ng mga pangarap ni Alicia sa Lupa ng mga Pangako. Hinanakit. Pagdurusa. Kamatayan.

Kung ikaw si Alicia Alonzo sa Waikiki, naglaslas ka na siguro ng pulso upang diligin ng dugo ang punyetang Bayan ng Pinya!

(Collage by Jojo DeVera)


Related post:
Jojo DeVera's "Waikiki... Sa Loob at Labas ng Bayan Kong Sawi"

Thursday, September 30, 2010

Veronica Velasco's "I Do" (2010)


I'd like to believe that the theme of this latest Star Cinema offering is that the wedding is not the be all and end all of committing to a relationship. That more than the preparation itself, the sanctity of marriage is important and couples should work hard to maintain a harmonious relationship. That having a family is not just by apprehending your husband's surname to yours and to your child, but by constantly being there for you in good times and bad; loving and caring for each other not because you need to, because you want to.

But it isn't.

I Do seems artificially staged that characters and situations turned caricatures of what they really are supposed to be. Except for Lance (Enchong Dee), all characters are one-dimensional and comic versions of themselves.

From the beginning we meet the young Yumi (Erich Gonzales), she tells us her aspiration of having a dream wedding and focuses herself into getting one the moment she meets Lance. Ito na ang naging bukambibig niya from the very start regardless of what Lance feels about it or what he is going through just to give her one. On and off wedding cancellations happen that even her family has become consumed by it. Mas naging concern pa sila sa kahihiyang dulot ng paulit-ulit na pagkansela ng kasal at ng pagod at hirap na dinaranas nila kaysa sa nagkukubling dahilan nito. Not once did they talk to Yumi (and Lance) about how hard it is to raise a family given that they already have a daughter, and they are just in their early 20s. Maski ang kanilang anak na si Sofia ay naging kasangkapan lang sa kabaliwang umiinog sa kanilang napipintong pagpapakasal. The goal is to get married. Period. Without questioning their readiness for it.

On the other hand, Lance's family is opposed to the wedding not because they're young, but because Yumi is not Chinese. They didn't even give Lance a chance to become responsible for his actions and decisions. Basta hindi Chinese si Yumi, tapos! Di baleng magmukhang matapobre. Di baleng may madehadong ibang tao dahil sa kanila. Di baleng sinasaktan nila ang kanilang anak. Ang importante ay to hold on to their tradition, "Ang Chinese ay para sa Chinese."

Lance has gone through a lot from the start of his relationship with Yumi. For one thing, he weighs her feelings towards her. Ito ba ay tinadhana o pinagdesisyunan? Para sa kanya, ang pagmamahal ay isang desisyon. He decides to love Yumi even if they came from different backgrounds. He decides to love Yumi even if she seems too self-absorbed and immature. He decides to get married to her despite losing his own family in the process. In the end siya pa rin ang humingi ng kapatawaran kay Yumi at sa pamilya nito sa mga naging mapusok niyang desisyon. And all Yumi has to do was accept his apology and not take responsibility for her own actions, as well. Ang sa kanya, she has gotten her dream wedding. Period.

I admire Enchong for showing depth in his character. Kitang-kita ang confusion na pinagdadaanan niya sa tatahaking landas. In between teenage years siya at adulthood kung saan kailangan niyang matutong mag-decide on his own, subalit kailangan pa rin niya ng gabay ng kanyang pamilya na tumalikod sa kanya. It is very brave of his character to apologize for his mistakes when he is just trying to come up with a decision that would be best for all of them.

Erich is irritating! From her screeching voice to her constant whining to her overflowing tears. Walang ibang dimensyon ang karakter niya at hindi niya ma-distinguish ang pagkakaiba-iba ng dramatic peaks na kinakaharap ng karakter niya. She even borders on acting like a social climber to an overzealous girlfriend.


Nang una kong makita ang publicity photos para sa pelikulang ito, naisip ko kung bakit parang iisa ang reaksyon ni Erich sa mga larawan samantalang nagbabago ang kay Enchong. Now I know why.


Related post:
Phil Dy's Laughing it Away

Tuesday, September 21, 2010

Palabra de Honor (Danny Zialcita, 1983)

Twisted relationships galore!

