Monday, October 19, 2015

Random Notes 1: The Convergence of Stars in #AlDub Phenomenon

Tatlong uri ng bituin sa AlDub phenomenon:

1. Old school: Ang mga katulad nina Wally Bayola, Jose Manalo, Paolo Ballesteros ay nagmula sa pagiging bit players. Ngayon ay umaani na sila ng tagumpay sa kanilang pagsisikap at paghihirap. Si Wally bilang Lola Nidora ang mostly nagdadala ng palabas noon. Nakakatawa ang kanyang mga hirit at mahusay ang kanyang pagganap. Napatunayan niya ang kanyang versatility sa pagpapalit-palit ng karakter na kung minsan ay nangyayari lamang sa iisang episode. Dulot nito ay matagumpay niyang naiwaksi ang iskandalong minsang kumabit sa kanyang pangalan na naging dahilan ng kanyang suspension sa "Eat Bulaga". (With that, I realized na mga iskandalong kinasasangkutan ng mga artista ay hindi mawawaglit sa pangalan nila kung sila ay magtatago at mananahimik ukol dito. Constant good exposure ang madalas na kailangan upang mapabangong muli ang pangalan.) Sumunod na rin sina Paolo bilang Lola Tidora at Jose bilang Lola Tinidora sa kanyang yapak na nagdulot pa nang matinding kasiyahan sa "Kalyeserye". Still, si Wally ang star ng show. Hindi siya kailanman bumibitiw sa kanyang karakter at lagi siyang on cue kung mag-isip sa kung anuman ang maaaring mangyayari sa live teleserye sa TV. Dahil sa talento at years of experience, narating nina Wally, Jose, at Paolo ang tagumpay na tinatamasa nila ngayon.

2. Reality search stars: Sumali si Alden Richards sa Starstruck at PBB Teens noon subalit hindi siya nagtagumpay. Reality show competition ang naging takbuhan ng mga kabataang nagnanais na magtagumpay sa industriya nang pumasok ang 2000s. The names Kim Chui, Jennylyn Mercado, Paulo Avelino, Gerald Anderson, Sandara Park, James Reid, etc. are products of such shows. Marami ang pinalad kahit pa hindi nagwagi sa contests na sinalihan nila. May mga mas naging matagumpay pa nga sa mga nanalo ng titulo. Marami rin ang hindi pinalad at naglaho na lang matapos ang kumpetisyon. But Alden remained in the business and worked hard to get a name for himself. Noong panahong lumabas siya ay namamayagpag ang pangalan ni John Lloyd Cruz. May hawig pa nga siya rito na marahil ay isa sa dahilan kung bakit hindi siya kinagat kaagad ng publiko. Naging second rate lamang siya sa tulad ni JL. Ngayong nag-plateau na ang karera ni JL, nagkaroon siya muli ng pagkakataon at nabigyang pansin. Sa kanyang unang pelikula na The Road pa lamang ay nakita ko na ang potensiyal niya. Partly dahil guwapo naman talaga. Ang mga katulad niya ang binanggit ko sa isang kaibigan noon na dapat pagtuunan ng pansin ng GMA dahil iilan lamang ang heartthrobs nila kumpara sa ABS-CBN. Subalit nakatuon ang pansin nila kay Aljur Abrenica noon na produkto rin ng Starstruck at laging naisasantabi si Alden. Nang bigyan ng big break si Alden, inilagay siya sa mga seryosong programa katulad ng Ilustrado na hindi gaanong kinagat ng masa. May mga naging katambal din siya ngunit hindi masyadong pumatok. Sa tulong ng Eat Bulaga, nailagay si Alden sa kanyang tamang puwesto. Nang maiyak siya sa isang Kalyeserye episode habang kinakanta ang "God Gave Me You," alam mong hindi na siya umaakting. Ramdam niya ang nilalaman ng kanta at taos-pusong nagpapasalamat sa tagumpay na naging mailap sa kanya noon.

 3. Online stars. Nakilala si Maine Mendoza sa kanyang Dubsmash videos. Mabilis ang kanyang pag-usbong. Marahil ay hindi rin inaasahan ng marami ang pagbulusok ng kanyang pangalan. Pero ito ang isang description ng online star status: hindi inaasahan, mabilis, at nakabibigla. Ito na rin ang paraan ng maraming kabataan ngayong dekadang ito upang mapasok ang industriya. Bukas pa ang pintuan ng reality competition pero daraan ka muna sa butas ng karayom dito. Sa social media, maraming pinto na pwedeng pasukan. Gayon pa man, tsambahan din. Tamang timing, tamang audience reception. Time will tell kung magtatagal sila at yayakapin nang buo ng industriya. Come to think of it, wala pa talaga tayong bituin na nagmula sa social media kagaya ni Justin Bieber sa US. Mayroon mga naging matunog ang pangalan subalit nanatili lamang sila sa online community o nawalan na rin ng ingay matapos bigyang-pansin ng publiko. Maski si Ellen Degeneres na nag-imbita sa ilang online sensations ay di nakatulong na mapanatili sila sa kamalayan ng publiko. Si Maine na nga ba ang bituing mag-e-emerge sa social media?

Right timing and timely audience reception ang dalawa sa naging sangkap upang pumatok ang merging ng iba't ibang generation of stars na ito na humahakot ngayon ng papuri at batikos sa social media. Gumagawa na sila ng history ngayon pa lang sa entertainment industry na maaari ring i-situate sa current standing natin in history. May need na pinupunan. May need na tinatapalan. Sinasabi nga ng ilan na binubuhay ng Kalyeserye ang traditional values na ating sinasantabi sa panahon ngayon. Pinaalala nila ang paggalang at pakikinig sa mga nakakatatanda sa atin. Gayon din ang hindi pagiging mapusok sa pakikipagrelasyon. Na ang pag-ibig ay hindi minamadali at hindi dapat singbilis ng pagpapalit ng status sa Facebook.

Wika ni Martin Shingler sa kanyang librong "Star Studies: A Critical Guide":

Studies of stardom that investigate a star or stars of a particular era... have a tendency to reveal not so much what was happening socially and culturally at the time but, rather, what was coming into being or what was left behind. "Stars can restate, often in new and modern form, old identities and values, as well as calling a society towards newer, and perhaps confused, emergent values and value systems" (Gaffney & Holmes qtd. in Shingler 151).


Photo taken from Official AlDub-MaiDen Nation

No comments: