The Ties That Bind
"Bukas Luluhod ang mga Tala" (Emmanuel Borlaza, 1984)
Rebecca Rios: "Ngayon, mataas sila. Hindi maabot. Nagkikislapan. Parang mga tala. Ipinapangako ko, Inay, bukas, luluhod ang mga tala."
Bukas Luluhod ang Mga Tala (Emmanuel Borlaza) in 1984 started the so-called “Tala Trilogy.” The other two films being Bituing Walang Ningning (Emmanuel Borlaza & Leroy Salvador) in 1985 and Sana'y Wala Nang Wakas (Leroy Salvador) in 1986. Feeling ko na hindi naman talaga plinano na gawing trilogy ang mga sumunod pang pelikula. Nagkataon lang na pare-parehong uminog ang kuwento sa buhay ng isang mang-aawit at tumabo sa takilya kaya tinaguriang trilogy.
By 1987 may humabol pang Pasan Ko ang Daigdig (Lino Brocka) which makes it a quadrilogy even. Yet, “Pasan” was more like an afterthought na sumakay sa formula ng mga naunang pelikula but completely of a different caliber. Kung turning point sa karera ni Sharon ang Bukas na pinagmulan ng adult-oriented movies niya outside her team-up with Gabby Concepcion, turning point din ang Pasan into a much mature role, this time, outside her marriage with Gabby.
So technically, Bukas and Pasan may serve as bookends to a phase in Sharon’s career. Kaya tama rin namang di i-exclude ang Pasan sa “Tala” narratives dahil winakasan nito hindi lang ang kwentong singer sa mga pelikula ni Sharon kundi ang kwentong Gabby sa buhay niya.
Among the four, I have a nagging feeling ko na Bukas was the best. Coming in at close second was Bituin. Of course, may magsasabing the latter was better for so and so reasons pero mahirap talagang pagbanggain ang dalawa given that both are good films, great even, and are considered as classic Pinoy cinema.
Marami-rami na rin akong nasulat tungkol sa Bituin (the latest one would be part of SFFR’s Essentials) pero tungkol sa Bukas, wala pa gaano. Kaya maglilista na lang ako ng mga bagay kung bakit ito better than the three of its counterpart, and why it is an important Sharon Cuneta film.
1. Unang-una, let’s already get it out of the way. Kasabay ng showing ng Bukas ang pelikula ng isa pang box-office superstar, si Vilma Santos. (Take note: superstar with small “s.” Mabuti nang malinaw. Baka may umaway sa akin.) Sister Stella L. did not have a fighting chance against Sharon Cuneta’s Rebecca Rios. Flopey ang lola mo sa takilya. Kaya nga rin siguro walang nagcha-champion sa Bukas among critics before is for that reason, according sa critic na si Joel David. The audacity na pataubuin ng isang komiks-material film ang isang pelikulang politikal, may sinasabi sa estado sa bayan, at may pinaglalaban directed by Mike de Leon. (Manunuri levels, ganyan!) The nerve of Sharon Cuneta na makipagsabayan kay Vilma who by that time already achieved her grandslam actress status via Relasyon in 1982.
However, even before the box-office success of Bukas, may isa pang box-office hit si Sharon. Ito ang Dapat Ka Bang Mahalin? with Gabby Concepcion na 1984 din nilabas. Sinira niya box-office result before it na si Sharon din ang gumawa.
2. Dapat was Sharon’s transition movie to adulthood. She and Gabby played the role of newlyweds. Bukas was also a transition film but this time, away from Gabby at malayo sa madalas niyang papel bilang isang mayamang anak at mangingibig. Sa pagkakataong ito, isang purita gomez from the slums ang peg niya na nag-wish upon a star na maging singer. Because that is where the money is. Just ask the Superstar Nora Aunor who, by the way, was mentioned in the film.
“Ang ganda ng boses mo. Para kang si Nora Aunor,” ansabe ng isang binatilyong namangha sa tinig at ganda ng dalagitang Sharon.
Hindi na rin siya nag-i-Ingles o Colegiala Taglish para mas relate ang tao sa kanya. Bliss Cua Lim described this Sharon’s phase as the “Noranian turn,” using the Nora narrative to her advantage.
(Side note: Sharon won the Best Actress award for Dapat the following year in FAMAS. She was tied with Nora for Bulaklak sa City Jail. On stage she was booed by some of Nora’s fans who attended the event.
She confusingly said, “Bakit po?” not understanding why such reception from them. “Binigay po nila itong award sa akin. Di ko naman hiningi.”)