Eddie Garcia (Don Adolfo), the rich businessman in town, is about to get married to Gloria Diaz (Victoria). His daughter, Jackielou Blanco (Sylvia), is opposed to it for being the youngest and favorite daughter, she is in love with her father.

"Be practical, papa. Okay, you're tired. You're lonely. Go ahead. Hawakan mo siya. Kunin mo siya. But not as your wife, as your mistress."

Her older sister, Hilda Koronel (Cristy), is married to Ronaldo Valdez (David), who marries her for her money. Alam ito ni Hilda yet she remains married to him. Ayaw niyang masira ang kanilang pangalan sa lipunan.

Ronaldo is Gloria's ex-lover. She plots to get into Eddie's family to exact revenge against the former lover.

Elizabeth Oropesa (Olivia), as a woman, takes a stand against Eddie. She assumes her right every chance she gets. But in the world of men, she is not taken seriously. Her words don't matter. "Lahat ng tao rito kung tawagin niya ay sa unang pangalan. Ako lang ang hindi," she mutters.

She is married to Dindo Fernando (Louie) who, according to her, is richer than Eddie, yet doesn't get the same amount of respect in the community as Eddie's. He says, "Ginawa niya ang kanyang pera. Minana ko lang ang akin."

In Dindo's standards, hindi magkapantay ang yaman nila. Besides, ayaw niyang kabanggain si Eddie. Hindi lamang ito tinitingala ng lipunan, he also doesn't want to jeopardize his affair with his daughter Hilda whom he gets pregnant.

Tommy Abuel (Arthur) is Eddie's sort of right-hand man. Hindi sing-yaman nina Eddie at Dindo, but a respected man, nonetheless. He is married to Amy Austria (Elma) who hasn't been sleeping with him for a long time. She avoids him like a plague, believing that he is sleeping around. However, it is she who is having a constant tryst, with Hilda's husband, Ronaldo.


Mark Gil (Tony) is Tommy's friend whom he helps getting a job in a campus in their community. He is married to Beth Bautista (Niña) whom Tommy has the hots for. Tommy helps Mark in acquiring the teaching position as a favor to Beth who promises herself to her once the deal is done. But Beth is having cold feet. Hindi niya magawang ibigay ang sarili kay Tommy.

Tommy, on the other hand, has a change of heart when he realizes how much he loves Amy. Until he learns of Amy's infidelity, who is about to go with Ronaldo. Kakaalam lang ni Ronaldo ng relasyon nina Hilda at Dindo, and he leaves her. He blackmails Dindo into giving him a million peso. Matapos ay inaya niyang magtanan si Amy.

Sinugod ni Tommy si Ronaldo. Nakipagsapakan. Then he confronts Amy.

"Ang dami mong dahilan. 'Wag kang lalapit. Mabaho ka. Mabahong hininga mo. Amoy shoktong. Wag kang didikit. Ang kamay mo baka kung sa'n nanggaling, matetano pa ko. Alis diyan!' 'Yun pala may kumakalikot sa 'yo. Sarap mong sapakin!"

Meanwhile, Elizabeth is against Mark's employment. Sinubukan niya ang lahat upang hindi ito matuloy. She even rallies in front of his house, pero wala siyang nagawa. Hindi lamang si Mark ang kabangga niya rito, maging si Eddie na isang malaking pader sa komunidad. Tulad ng mga naghaharing kapitalista sa mundo, he has the money. He has the last say.

"Kung ayaw n'yo nang palakad ng eskwelahan, kung ayaw ninyo sa taong 'yan, bukas ay ipasasara ko ang eskwelahan. At maghanap na kayo ng papasukan ng inyong mga anak doon sa kabilang bayan. Tingnan natin kung hindi kayo mahihirapan. At 'pag nangyari uli ito, ang inyong mga asawa ay ihanap n'yo ng ibang trabaho. Hala! Magsiuwi na kayo!"

Beth is intrigued as to what motivates Elizabeth into going after her husband. Nag-imbestiga siya. Nalaman niya ang di kagandahang nakaraan ni Elizabeth. Sinugod niya ito at binantaang ilalabas ang baho niya kapag di niya tinigilan si Mark.

