I was searching for a particular review na na-delete sa LPHP for copyright claim in my computer when I saw this. Hala! Ang tagal na nito. Duterte Administration pa ang references ko dito pero di pa rin siya tapos. 8 pages na pero di pa rin siya tapos.
So inupuan ko na siya para matapos. I had to rewatch the movie para madugtungan ko kaya eto na siya…
---
Story & Screenplay: Artemio Marquez & Raquel Villavicencio
Director: Artemio Marquez
Starring: Maricel Soriano, Pops Fernandez, Lotlot de Leon, Gloria Romero, Miguel Rodriguez, Eric Quizon, Ramon Christopher, Judy Ann Santos
WARNING: PURO SPOILER ALERT!!! Don't say I didn't warn you. Magkukuwento't magkukuwento lang ako dito dahil hardcore kuwentutero ako! Top to top. Ganyan! Bawal sa halata. Gano'n! Charot!
Recently ko lang napanood ang Kung Maibabalik Ko Lang (1989). Last year to be precise. (2019 siguro.) At lokang-loka ako sa napanood ko! Gusto kong magsulat about it pero grabe ‘ata ang shock ko kaya di ko magawang magsulat no’n. Then I realized, while watching and uncovering the twists of Akin ang Pangarap Mo (which I hope I could write about next), I remember this super twisted film. I have to see it again and write about it! Tru enuf, windang pa rin ako sa kaganapan ng pelikula. Napapahampas nga ako sa pader everytime na may revelation ang pelikula. Gano’n siya kaganda! O kapangit, depende sa trip mo. Basta ito ang tipo ng pelikulang it’s so panget, it becomes maganda!
Poster credit: Ronald Barrameda and DiamondStarNews via X
Walang sinabi ang sala-salabat na kuwento nito sa 100 years ni Cardo because the film did it in just 2 hours! 11 hours na pelikula ni Lav Diaz? Walang-wala kay Artemio Marquez! Sa dalawang oras, kayang-kaya niyang i-compress ang Harry Potter books! And you’d still be left out with a lot of details. Pero punong-puno ka na sa mga nangyari. Hindi ka na makakahinga! Eh sa 11 hours ni Lav??? Kayo na mag-fill in the blanks. Charot!
Magbubukas ang kuwento sa batang Maricel na masayang pinapanood magmake-up ang kanilang shofetbahay sa labas ng bahay nito. She, too, at such a young age is wearing make-up. Mahuhuli siya ng nanay niyang si Gloria Romero at pagagalitan.
“Ang landi-landi mo! Ang bata-bata mo pa,” sabi ni Gloria. Pinarusahan niya ang anak by making her stand with both her hands up after niyang kurut-kurutin sa singit.
Darating si father. Masayang-masaya. Promoted to a managerial position. Tumaas ang sahod, may food and transpo allowance, at may 500k insurance na sagot ng company! Mapapa-sanaol ka na lang talaga! Huhu!
Happy’ng-happy din naman si Gloria. “You deserve it. Para guminhawa naman ang buhay mo,” sabi ni husband sa kanya.
Then husband brings out the gifts to the children except for Maricel kasi masyadong mahal ang pinapabili nila: a set of make-up! Malandi nga kasi. Ang bata-bata pa, kerengkeng na!
When Gloria learns about it, nagalit uli!
“’Wag kang nanghihingi ng gano’n kamahal sa tatay mo!”
Husband stops her sa pagpalo kay Maricel and tells her how she embarrasses the child.
“Hindi mo naman anak ‘yan.”
A-ha! Anak sa labas si Maricel! Kaya ba gano’n na lang siya kagalitan ni Gloria? Anak ba siya ni Gloria kung gayon? O ampon lang? Iniwan ng kung sinong malandi sa pinto nila at inalagaan? Malandi s’ympre ang description nang nang-iwan para alam natin kung kanino magmamana ng kalandian si Maricel. O malandi rin ba si Gloria noon at bagong-buhay na siya? Later on, malalaman natin ang katotohanan.
The phone rings. Sasagutin ni Gloria. Walang boses sa kabilang linya so Gloria utters what is supposedly being said.
“HA? NABANGGA ANG SASAKYAN NG ASAWA KO? PATAY NA SIYA?”