3. At dahil first time ding gumanap ni Sharon bilang purita avila, getching barreto na niya kaagad ang simpatya ng masa. From her middle class to rich market, inabot n’ya ang mahihirap which was part of her packaging.
Joi Barrios: “(N)akita naming ang aming sarili kay Sharon. Hindi lamang kung ano kami noon kundi maging pati na rin ang gusto naming maging.” (Note: Tungkol sa mga unang papel na ginampanan ni Sharon)
Medyo lumamlam ang karera niya before Dapat kaya naisip ng kanyang studio na mas palawakin pa ang kanyang reach.
4. Hindi naman nagkamali ang Viva Films sa kanilang desisyon because by this time, Sharon has cemented her name as the country’s “Megastar,” a title which was originally coined for her by Ed de Leon at mas nauna pa sa bansag na “Star for All Seasons” kay Vilma.
She has proven such status with the pandemonium she created on the day she married Gabby Concepcion. Himala crowd levels pero mas delulu. Paano naman kase, mas organized ang mga taong pinatawag ni Elsa sa burol para makipag-seance. Kung hindi nagkabarilan, di magkakagulo.
Eh sa kasal nina Sharon at Gabby, ang wild nila! Nag-cause sila ng traffic at delay sa celebration ng kasal. Akalain mo ‘yon! Lahat sila want a piece of the action literally dahil may mga humatak sa gown ni Sharon at nagnakaw ng aras. Kung pwede ngang sumama sa honeymoon, baka ginawa na nila.
5. Sa kuwento ng mga nanood ng Bukas tulad ni John Lapus, napakahaba ng pila sa sinehan. Umabot na ito sa labas at kalsada. This was at a time na stand-alone pa ang mga sinehan, pwedeng manood any time, standing room sa loob, at pwedeng tumambay mula opening hanggang closing sa loob na isahang bayad lang.
John Lapus: “My God! Ang pila hanggang kalye ng D’ Square Theater sa Bayan (Novaliches). Sa sahig na kami nakaupo by the time na nakapasok kaming magbabarkada.”
6. Relate ang publiko sa pelikula. Nakita nila ang kanilang sarili sa estado ni Rebecca Rios na mula sa squatter’s area, nangarap makaahon sa hirap, at na-achieve ang success eventually. From that day on, nasakop ni Sharon ang Class ABCD crowd.
John Lapus: “Sa eksenang pinahabol sa aso si Raymond Lauchengco, medyo natigilan na ako. (Edit: Si Tommy Abuel ang pinahabol sa aso.) Sa eksenang nakatingala sina Gina Pareño at Sharon sa mansion ng mga mayayaman at nangako si Sharon na bukas luluhod ang mga tala, humagulgol na ako ng iyak. Sa eksenang tinulungan pa din ni Sharon ang mga stepsisters niya kahit inapi-api sila, sipon ko na ang tumutulo. Paglabas ng D’ Square Theater, Sharonian na ako. Pinamukha sa akin ni Sharon Cuneta na ang nararamdaman kong kahirapan ng mga panahong ‘yon ay lilipas din.”
7. Kilala ng karamihan ang pangalang Sister Stella L. pero bihira siguro ang makakaalala ng pangalang Rebecca Rios maliban sa mga Sharonians. Pero mahalaga ang ginagampanan ng pangalang ito sa pelikula. Rebecca means “to tie” or “bind” while Rios means “river.” Kay Rebecca umiinog ang kuwento ng mga tao sa pelikula na tila isang ilog na umaagos at nagbibigay ng buhay sa lahat. O, di ba! Nakonek-konek ko ‘yan! Di ‘yan pilit, ha. Patutunayan ko sa inyo.
8. Sa umpisa pa lang, nang ilabas ni Tommy Abuel si Gina Pareño sa bahay nila dahil manganganak na ito kay Rebecca, unti-unting naglabasan ang mga kapitbahay para tulungan sila. Isa-isa silang naglapitan sa mag-asawa na akala mo ay first child of the century! (Ansabe ng tigang na lupa sa Cupang at ang unang patak ng ulan dito???) At nang tanggihan silang isakay sa kotse nina Pilar Pilapil at Eddie Rodriguez, ramdam din nila ang pain at rejection.
Finally, nang mapaanak na sa kalsada si Gina, naglatag sila ng banig at tinakpan ng kumot ang paligid. Mas matindi pa ito sa pagkapanganak kay Hesus sa sabsaban!
And it was actually one of my favorite scenes in the film. Bayanihan to the max! NQQIYQ when the shopetbahay came together to make tulong to them. Ang cheesy niya pero cinematic at the same time dahil ang nasa gitna sila ng daan—pagitan ng kalyeng nagdi-divide sa lugar ng mayayaman at mahihirap.