Battle ensues. This has got to be the most masculine fight by women in Philippine cinema. Sapakan kung sapakan. Matinding sampalan. Matigas na sabunutan. Mabigat na sakalan. Tulakan. Murahan. Dayaan. Matira ang matibay. DZ made sure na hindi gawing malamya at katawa-tawa ang eksena dahil mga babae sila.


Yet, he also made sure that it is a sensual one. Foreplay para sa mga mapagnasang mata ng kalalakihan. Torn clothes, exposed bras, peeping panties, at nipples na halos bakat na sa bra. It is hitting two birds with one stone. Turning women into fighting savages ala men and serving men with delectable feast. Progressive and offensive at the same time.

When Eddie discovers Gloria's past with Ronaldo, he is disheartened. For someone who honors his word, nadismaya siya na niloko siya ng babaeng mahal niya. He could've ended the engagement, but he didn't. He has given his word to marry Gloria, and he is not about back out on it. He gets married to her, pero nagbago na ang sitwasyon. She gets her part of the bargain (money-wise), and he gets to be true to his word. Ito ang kanyang palabra de honor.

If we are to look at the whole picture, asan na nga ba ang isang salita ng mga taong involved sa kwentong ito? When they promised to cherish and adore each other through thick and thin in the sanctity of marriage, did they do so? Hindi na nga ba mahalaga ang pagtupad sa nabitiwang salita? Are promises really made to be broken? O may tulad pa ni Eddie na pinangangahalagan ang kanyang dignidad kahit pa siya ay nalagay sa alanganin? Ito nga ba ang tunay na palabra de honor? Ang tuparin ang ipinangako kahit pa hindi naging totoo ang kabilang parte?

More than wealth, mas pinangalagahan ni Eddie ang tingin niya sa kanyang sarili. Hindi niya kayang sumiping sa isang asawang alam niyang walang pagmamahal sa kanya. Subalit sa kanyang pagtupad sa pangakong kasal kay Victoria, hindi ba rin siya nagkakasala sa batas ng matrimonya ng kasal?

Maraming power struggles sa pelikulang ito. Kakikitaan na maging ang mga mayayaman ay may pagnanasa pa ring maitaas ang kanilang sarili sa kapwa nila mayaman. Ang mga galing naman sa hirap ay di mawawalan ng need upang maiangat ang kanilang pwesto sa lipunan kahit kayamanan lamang ang inaasam nila noong una.

May power struggles within married couples. Sino ba ang dapat ang domineering at sino ang submissive? Babae ba dapat ang nasa ibaba at lalaki ba dapat ang humahawak ng relasyon? Sa kontekso ng mag-asawang Pinoy, makikitang malakas ang boses ng babae sa isang relasyon lalo na sa pamamahala ng tirahan at mga anak. Ganito pinapahalagahan ng lalaking Pinoy ang kanyang asawa. Subalit paglabas ng tahanan, siya ang boss. Siya ang may say sa lahat ng kanyang magiging desisyon.

May power struggles sa mga magulang at anak. Kailan ba nagkakaroon ng pagkakataong magsalita ang anak laban sa desisyon ng mga magulang? Kailan ba maaring makinig ang mga magulang sa anak notwithstanding the age difference and status of relationship?

May power struggles within the boss and his employees. Mas madalas sa hindi, ang boss ang may huling salita. No matter how much you detest your boss's decision, one never bites the hand that feeds him.

Sa panahong ito kung saan laganap ang lokohan, pagsisinungaling, betrayal, backbiting, may nagpapahalaga pa ba sa palabra de honor tulad ng isang Don Adolfo?



Related post:
Pelikula, Atbp.'s "Palabra de Honor (1983)"

Monday, September 20, 2010

Fast Forward


In Viewer Discretion's post entitled "Contesting Visibilities, Contextualizing Desires" about Pinoy gay movies, I quote:

"We admit, we watch many of these gay films. More often than not, it’s for the sex. Cris (Pablo) watches more of them than I do, but he also uses the fast forward button more frequently (“to get to the juicy parts,” he says). I, the more prudish one, would try to stick it out through the whole film, and not infrequently, would confirm Cris’s suspicion that he didn’t miss much anyway."