Next scene, sementeryo. Pinangako ni Gloria na siya ang magpapatuloy ng pangarap ng asawa. Ihahaon niya sa hirap ang pamilya at magpapakayaman.
Tru enuf, yumaman siya! Nagtayo siya ng clothing business at boom! In just a few months, milyonarya na siya! Lumipat na isang mala-mansyong balur! Ilang buwan lang ‘yon o baka nga linggo lang kasi bagets pa rin ang mga anak niya. Kung sino ang nasa libing, sila pa rin ang kasama niya sa paglipat ng bahay. Ang bongga, di ba! Sanaol talaga!
So excited na pumasok ang mga bagets sa mansyon then transition sa pagpasok sa kuwarto na malalaki na ito. Sina Maricel Soriano, Pops Fernandez, at Lotlot de Leon na sila. Nagkukuwentuhan about boys. Apparently, Maricel and Pops are dating the same guy. A guy named Chito. Pero may-I-refuse si Pops. But aside from Chito, ang spluk ni Lotlot, Maricel is dating the whole campus! Malandi nga kasi, di ba? Umpisa pa lang, established na ‘yan. Malandi siya.
Nag-ring uli ang phone. Sinagot uli ni Gloria. Again, walang VO sa kabilang linya so si Gloria ang magsasabi.
“HA? ANG ANAK KO BUNTIS?”
Shooketh si Gloria. Tapos may pa-secret kasi di natin alam kung sino sa anak niya ang buntis: si Maricel ba na sawsawan ng bayan o si Pops na nakikisawsaw sa ate niya o si Lotlot na virgin-virginan ang peg.
Next scene may nanganganak. Binti lang makikita natin. Talagang pinakatatagong sikreto ito. Sino ba ang nanganak? Bakit kumadrona lang ang nagpaanak sa isang pipitsuging bahay samantalang ang yaman-yaman nila? Then Gloria gives the child to someone.
“Wala sanang makakaalam nito,” sabi niya.
So alam mo na! Pinaampon niya ang sanggol. But still, di natin alam kung sinetch ba ang nanganak. Abangan!
3 years have passed, and Maricel has come back from the US. Di siya sinundo ni madir kaya nagtatampo siya. Apparently, she went to the States para itago ang kanyang lihim: ang kanyang panganganak! So siya na ba ang kanina lang ay nanganak? ‘Wag tayong pasisiguro! Magaling manlinlang ang pelikulang ito. Charot! Charot lang sa magaling! Charot!
Sa welcome party ni Maricel, dumating si Miguel Rodriquez. Siya si Chito. Ang ex niya. At ni Pops. Sumulpot din si Lani Mercado, ang selosang asawa ni Miguel. Kung ano-ano ang sinabi niya kay Maricel. Malandi ka. Makati. May AIDS. Ganyan. Pero kebs si Maricel. Lagi siyang may resbak. Asawa mo, mandarambong! Charot lang! Di ‘yon ang sinabi niya. Anyway, hinatak na ni Miguel pauwi si Lani para di na magkalat pa.
Nasa party din si Monching. Jowa ni Lotlot. Shufatid ni Miguel. Saka si Eric Quizon na mysterious ang dating. Masama ang tingin kay Pops. Parang rereypin.
Star studded ang party! Bongga! Pati nga boses ni Marya, star studded din. Kasi papalit-palit from her own voice to Ruby Rodriquez’s voice! In between sentences! Taray, di ba! Parang may sanib! Walang sinabi si Reagan ng The Exorcist!
Marya sneaked her way into the house after the party pero inabangan ni Gloria ang pag-uwi niya. Nagalit si madir s’ympre. Alam niyang naglandi na naman ang anak niya. Pati si Pops, sinigaw-sigawan siya.
“Kung kani-kanino ka pumapatol! Puro kahihiyan ang dala mo sa pamilyang ito!” sey ni Pops!
“Mabuti na ‘yon! Di tulad ng iba, tagong-tago ang pagkalandi,” resbak ni Marya. Was she referring to Pops? Jusme! Lahi pala sila ng malalandi, eh!
