Saturday, June 04, 2005
Babae Sa Breakwater (2004)
Isa yata ang pelikulang ito sa nakaranas ng "one-day showing" sa Pilipinas. Ipinalabas ito ng hindi man lang namamalayan ng sambayanang Pilipino. Ganun pa man, nakatanggap ito ng kabi-kabilang papuri sa mga krikito mula rito maging sa ibang bansa. Natalo pa nga nito sa "Best Picture" ng Gawad Urian ang pinakapaboritong pelikula noong 2004, ang "Magnifico"! Mananatiling isa sa mga paborito ko ang pelikulang "Magnifico" kaya isipin n'yo na lang ang tuwa ko nung makita kong mayroon ng kopya ang pelikulang tumalo sa aking paborito.
NGUNIT, isang malaking disappointment para sa akin ang "Babae Sa Breakwater". Hindi ko alam kung nasa akin ba ang mali at hindi ko nakuha ang gustong paratingin ng pelikula o sadyang nabulagan lamang ang mga manunuri sa kadilimang ipinapakita ng pelikula. Para sa kin, ang pelikulang ito ay:
1. Pretensyoso. Gusto niyang palabasin na isa siyang "art film" gayong maikukumpara lamang siya sa isang dokumentaryong hindi maayos ang pagkakasulat at kasuklam-suklam ang pagkakadirehe. Itinuring ko siyang dokumentaryo dahil pinapakita niya ang "below poor" na aspeto ng lipunan gayong wala naman masyadong ikunukuwento tungkol sa kanilang buhay. At kung anuman ang kaniyang ipinakita, nagawa na rin iyon ng mga dokumentaryo sa telebisyon tulad ng I-Witness at sa isang epektibong paraan pa!
2. Eksploytasyon. Nakakaawa ang mga "artista" na gumawa sa pelikulang ito. Isipin n'yong palanguyin ba naman nang makailang ulit sa babayin ng Manila gayong alam naman (siguro) ng direktor kung gaano ito karumi at kung anu-ano ang sakit ang pwede nilang makuha rito. Dahil nga baguhan ang mga artistang ginamit, masasabi bang sulit ang binayad sa kanila kung sakaling magkasakit nga sila dahil dito? At ang pagpapakita ng suso ng matandang artista na kilala bilang "Yaya" sa isang "Shake, Rattle, & Roll" na pelikula kung saan si Kris Aquino ang bida o ang matandang bersyon ni Alma Moreno sa "Aswang" ay lubhang kahabag-habag! (Pasensya na at hindi ko alam ang kaniyang pangalan.) Hindi naman kailangan pang gawin 'yun para lang ipakita ang kahirapan sa Pilipinas. Ang pagpayag niya sa eksenang iyon ang makapagpapatunay na sadyang kakapit sa patalim ang taong hirap na hirap sa buhay. Na kahit ang natitirang dangal ay pwedeng isawalang bahala sa konting halaga. Bakit naman pinayagan pa ng direktor na mangyari iyon?
Kung akting naman ang pag-uusapan, hindi ko rin mawari kung paanong nanalo si Katherine Luna bilang pinakamagaling na aktres sa ilang kumpetisyon gayong wala naman siyang ipinakitang galing! Siya man ang nasa titulo ng pelikula ngunit hindi sa kanya nakatuon ang istorya kundi sa magkapatid na napadpad sa Breakwater. Siya ay malinaw na nagamit din upang ibenta ang pelikula lalo pa sa mga paghuhubad niyang ginawa na hindi rin naman kawalan kung sakaling hindi iniligay sa pelikula.
Sa istorya, nakapahina ng mga karakterisasyon! May mga pangyayari sa pelikula na wala naman saysay o katuturan sa kabuuan ng pelikula. Napakaraming karakter na hindi naman talaga kailangan o kaya'y hindi nabigyan ng sapat na lalim. Maliban sa kahirapan, wala ng iba bang bagay ang nagbubuklod sa kanila sa mga pangunahing tauhan. Dahil doon, naging "detach" ang mga manonood sa kwento ng kanilang buhay.
Ang direksyon ay lalong hindi kapuri-puri! Tama ba namang maglagay ng "bloopers" at "behind the scenes" sa credits ng pelikula gayong drama ito?!
Labels:
Movies,
Pinoy Cinema
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
sa opinyon ko, marahil ay pagpapakita lamang ito ng ilan sa mga mapapait na pangyayaring nagaganap sa mga kalunus-lunos na lugar sa Pilipinas. Maraming mga eksena ang sadyang sumisimbolo sa maka-humanistang layunin ng direktor ng pelikula. Totoo na maaaring magkasakit ang mga nagsiganap sa pelikula pero kung walang gagawa sino? May mga eksenang di-kapanipaniwala tulad ng pagkatapos gahasain si Katherine Luna na nakasuot pa rin ng panloob pero sa kabuuan ang pelikulang ito ay karapat-dapat pa ring parangalan. Naging tampok na pelikula ito sa Cannes at malugod na tinanggap ng mga manunuri sa nasabing patimpalak.
i personally like the film the first time i saw it, long before it was invited to France for Cannes Film Festival, too bad, only few people have tried to watched the movie where it had a first day, last day affair, Mario O' Hara has been very consistent with his direction of movies,(try to watch his films, and see the similarities), his style is dominantly acceptable and pretty much effective. "realism on denial" is how i call it, for me, the film works. i see filipino viewers poor on accepting new spread of cinematic indulgence, maybe was a result of us, spoon-feeding rotten idealism of tondo based emotions, slapsticks toilet humor. the film speaks of truth hiding from reality. at the end of this movie, i saw myself drifting apart on the breakwaters of manila.
Post a Comment