It should be noted, however, na rare breed pagdating sa melodrama narratives ang mga tulad ni Rebecca na may royal blood pero tinanggi at napunta sa mahihirap. Remember Moses? O si Mara ng Mara Clara duo? Eh lalayo pa ba??? Si Jezuz!!!
9. May central theme ang pelikula at doon ito nakaangkla from start to finish—achieving one’s dream. Simula sa unang kantang inawit ng batang Sharon na “The Impossible Dream” hanggang sa final song niyang “Pangarap na Bituin.” Unlike Dorina Pineda sa “Bituin,” Rebecca was not a reluctant star. Gusto niyang maging singer. Gusto niyang maging matagumpay. At di niya ito tinalikuran para lang sa lalaki. (Though she gave up something for a man—ang poot sa kanyang dibdib.)
10. Ang central theme ng pelikula ay makikita rin sa isang maikling eksena sa tindahan. Nang bumili ng tuyo ang isang hostess at sabihan siya ng kapitbahay na bakit tuyo ang uulamin gayong may naging customer naman. Ang sagot niya, “Kahit na ba kumita ako, di ko wawaldasin ang pera ko. Gusto kong makaalis sa lugar na ito.” Ang winner ng attitude ni ateng, di ba? Sanaol ganyang hostess.
11. When Rebecca had her first win on television, the neighbors won, too! They, too, shared the excitement and happiness dahil kasama silang nag-aruga at nagpalaki kay Rebecca lalo na nang mamatay ang ama ito dahil pinalapa sa aso ni Pilar, which by the way, is named Hitler. I mean, Hitler ang pangalan ng aso ni Pilar. Hindi si Pilar mismo. Though pwede na ring pangalan ni Pilar dahil may superiority complex ang hitad at mababang uri ang tingin sa mahihirap.
12. Dahil din sa makakating dila ng shopetbahay, na-learn ni Rebecca ang truth—na anak siya ni Eddie kay Gina. Dahil dito mas nag-alab ang damdamin niyang umangat sa hirap at makapaghiganti. Thus saying, “Ngayon, mataas sila. Hindi maabot. Parang mga tala, nagkikislapan. Pinapangako ko, Inay, bukas luluhod ang mga tala.”
And mind you, di lang metaphorical ang linyahan niya. Literal din siya dahil ang surname nina Eddie ay Estrella—meaning star. Pero wala namang actual na lumuhod sa kanila.
Joi Barrios: “Sa tuwing inaapi, inaalipusta at inaalila si Sharon ay maaari mong alalahanin ang lahat ng pagkakataong naargrabyado ka dahil ikaw ay mahirap.”
13. Nang magkapera si Rebecca, di niya nilisan ang lugar nila. Lumipat lang siya ng malaking bahay na nasa same area din pero katapat ng bahay ng mga taong umaalipusta sa kanila. Because she’s Rebecca Rios! Kung aalis siya sa lugar na ‘yon, mapuputol ang koneks’yon niya sa mga kapitbahay at villain ng kuwento. Di na siya si Rebecca Rios niyan. Gets??? Charot! Pero parte ng grander scheme ang pagtira niya sa tapat ng kaaway. Gusto niyang ipamukha sa kanilang magsing-level nila.
Pero jusq si Lupe Velez sa Pasan, nasa mansion na, bumalik pa sa squatter’s area. Di ko gets ang utak ni ateng.
Joi Barrios reiterates though: “(A)ng binibigyang-diin ay ang kuwento tanging kuwento ng tagumpay. Ang kuwento ng basurerang naging mang-aawit ay kuwento rin ng batang nagtitinda ng tubig sa tren na naging superstar… Ang pagkalatag sa tali ng kahirapan… ay nasa indibidwal, hindi sa pagbabago ng sistemang siyang tunay na sanhi nito.”
(Side note: Vangie Labalan played Sharon’s ever supportive ninang in Bukas. Sa Pasan, may reunion sana sila. Nakunan na ang sabunutan nila sa basura but it didn’t make the final cut. Ni-reshoot ang eksena na di kasama si Vangie.)
14. Ang second theme ng pelikula ay about forgiveness. Forgive those who have wronged you. Pero s’ympre, bago makarating diyan, may revenge-revenge muna dapat, tikisan, irapan, sumbatan, at bilihan ng mansion ng kaaway. May pa-huling halaklak din tulad ni Vilma sa Kapag Langit ang Humatol o paghagis ng pera ni Maricel Soriano sa mukha ni Richard Gomez sa Ikaw Pa Lang ang Minahal. Only when you have achieved such, saka ka lang makapagpapatawad nang lubusan. Saka ka lang magkakaroon ng peace of mind. Saka ka lang pwedeng maging bigger person. Tanginanyonglahat!!! Charot!