“Pinaparinggan mo ba ko, ate? Mabuti na ‘tong patago kasi ‘yon ang gusto ni mommy, patago!” Ayon, umamin naman pala. Nasa lahi nga talaga. “Di tulad mong bulgar!”
Pero di naman talaga tago ang kalandian ni Pops. Kasi usap-usapan sa bayan at kalat na kalat ang kanyang pagiging disgrasyada. At pinag-iingat si Eric ng kanyang tito sa pagkaka-link sa kanya para di masira ang kanilang pangalan.
“Ikaw ang susunod na magiging punong-bayan! You will accept it whether you like it or not,” sabi kay Eric then may eerie music na kala mo, sumpa ng pagiging aswang ang pinapasa sa kanya.
Sabagay sa pagiging mayor nagsisimula ang pagkaaswang. Then magiging senador. Minsan nga, Presidente kaagad, eh. Katakot nga talaga! Charot!
Wait, are you still with me? Nasa page 4 na ko at wala pa sa kalahati ang kuwento. Kaloka! Ganito ito ka-epic!
Nakatanggap ng telegrama si Marya mula sa US. Yes, telegrama. May telepono naman pero preferred mode of communication nila ang telegram.
Ayon sa telegram, nanghihingi ng pera si Mang Badong. This Mang Badong ang pinag-iwanan ni Marya ng kanyang anak at nanghihingi ng sustento.
“Baka scammer ‘yan,” babala ni Lotlot. ‘Yan kaagad ang naisip niya. Di nila inalala ang kalagayan ng pamangkin muna. Actually, di niya kailanman natanong ang lagay ng pamangkin. Basta chika siya nang chika about sa scam.
Sabagay may point naman. Daming scammer talaga ngayon. Uutang nang uutang kuno para sa bakuna pero sasabihing walang bakuna at wala nang perang pambili ng bakuna! Tangina scammer, di ba! Charot! 1989 ito. Hindi pa Presidente si bakuna scammer!
“Mabait ‘to. Parang anak na nga turing niya sa akin,” paniniguro ni Marya.
“Naku, ate! Maraming ganyan. Kunwari mabait pero kung ano-ano kinukurakot!”
See! Sa kurakot din ang bagsak natin talaga! Si Lotlot nagsabi niyan, di ako! Ang sabi pupugsain lahat ng kurakot pero after 4 years, lalo dumami ang kurakot sa bansa! Lotlot for President!!!
Iniba ni Marya ang usapan. She asked kung talaga bang sure si Lotlot kay Monching as jowa. Ayaw niya kasing matulad sa kanilang dalawa ni Pops. Yes daw, sagot ni Lotlot.
To make sure of Monching’s intention, inaya ni Marya ito sa date. Nang malaman ni Lotlot, nagalit siya.
“Landi-landi mo talaga! Pati ba naman si Monching! Sa dami-dami ng tite diyan, pati kay Monching, gusto mo?!”
“Gaga! Winnur ka nga! Dahil ang laki ng tite ni Monching!”
Charoooot! Erase erase erase! Ito talaga ang sagot ni Marya.
“Gaga! Winnur ka nga! Kasi di niya ko pinatulan. Mahal ka talaga siya.”
Maalagang kapatid si Marya, ano? Handang ibuwis ang keps para sa kapatid. Bravo!!!
(Note: Hindi actual conversation ang nasa taas. Sounds like it lang. Hahaha!)
Sa resto, may nakipagkita sa magkakapatid.
“Isosoli ko na sa inyo ang ampon ng kapatid ko kasi di ko siya masasama abroad,” sey nito.
Shooketh ang magkakapatid.
“Paano mo naman nasabi na isa sa amin ang ina ng bata?” tanong ni Pops.
“Nakakasiguro ako kasi kinuwento ng ate ko bago siya namatay. Di ko sure kung sino sa inyo pero isa sa n’yo for sure.”
Jusme! Ayan na! Unti-unti nang nabubunyag ang lihim ng babaeng nanganak kanina. Could it be Marya? So dalawa na ang anak niya bukod pa sa nasa US na inaalagaan ni Mang Badong? Or is it the same child? Could it be Pops na patagong naglalandi kasi ‘yon ang advise ng nanay nila? Or could it be Lotlot na ayaw i-share ang etits ni Monching sa ate niya?