Kaya naman pala may ganoon ding pakiramdam ang manonood sa mga pelikula ni Cris ay sa dahilang ganoon din niya itrato ang kanyang panonood ng pelikula. Most often than not, pinagtutuunan niya ng pansin ang sex scenes at nudity ng kanyang mga pelikula kaysa sa takbo ng kuwento nito dahil siya mismo, bilang manonood, ay 'yun din ang hanap. Most of the times, the story takes a backseat over the sex scenes. Softcore porn na ngang maituturing kung minsan ang kanyang mga pelikula.

Tulad ni Phil Dy, I still give him the benefit of the doubt when it comes to watching his films. Naisip ko na baka naman sa susunod, sa dami-dami ng mga pelikulang ginagawa niya, ay may mailabas siyang matino at kapuri-puri. However, like Dy, I end up disappointed, as well.

Paano ka nga ba makakagawa ng isang matinong pelikula kung ang pagtrato mo rito ay isang commodity lamang na pwede mong pagkakitaan? You don't treat it with respect the way it has to be treated. Paano ka nga ba makakapag-focus sa kwento ng pelikula kung ikaw mismo, sa mga pinanonood mo, ay sex lang din ang habol? Mas mabuti pa sigurong hardcore porn ang iyong gawin para hindi na gaanong mag-expect pa ang manonood ng istorya.

You make films the way you see them.

Nakakalungkot. Nakakainis.


Related Posts:
Viewer Discretion's "Contesting Visibilities, Contextualizing Desires"
Philbert Dy's "Worthy of Our Disdain"
Sineasta's "Ang Mukha ng Bading sa Pelikulang Pilipino sa Bagong Milenyo"

Friday, September 10, 2010

Sa 'Yo Lamang (Laurice Guillen, 2010)


Gusto ko:
  • Tulad ng nabanggit ni Oggs Cruz sa kanyang review, matindi ang panimulang eksena nina Dianne (Bea Alonzo) at Franco (Christopher de Leon) kung sa'n gigil na gigil na nilapitan ng anak ang ama upang sabihin ang hindi niya pagtanggap sa pagbabalik nito. Sa kaunting salita, napadama ni Dianne ang kinikimkim niyang sama ng loob dito kasabay ng isang malutong na pagmumura bilang pagtatapos nito.

    Para sa isang ama, napakasakit na marinig ang mga salitang iyon mula sa iyong anak. Subalit di rin naman natin magawang kasuklaman ang anak sa pagpapahiwatig ng kanyang nararamdaman. Mararamdaman nating halos kainin ng lupa si Franco matapos laitin ng kanyang anak.

  • Nagkaroon ng shift ang pag-uusap muli nina Dianne at Franco. Sa una ay taas-noo na dala-dala ni Franco ang pagiging ama sa kanyang pamilya sa kanyang pagbabalik. Pakiramdam niya ay may kaparatan siyang balikan sila anuman ang kanyang pagkukulang. Subalit sa sumunod na eksena ay pakumbabang humingi siya ng kapatawaran sa anak at nanghingi ng pangalawang pagkakataon.

    Sa kabilang banda, si Dianne naman ay mahinahon na nagpahiwatig ng pinanggagalingan ng kanyang nararamdaman sa kanyang ama. Binanggit niya ang mga pagkakataong naghirap sila ng kanyang ina sa pagtaguyod ng kanilang pamilya dahil sa paglisan nito at kung paano nila pinagsikapang iahon ang mga sarili. Wala itong halong galit. Walang halong pagkamuhi.

  • 'Yung pagkakataong nalaman ni Amanda (Lorna Tolentino) ang katotohanan sa pagtataksil muli ni Franco. Nu'ng ito ay magbalik, pinilit niyang maging masaya para sa kanyang pamilya. Umasa siya sa pagiging buo nilang muli at pinilit na hindi magduda sa katapatan ng asawa. Subalit nabigo siya at binigong muli ng asawa. Pakiramdam niya'y pinayagang na naman niya itong lokohin siya at apak-apakan. Kaya naman sa pagkakatong iyon, hindi na siya nagdawalang-isip na palayasin ito sa tirahang pinundar niya at ni Dianne.

  • Ang eksena kung saan nakikiusap si Dianne sa inang si Amanda na huwag bibitiw. Na kakayanin niya ang lahat maliban sa mawala ang kanyang sandalan at matalik na kaibigan. Sa puntong ito ay nagiging matatag pa rin siya para sa inang isinuko na ang kapalaran sa nakakataas.

  • 'Yung eksena ng rebeldeng si Coby (Coco Martin) kung saan nilapitan niya si Dianne at tinanong kung ano ba ang sakit ng ina. Itinanggi ng kapatid ang karamdaman ng ina. Nagsumamo si Coby at nagwikang, "Isali n'yo naman ako. Parte rin ako ng pamilyang ito."

    Isa ito sa highlights ng pelikula. Sa kakaunting mga salita ay naipahatid ng binata ang kanyang hinanakit, ang nilalaman ng kanyang puso na kinimkim niya sa napakatagal na panahon.

  • Nang atakihin ng kanyang sakit si Amanda, dali-daling nagtungo ang magkakapatid sa silid ng ina. Nanginginig ito sa ginaw at ginawa nilang lahat ang kanilang makakaya upang pawiin ang nararamdaman nito. Binalot nila ito ng kumot at niyakap ang iba't-ibang parte ng katawan.

    Subalit si Dianne ay nanigas sa kanyang pagkakatayo malayo sa ina. Namulat siya sa katotohanan ng realidad na mawawala na ang kanila ina. Na ito ay isang bagay na hindi niya magagawan ng paraan. Unti-unti ay lumabas ang kanyang kahinaan. Unti-unti ay nahubad ang kanyang superhero costume.

Ayaw ko:
  • 'Yung pakiramdam na nagbabase lamang ang Sa 'Yo Lamang sa tagumpay at kaledad ng Tanging Yaman. Marami sa mga eksena rito at kuha ng camera ay nakita na sa naturang pelikula. Imbes na maging distinct ito as itself ay parang naging copycat lamang sa aking paningin.

  • 'Yung pagkalunod ng ibang emosyonal na eksena sa musical scoring. Sumasabay ang lakas ng tugtog sa lakas ng hagulgol ng karakter.

  • 'Yung di magandang karakterisasyon ng halos lahat ng lalaki sa pelikula. Si Franco ay babaerong tunay. Iniwan ang pamilya para sa kanyang kerida. Pagkalipas ng sampung taon ay bumalik na walang kapatawarang hiningi. Walang dahilan na ibinigay. Ang tanging bitbit niya lamang ay ang karapatan niya bilang isang asawa't anak. Subalit hanggang sa pagbabalik na iyon ay hindi siya naging matapat sa kanyang mag-iina. Hindi niya tinapos nang maayos ang kanyang iniwang relasyon sa iba.

    Si Coby ay babaero at walang galang sa babae. Ito ang paraan niya upang mapalapit sa kanyang ama. "Idol kita," wika niya. Nagrerebelde rin siya kay Dianne na nagmamando sa kanyang buhay.

    Si James (Enchong Dee) ay napilitang magnakaw ng exams upang mapanatili ang kanyang scholarship. Pressured siya sa demands ni Dianne na maging magaling sa kanyang pag-aaral.

    Ang karakter ni Diether Ocampo bilang ex-bf ni Dianne ay nagbalik mula US. Binalikan niya ang dating kasintahan kahit pa alam niyang engage na ito sa kasintahang si Zanjoe Marudo. Bumigay si Dianne sa kanya at nalamang kinasal na pala siya sa US!

  • Sa iisang tema uminog ang kwento ng pelikula: pagtataksil. Nag-ugat ang kasiraan ng pamilya sa pagtataksil ni Franco. Bilang ganti ay nagtaksil din si Amanda at nagkaanak sa iba na pinamigay niya upang "protektahan" ang kanyang pamilya. Naging palikero si Coby. Pinagtataksilan ang mga babaeng nakakapiling niya. Pinagtaksilan ni Dianne ang kanyang fiance. Pinagtaksilan si Dianne ng kanyang ex-bf. Pinagtaksilan ni ex-bf ang kanyang asawa sa US. Paulit-ulit ang kwentong ito sa buong pelikula. Paikot-ikot sa mga karakter nito.