Pero malaki ang difference ng reaction at demeanor ni Rebecca nang patawarin niya ang amang si Eddie at ang asawa nitong si Pilar. Kay Eddie, lubos ang kanyang pagpapatawad. Tatay nga naman niya ito. Maging sa half-sister na si Eula Valdez na sumira sa buhay ng kapatid niyang si Raymond Lauchengo, naging magaan ang kanyang pakikitungo.
Pero kay Pilar… mind you! Ang tunay na kontrabida sa kanilang buhay, kaswal lang siya. Walang yakap-yakap. Walang shake hands. Half a smile nga lang ang givesung niya sa kanya. Anyway, di naman sila magkaano-ano so… pake ko sa ‘yo. Gan’yan!
Ang linyahan niya lang sa kanya, “Habang buhay pa tayo, pwede pang magbago.” Parang sinasabi niya behind it, “I may forgive you but I won’t forget. I owned you now. Ako ang bumili ng mansion mo! Bitch ka lang, mas bitch ako!” Ganon! Maderpaker!
Paano kaya sila pag nag-reunion ang pamilya nila? Baka di siya imbitahin. Char! But fosho, tuwing may gatherings, magkakasama ang rich at poor sa isang venue, thus Rebecca serving as the tie that binds them all. Parang ABCD crowd na na-capture ng Megastar.
(Si Dorina sa Bituin, forgive niya si Cherie. Binalik niya ang korona pero getching niya ang boylet from her. “I won, girl!”
Sa Sana’y, iyakang umaatikabo nang magkapatawaran at mag-surpise reunion on concert stage. Wala namang snide remarks, I think. Nasa stage sila, eh. Charot!
Si Lupe sa Pasan, forgive niya ang lalaking lumapastangan sa kaniya at kinasama pa ito. Ay, ewan ko sa kanya! Crazy ka, teh???)
15. Technically speaking, mahusay ang direksyon ni Maning Borlaza sa pelikula. Sa eksenang natulala si Rey PJ Abellana the first time she sees Sharon, pak na pak talaga kasi ang ganda at alluring ang datingan ni Sharon. Muk-ap kung muk-ap at curls kung curls! Kala mo aaten ng JS Prom o ng graduation!
Nakatulong din ang simple sexy moves niya na pa-sway-sway lang sa sexy’ng tunog ng “Time Will Reveal” ng DeBarge.
Prior to this, sa umpisa as mentioned earlier, may binatilyo na ring nabighani sa ganda niya while on stage.
It's probably time na pag-aralan din ang works at auteurship ni Emmanuel Borlaza.
16. Kahit out of focus minsan, maganda ang direction at movement ng camera particularly sa musical sequences ng pelikula as compared sa walang kalatoy-latoy na musical parts sa Pasan. May limitation naman sa Bituin dahil buntis siya kay KC while doing the film.
17. Pagdating sa final rendition ng “Pangarap na Bituin,” pinaglaruan na rin ito ng tamang lighting, combining light and shadows on stage as compared to the first rendition of it sa isang television show na puro liwanag lang.
Mas madamdamin na rin ang pag-awit ni Sharon sa kanta, signifying she has come of age and has achieved everything she wanted in life.
Bukas Luluhod ang mga Tala centers on familial love—the great lengths you would do for your family. Bituin Walang Ninging is a love story—giving up the limelight for love. Sana’y Wala Nang Wakas focuses on friends—on the strong bond you have with them. Pasan Ko ang Daigdig is a hardcore melodrama—about a woman whose strength withstands all hardships and tribulations. All anchored on music and voice.
Isa pang matuturing na bookends sa karera ni Sharon ay ang mga taong 1984 at 1996. She was at her peak during those times, among other eras. She married Gabby in 1984, did box-office films, and recorded best-selling soundtracks and albums. She also had her first major concert.
In 1996 Sharon married Kiko Pangilinan. She did Madrasta which gave her the grandslam Best Actress trophies. It was also a turning point in her career, leaving Viva Films for Star Cinema.
In conclusion, nagbu-bloom talaga ‘pag bagong kasal. Pakasal na rin kaya ko??? Isang charot na malala!!! Sa panahon ngayon, nagiging parte ako ng kasal as ninong ng kinakasal. Mga hinayufak kayo!!!
Be my genie! Grant my wish(es), please? See my list. Click on this.
No comments:
Post a Comment