Tangina ng mga ‘to! Walang lukso ng dugo sa katawan! May nanganganak bang hindi alam na nanganak siya? Ano ‘to, siyam na buwan na tulog?! Coma pregnancy? Sa sobrang pagtatago, pati sa mismong nanay, tinago ang sariling pagbubuntis?
Napakaraming tanong na naghihintay ng kasagutan.
Um-arrive na ang bagets. Si Judy Ann Santos. Duda pa rin si Pops sa pagkatao. In the words of Lotlot, baka scammer ang nagdala.
But Gloria steps in.
“Isa sa inyo ang ina ng bata.”
Then zoom in ang camera sa magkakapatid! Isang matinding rebelasyon ng mangyayari. Isa-isang tiningnan ang mga anak na kala mo eh prize ang ibibigay. Parang sa Mamma Mia nang sasabihin na ni Meryl Streep kung sino ang tatay ni Amanda Seyfried.
Balik kay Gloria ang camera. Abang-abang ang magkakapatid sa sagot. Na parang inosente at di pinagbuntis ang bata.
“Ikaw, Pops, ang ina ni Juday.”
“Hindeeeeeee!!!” sigaw ni Pops! “Manloloko ka! Kung nagawa mo siyang ipamigay noon, bakit di mo gawin uli ngayon? Matagal ko nang tinanggap na patay na sya gaya ng sabi mo.”
Kaloka si Pops! Di ba siya masaya na di pala patay ang anak niya? Pero ang worry niya talaga ay ‘yong di siya magiging mabuting ina kay Juday. Kung sarili niya ngang nanay nagawang ipaampon ang sariling apo, di ba? So gan’yang role model ang meron siya.
Minsan, pumasok si Juday sa room ni Pops. May dalang merienda. Nagpapatulong gumawa ng assignment kay Pops. Pero tinanggihan siya. Laging niyang sinisigaw ang sinasabi niya kay Juday na kala mo bingi ang bagets pero kalmado lang si bagets. Parang tumira ng Valium.
“Mommy, sino ang tatay ko?”
“WALA KANG PAKE!”
“Hindi mo ba ko mahal?”
Ay, ba’t may gano’ng tanong???
“ANO NAMAN ANG KONEKSYON NO’N SA TATAY MO?”
See? At least pareho kami ng iniisip ni Pops.
“Kasi kung mahal mo ko, sasabihin mo kung sino ang tatay ko para malaman niyang anak niya ako. Para kung di mo ko mahal, siya na lang magmamahal sa akin.”
Ay, nako! Nalito ako sa logic mo, bata ka!
“HJGJGSAHAL HAJSDHDIDIK KALASKSLDO!!!”
Basta, nagsisigaw lang si Pops at pinapaalis si Juday sa kwarto. Pero ang bagets, jusq! Ang bata, usually magkukumahog na ‘yang aalis ng kwarto kapag nasigawan na pero etong si Juday, chill-chill lang. May ilang segundo pang nag-emote saka umalis ng kwarto.
Nakipagkita si Eric kay Pops. Mag-ex pala sila. Tinanong niya si Pops kung anak ba niya si Juday o anak ni Miguel. Kasi apparently, pinagsabay silang dalawa ni Pops. Jusq! Haliparot! Pero kebs daw. Tatanggapin pa rin niya si Juday dahil gano’n niya kamahal si Pops.
Enter frame Eddie Garcia aka Mang Badong.
Shooketh si Marya!
Si Eddie ang may hawak ng sikreto ni Marya. Siya ang nag-aalaga ng anak niya sa Amerika. Blinakmail niya si Marya into giving him 100k para di ilabas ang sikreto. Pero he also asked for sex na tinanggihan ni Marya.
“Nag-withdraw ka raw ng 100 thousand pesos?” sugod ni Gloria sa magkakapatid. “Ginamit mo ba sa lalake???”
“’Wag n’yo nang tanungin blah blah blah,” sagot ni Marya. Tapos linyahang mahahaba. Sumbatan here, sumbatan there. “Sila lang naman ang magaling para sa inyo, eh. Ayaw n’yo ba sa ‘kin dahil sa pangwawalanghiya ng tatay ko sa inyo?”
