Sunday, June 23, 2024

Stupid Cupid (Maryo J. Delos Reyes, 1988): Love Can Walk Through Mountains

STUPID CUPID
(Regal Films, 1988) 
Chapter I: Forever, My Love 
Screenplay: Armando Lao 
Director: Maryo J. delos Reyes 
Starring: Snooky Serna, Richard Gomez, Nadia Montenegro, Rosemarie Gil, Alicia Alonzo

Richard Gomez: "Mariella, mahal kita! Sabihin mo lang, handa akong umurong sa kasal!"

Stupid Cupid was one of the many Regal movies na omnibus including the Shake, Rall & Roll franchise (the last of which was released in 2023). Marami silang omnibus of different genres na minsan legit--meaning, produced talaga para makabuo ng omnibus; at minsan non-legit--meaning, pinagtagpi-tagping unfinished movies para makabuo ng isang pelikula tulad ng Ligaw-Ligawan, Kasal-Kasalan, Bahay-Bahayan (1993) and other drama trilogies. 

Photo Courtesy: The Movie Database

Pagdating sa omnibus romance genre, patok sa takilya ang Stupid Cupid at ang Mga Kuwento ni Lola Basyang (1985). Star-studded palagi ang cast na pinangunguhan ni Snooky Serna, Maricel Soriano, at Nora Aunor kasama ang mga sikat na teen love teams ng generation na 'yon.  

Another one was released in 1989 called "Mga Kuwento ng Pag-ibig" released during Valentine’s na pantapat sa pelikula ni Sharon Cuneta who, during her heydays, would have films released on the week of Valentine’s Day. Patok ang mga pelikulang romansa sa panahon na ‘yon and more often than that, patok din sa takilya ang mga pelikulang palabas sa linggong iyon. Laging may nakalaang budget ang magsing-irog para i-celebrate ang okasyon at isa roon ang panonood ng sine.

(Nang humina ang benta ng pelikulang Pinoy, producers can’t afford to have two Pinoy films competing at the box office. Kaya unahan sa pagkuha ng Valentine slot. The last time two films tried to compete for the Valentine week was Dreamboy [Star Cinema] and Let the Love Begin [GMA Films] in 2005. The latter starred Angel Locsin and Richard Gutierrez who has proven their box-office draw while doing successful television shows.) 

Sharon had Tatlong Mukha ng Pag-ibig in 1989 which also consists of 3 stories in one film. Kaya naman omnibus din ang pinangtapat ni Mother Lily na pinagbibidahan nina Snooky, Maricel, at Lotlot de Leon. If Sharon’s film were directed by 3 top directors namely Leroy Salvador, Lino Brocka, and Emmanuel Borlaza, Mga Kuwento ng Pag-ibig was directed by Junn P. Cabreira, Luciano B. Carlos, and Artemio Marquez. Unfortunately, di kinaya ng Kuwento ang lakas ng Tatlong Mukha... sa box-office. After a string of mild hits in 1988, Sharon was back at the top of the box office.

Stupid Cupid, on the other hand, only had one director: Maryo J. delos Reyes. Iba-iba ang genre ng pelikula: romance - "Forever, My Love"; horror - "Horror Honeymoon"; musical - "Hahabul-habul".

Among the three, ang pagtutuunan ko ng pansin ay ang first episode nina Snooky at Goma. 

Photo Courtesy: Ebay.ph

I was a Snooky-Richard fan before Dawn-Richard’s. (Before them, Snooky-Albert muna.) Gustong-gusto ko ang Blusang Itim (1986) na super hit nilang pelikula. Pero konti lang ang pinagsamahan nilang dalawa katulad ng kanilang short-lived romance. Ayon mismo sa kuwento ni Goma, he put an end to the love team. 

Photo Courtesy: Jag's Pinoy Movie Zone

Snooky was tagged as “pagong” before. Lagi kasing late dumating at mabagal kumilos. Nade-delay ang shooting dahil sa kanya at pinaghihintay ang cast at crew. 

Dito sa Stupid Cupid, Richard threatened Snooky that it will be their last film if she won’t change her ways. She didn’t. So he never team up with her again. (Source: "Inside the Cinema with Boy Abunda," Cinema One.) 

Nagkasama sila sa Bente in 2009 pero hindi na love team. 

(Ayon naman sa kuwento ni Snooky later on, aminado siyang mabagal siyang kumilos noon at nale-late palagi, but not because tinatamad siya o mabagal by nature. She was having bouts of obsessive-compulsive behavior every time she works. She wanted everything to go well that she tends to overthink and overreact na nakaka-delay ng kanyang kilos. Ang tagal niya sa dressing room kasi gusto niyang maging perfect ang itsura niya. Then she would sometimes ask for several retakes kasi feeling niya, hindi OK ang acting niya. Thus, sa mga pelikula niya noong ‘80s, may gigil-overacting factor. Hindi natural. Part ng dysphoria na nararanasan niya for being told to look and act “perfect” on screen all the time. 