    Ano ba ang gustong sabihin nito? Na taksil ang mundo? Na ang pagtataksil ay nagiging inherent sa pamilya kapag may isang gumawa nito? Na pagtataksil ang sagot sa isa pang pagtataksil? Na kailangang tanggapin na isa itong normal na gawain at dapat intindihin?

    Isa o dalawang beses itong mabanggit ay maaring parte lamang ng plot. Subalit kung makailang ulit, ito na mismo ang nagiging plot ng pelikula at nagiging central theme nito. Maging ang pagbibigay ni Amanda ng anak niya sa pagkakasala ay maituturing na pagtataksil sa kanyang naturang anak.

  • Hindi ko matanggap ang dahilan ni Amanda sa pagpapaampon sa kanyang anak. Ayaw niyang magkagulo ang kanyang pamilya kung sakaling palalakihin niya ang bata na kasama ng kanyang mga anak kay Franco. Mababaw itong dahilan kung ating iisipin katulad ng kanyang pagtataksil sa asawa upang maganti. Ganito nga ba talaga siya mag-isip? Mababaw? Umiral ang kanyang pagiging makasarili sa puntong ito kahit na pilit na jina-justify na ginawa niya ito para sa ikakabuti ng bata. Natakot siyang harapin ang multong kanyang ginawa.

  • Pinasok ni Coby sa kwarto ang karakter ni Shaina Magdayao na kanyang nabuntis. Pinilit niya ang sarili rito at nang makita niya ang pagluha nito ay lumambot ang kanyang puso. Nagbago ang tingin at pakiramdam niya rito.

    May kasabihang "Never trust the words of a man in bed" dahil sasabihin nito ang pinakamamagandang salita sa oras ng pakikipagniig sa iba. Kaya paanong mapapaniwalaang totoo ang naging pagluha niya rin sa pagkakataong iyon? Na totoo ang naramdamang niya para sa dating kasintahan? Ang tagpong iyon ay hindi na nasundan ng isang pang tagpo na magpapatunay na may pagbabagong nangyari.

  • Lahat ng mga karakter sa pelikula ay flawed. Pwede itong maging para at laban sa pelikula.

    Para sa pelikula dahil pinakikita nitong totoong mga tao ang gumagalaw rito: makasalanan.

    Laban sa pelikula dahil wala ni isang karakter ang pwedeng i-emulate. Nasadlak sila sa kasalanan dahil sa kanilang ama. Subalit nasaan ang tinatawag na free will and choice para sa kanila?

    Pinili ni Amanda na gumanti sa asawang nangangaliwa. Pinili ni Coby na mag-rebelde at pagluruan ang mga babae. Pinili ni Dianne na lokohin ang kasintahan. Pinili ni James na magnakaw ng exams.

    Gayon pa man, tayo bilang manonood ay hinihiling na maging mapagpatawad sa kanila. Na tanggapin ang kanilang mga pagkukulang. Pero paano natin gagawin 'yun lalo pa sa karakter ni Franco kung hindi naman tayo binigyan ng dahilan upang tanggapin at mahalin siya ng buong-buo? Makasalanan siyang pinakilala sa pelikula at hanggang sa huli ay di siya nakitaan ng paborableng pag-uugali o kilos.

    But God's love is beyond that, ang sabi ng pelikula. Anuman ang ating pagkukulang at kasalanan, mapapatawad Niya tayo nang walang hinihinging dahilan basta't taos sa puso ang pagbabalik-loob.
Overall, disenteng pelikula naman na maituturing ang Sa 'Yo Lamang. Subalit di ko maihahanay ito bilang isa sa magagaling na pelikulang Pinoy. Hindi sapat na mapaiyak tayo ng pelikula nang makailang ulit upang masabing magaling ito. Hindi sapat na may mga stand-out performances ang mga aktor ng pelikula para masabing de kalidad ito.

P.S.
Sumasang-ayon ako kay Jessica Zafra. Hindi na natural ang mga itsura nina Lorna at Christopher sa pelikula. Hindi na gumagalaw ang noo ni Lorna samantalang parang banat na banat naman ang mukha ni Christopher. Asan na ang tinatawag na "growing old gracefully?"




Related reviews:
Oggs Cruz's Sa 'Yo Lamang
Jessica Zafra's Like the Seven Plagues, Flash-forwarded
Phil Dy's Ensemble Syndrome