Ay, another mystery revealed! Winalangya ng tatay niya si Gloria kaya galet siya kay Marya!
“Dalawa lang ang dahilan kaya ako bumalik dito: pera at pag-ibig” say ni Marya sa mga shufatid. “Pag na-getlak ko na, babu na ko uli sa inyo. Isasama ko si Miguel.”
“Shungaer ka ba? Paano si Lani?” ask ni Lotlot.
“Pinakasalan lang niya si Lani kasi iniwan ko siya.”
“Napakawalangya mo,” sey ni Pops.
“Mas may wawalangya pa ba sa ginagawa mo sa anak mo?” sumbat ni Marya. S’ympre natameme si Pops.
“Ba’t mo aagawain si Miguel kay Lani? Maghanap ka na lang ng ibang lalake,” suggestion ni Lotlot.
“Gusto ko lang lumigaya.”
“I hate you, ate!”
“Ako rin,” sey ni Pops.
Then walkout ang dalawang magkapatid.
Dahil bumabalik-balik si Eddie para mangikil, sinagad na ni Marya ang pagkawalangya niya. Blinakmail niya si Eric to the tune of 500k para hindi ibulgar na anak niya si Juday. Para di siya matalo sa pagka-meyor. Pero di umepek ang powers niya kay Eric. Sinupalpal siya.
So… everybody hates Marya! Especially Lani! Paano kasi, iiwan siya ni Miguel for her.
Sey ni Marya, “Jowa ko naman talaga siya dati. Inakit mo lang nang umalis ako kaya naging sa ‘yo. Now that I’m back…”
Di matanggap ni Lani so kinill niya ang sarili! In front of Miguel! Slow motion pa ang pag-akyat ni Miguel para habulin si Lani. Gagu ba siya? Di niya talaga mahahabol ‘yon kung umi-slomo pa sya. Nagbaril sa sentido, eh.
Sa sementeryo, sey ni Marya kay Miguel, “Lalo na tayong di magkakasama niyan kasi alam mong ikaw ang pumatay sa kanya.” Ay, blamer si ateng! As if faultless siya. As if ang linis niya. Eh siya nga ang naging puno’t dulo ng lahat. Napakalande sa kase! Simula pa lang, ‘yan na ang sinasabe ni Gloria sa kanya. So hindi ba tayo maniniwala???
Sa kabilang banda, the phone rings. Si Pops ang nakasagot. Again, walang boses sa kabilang linya. Uulitin niya lang ang sasabihin kuno ng kausap.
“HA? NASAGASAAN SI JUDAY? NASA HOSPITAL SI JUDAY???”
That’s how we know na di hoax ang pag-ring ng phone.
Sa hospital, inayawan si Pops ni Juday. Mas gusto niyang nanay si Lotlot. Hurt siya. Nagkwento siya kay Eric. Then Eric told her na alam niyang walang nangyari sa kanila ni Miguel so junakis niya si Juday. Nagyakapan sila then back to the hospital, nakipagbati si Juday, pinakilala ni Pops si Eric, then happy ever after na ang pamilya! Tapos ang kwento nila! Chapter closed.
The phone rings. Ay, may phone-in question!
“HA? TAPOS NA ANG KUWENTO???”
Gaga, hindi pa. Meron pa kase. Wala pa tayo sa exciting part.
Meanwhile, gigil ni Marya si Gloria. Tuloy pa rin kasing nagnanakaw ng pera sa kumpanya.
“Bakit mo ba ginagawa sa ‘kin ‘to? Ano bang problema mo? Sa mga lalaki mo ba ginagastos,” ask ni Gloria.
“Mana lang ako sa kalandian n’yo, Ma!” tanging sagot ni Marya.
Charot lang! Marami pa siyang sinabi. Eh knowing her, super sisi na naman siya sa nanay niya. Na kesyo di niya siya mahal. Na kesyo mas minahal siya ng amain niya. Etc etc etc. Pero kung sinasabi niya lang kung saan niya ginagamit ang pera eh de di na siya napapaos na kailangan pang si Ruby ang mag-dub sa kanya. Charot lang uli!
Pag-uwi ni Marya. May sulat. Galeng Tate. From a friend. May VO. Pag sulat, may VO. Pag sa phone, wala!
Sey ng letter, “Shutay na ang junakis mo. Kapabayaan ni Mang Badong.”
Summary lang ‘yan. Ayoko nang buuin ang sinabi ni friend kasi walangya siyang friend. Sinulat pa para sabihing patay na ang anak ng kaibigan??? Hindi man lang tinawag agad sa telepono? O kaya telegrama! So inabot pa ng 1-2 weeks bago nakarating ang sulat dito! Antanga mo, teh! Buti di kita friend, leche ka.
Turning point five. Nandito na sa tayo sa exciting part. Pero jusq! Kung di naman kayo na-excite sa mga pinagsasabe ko kanina pa, eh baket pa naten ginagawa ito??? Baket pa kayo umabot dito???
So, may-I-confront si Marya kay Eddie.
“Niloko mo! Pinatay mo ang anak ko!”
“Ngayong alam mo na, ang kailangan ko sa ‘yo ngayon ay ang iyong pagkababae,” sabi ni Eddie.
Muntik nang gahasain ni Eddie si Marya pero dahil may dalang pulis si Marya, di natuloy ang balak ni Eddie. Pero nakatakas siya.
Eddie then went to Marya’s house.
Shooketh si Eddie nang makita si Gloria. Shooketh din si Gloria nang ma-sight si Eddie. May mga 30 seconds din silang nagtinginan. Charot lang! Mga 20 lang. Charot uli!
“Anong ginagawa mo rito, Bandong!” sigaw ni Gloria. “Di ba usapan natin ay di na tayo magkikita matapos nang kahayupang ginawa mo sa ‘kin?”
“Ang hinahanap ko ay si Elsa Lopez!” sey ni Eddie.
“SI ELSA LOPEZ AY ANAK MO!”
Shooketh nang malala si Eddie. Tulaley siya. Di malaman ang gagawin. Di niya alam kung ano ang uunahing i-process—ang inpormasyong anak niya si Marya na sinubukan lang naman niyang gahasahin kanina lang na pinaalagaan ang anak sa kanya na apo pala niya na pinatay niya o ang pulis na nakaabang sa kanya sa labas. Grabe! You wouldn’t want to be in his shoes! So tragic his life is.
Hinostage niya si Gloria para makatakas but Marya shot him at the back! Dead on arrival!
And after all that happened, ang sey ni Gloria sa kanya:
“Ang pinatay mo ang iyong ama.”
Jusq, teh. Do you really have to say that? Di ka ba niligtas ni Marya? Sasaktan at sasaktan mo pa rin ba siya???
Shooketh nang malala rin si Marya. Tulaley siya. Di malaman ang gagawin. Di niya alam kung ano ang uunahing i-process—ang inpormasyong tatay niya ni Eddie na sinubukan lang naman siyang gahasahin kanina lang na pumatay sa anak niya na apo pala niya talaga o ang nanay niyang wala sa timing kung mang-ispluk ng bali-balita. Grabe! You wouldn’t want to be in her high-heeled shoes! So traumatic her life is.
Enter theme song “Kung Maibabalik Ko Lang” ni Regine Velasquez na wala namang kinalaman sa kabuuan ng kwento ng pelikula.
In the end, nag-decide na lang na bumalik ng Amerika si Marya. Pero alam mong di talaga siya mahal ng pamilya. Hanggang veranda lang siya hinatid. Kailangan pa niyang tumingin sa taas para magbabay. Hindi na nga siya sinundo sa airport nang dumating siya, di pa rin siya ihahatid.
Look lang sila sa kanya downstairs as if saying, “Good riddance.”
Hay grabe! I can’t imagine the trauma she’s in. No wonder nagawa niyang saksakin nang paulit-ulit ang best friend niyang si Zsa Zsa dahil kinantot ang asawa niyang si Gabby. Minsan! Ay, wait! Sorry, ibang movie pala ‘yon.
Sana hindi kayo na-trauma sa haba ng post na ‘to. Ikaw ba na-shooketh sa kaganapan ng pelikula? Send your reply via snail mail at this address... Charot!
Kung Maibabalik Ko Lang is available on Regal Films' YouTube Channel
No comments:
Post a Comment