Nagpa-therapy siya after ng separation niya kay Richard Cepeda. Saka niya lang naindtindihan ang kanyang mga pinagdaanan. 

In 2009's Sagrada Familia ni Joel Lamangan, may certain calmness na sa kanya kaya mahusay ang performance niya. Relaxed na ang acting nya.

Screencap: Age Doesn't Matter (1980) with Maricel Soriano (left), Dina Bonnevie (center), and Snooky Serna (right)

It is also best to take note that Snooky is one of those actors na nag-i-interact on screen sa mga kasama niya. Nakikinig sa usapan o dialogues at nagre-react. Hindi tulad ng iba na tipong parang naghihintay palagi ng turn nila para magsalita. It was very noticeable sa conversation scenes niya with Maricel and Dina Bonnevie sa Age Doesn't Matter in 1980.)

Stupid Cupid starts with “Forever, My Love” nina Cookie at Goma. Kaya stupid cupid kasi may mga cupids na pinapana ang mga bida para magkainlaban na ginawa nila sa dalawa nang minsang magkatagpo sila sa gubat.

You see, wala naman talagang gusto sa isa’t isa sina Snooky at Richard. In fact, ikakasal na si Richard kay Nadia Montenegro pero itong pakialamerong mga kupido, pinana sila at ginulo ang kani-kanilang mga buhay!

So ayon na nga, komplikado ang love story nila dahil nga ikakasal na si Goma. Bukod pa roon, mortal na magkaaway ang pamilya nila so no-no talaga! Pero makulit ang pag-ibig at masigasig ang magsing-irog kaya gumagawa sila ng paraan upang magkita at maglambutsingan sa may bundok na malapit sa talon. If love can move mountains, their love story has proven that love can walk through mountains! Ayaw n’yong maniwala? Ikukuwento ko sa n’yo.

Screencap: Rosemarie Gil

Eto na nga, nalaman ng kani-kanilang nanay ang affair nila kaya super tutol ang dalawa sa kanilang pag-iibigan. Why? They, too, had history! Gagi, di sila naging magjowa but rather they had a man in common: ang tatay ni Cookie na tinakasan ang kasal sa nanay ni Goma na si Rosemarie Gil upang sumama sa nanay niya na si Alicia Alonzo! And no, hindi naman magkapatid sina Snooky at Goma kaya may pagtutol na nangyayari though that will be a good twist if ever (if not surprising because it has been done multiple times—hello, Magnolia dela Cruz!) Bwisit na bwisit lang talaga si Rosemarie kay Alicia dahil anak siya ng katulong nila na lumaki sa hacienda nila at tinuring niyang kapatid. Then aagawan siya ng jowa! The nerd!!!

Screencap: Alicia Alonzo

Sino ba naman ang hindi magagalit, di ba? Tapos itong si Alicia, imbes na maging apologetic, nagmamalaki at nagyayabang pa! Mas naging mayaman pa sila kina Rosemarie dahil pati ang bundok at talon ay naging pagmamay-ari nya! Yes, that bundok and talon kung sa’n nagtatagpo ang kanilang mga anak. Tangna, di ba! Ang yabang ng bruha! Sarap magpatayo ng mala-San Juanico Bridge at ihulog siya from there! Bitch!

Nagharap na nga ang dalawa. Kesyo di raw nila papayagang ipagpatuloy ng mga anak ang kanilang relasyon. At mas lalong di sila papayag na maging magbalae sila. Nunca! 

Tuloy ang kasal ni Goma kay Nadia. Hindi siya sisira sa kasunduan. He’s not that kind of man. May word of honor siya. (But just because di pumayag si Snooky na iwan niya si Nadia. S'ympre, forbidden lovers nga ang peg nila. Para tuloy ang drama sa buhay.)

Snooky, on their other hand, accepted their fate. She will never be with the man she loves. Martyr sa pag-ibig ang peg niya at masakripisyo. Para the more na masakit, the better ang pagtitiis!


Nagpunta sa talon si Snooky. Tiningnan ang pagbagsak ng tubig mula sa itaas kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha! Pakshet! Ang cinematic, di ba? Tapos pwede mo pang ipagyabang, we own this fucking waterfall so pwede akong magdrama here anytime I want! Then bumagsak sya sa paanan ng talon at patuloy na umiyak. Suddenly, there was a man na tumatawag sa kanya!

“Snooky! Snooky!”

(No, her name was not Snooky in the movie. Just to be clear.)
 
She looks up and saw the messenger.

“Pinabibigay po ni Señora ang imbitasyon sa kasal ni Señorito.” Then the messenger took out another mail in his bag. “At ito naman po, pinabibigay ni Señorito.”

Unfuckingbelievable! You know why? Wait till you hear what the messenger has to say.

“Sige po, mauuna na ko. Magde-deliver pa po ako ng mga invitation.” Then the messenger slowly goes down the waterfall.

Can you imagine how dedicated that messenger is played by Balut?! Pinuntahan pa si Snooky sa bundok at talon para mag-deliver! Hindi na lang niya iniwan sa bahay ni Snooky tutal doon naman siya galing kaya nalaman niyang nasa talon si girl. Eh ang taas kaya ng talon! Tangina lang! Pero jusme! Bukas na ang kasal pero ngayon lang siya nagde-deliver! Sabagay, baka naantala kasi kung saan-saan nga naman siya nagde-deliver. Baka ‘yong iba eh nakatira sa bulkan. Inakyat pa niya! Understandable. Kung magre-retire na si Santa Claus, pwedeng siya ang pumalit. Di baaaaa???


Binasa ni Snooky ang sulat. Walang voice-over so we won’t know kung ano ang nakasulat. Then umulan! Unti-unting nawala ang letra sa papel kasabay ng pagbuhos ng ulan. At ng mga luha ni Snooky! Kasabay din ng pagbagsak ng tubig sa talon! Nagluluksa ang buong paligid sa kanyang dinaranas na pighati.

Then I wonder, tangna ‘yong messenger! Mababasa! Umulan kaagad, eh. Nakababa na kaya siya ng talon? May payong ba s’ya? Paano na ang mga imbitasyon. Baka ipapatay siya ni Rosemarie Gil pag di niya natapos ang kanyang trabaho. Jusme! Rosemarie Gil ‘yon! Ang original witch na gumanap sa Snow White! (Look at that nose!)


(Pero buhay pa naman si Balut. Aaten pa siya ng kasal ni Goma at Nadia.

Ayan siya. Katabi pa ni Goma. Sa harap. Since nasa harap siya, importanteng bisita siya kung gano'n? O bisita nga ba? Baka naman siya ang tatay ni Goma! Charot!!!)

S’ympre naulanan, nagkasakit si Snooky! Tinurukan siya ng dextrose sa bahay. Parang mamamatay levels na kasi. Pero di siya patitinag. Hindi siya matahimik. She went down the bed and crawled her way to the dresser kahit pa hinang-hina na siya. She opened one of the drawers and took out the letters given to him by the love of her life. Ngayon ang kasal ni Goma at tanging mga sulat na lang na ‘yon ang kanyang magiging karamay.

Meanwhile, sa simbahan, naghihintay si Goma at ang buong entourage sa kasal. But Nadia didn’t show up. She backed out of the wedding through a letter.


Sakay kaagad si Goma sa kabayo papunta sa bahay ni Snooky. S'ympre may-I-ride sa kabayo. Mayayaman sila, eh. But she is not there! Oh my! Where could she be! 

“Nasaan ang anak ko,” tanong ni Alicia. “May sakit siya!”

Alam n’yo ba kung saan nagpunta si Snooky?

Sa mga nakahula, yes, sa bundok at talon na pagmamay-ari ng pamilya niya! I don’t know how she did it but she made it there para doon ipagluksa ang kanyang pag-ibig. Kung pagbaba nga lang ng kama, she had to crawl pa and she can't barely stand so imagine kung paano siya nakapunta sa bundok at talon! Before that, may mataas na hagdanan din sa bahay nila! Probably naging Madonna, Ang Babaeng Ahas (another Snooky movie) na siya at gumapang. But can snakes move that fast?!!

Screencap: Madonna Ang Babaeng Ahas (1991)

Tangina anyway, that’s not the point! That’s how great their love is! It can walk through mountains and waterfalls! And crawl staircases!!!

Inakyat ni Goma ang talon at niyakap ang hinang-hinang si Snooky.

“Nandito na ko, mahal ko, nandito na ko,” sabi niya habang mangiyak-ngiyak. Kasi mukhang matsutsugi na si Snooky, eh.

Tanda n’yo ba ang eksena niya with dying Dawn Zulueta sa Hihintayin Kita sa Langit, gano’n ang eksena. He did it first with Snooky!



“Paano ang kasal mo?” tanong nang nag-aalalang si Snooky.

“Umurong sa kasal si Nadia.”

Then walang kaabog-abog, lumakas si Snooky! As in nagbago ang timpla ng kanyang mukha at gumaan ang pakiramdan! Nawala perhaps ang pagod sa paggapang papuntang talon. Ganyan ang nagagawa ng pag-ibig! 


They kissed and got married in the waterfall.


Makes sense. Ang magpakasal sa waterfall, I mean. ‘Yong kung paano narating ni Snooky ang talon, I don’t know the answer to that.

My guess is... love! Love is the answer!!! Walang hindi masasagot ang pag-ibig!


List of Snooky-Richard movies as loveteam:

Stupid Cupid (1988)
Paano Kung Wala Ka Na (1987)
Forward March (1987)
Nasaan Ka Nang Kailangan Kita (1986)
Blusang Itim (1986)
Paalam... Bukas ang Kasal Ko (1986)


See the original LPHP post here: Stupid Cupid

No comments: