Sunday, June 23, 2024

Abandonada (Peque Gallaga & Lore Reyes, 1989): Binalibag na Pag-ibig

ABANDONADA
(Regal Films, 1989)
Directors: Peque Gallaga, Lore Reyes 
Writer: Raquel Villavicencio 
Stars: Alma Moreno, Gabby Concepcion, Janice De Belen, Joey Marquez, Fe Delos Reyes

Abandonada (1989) is like two different films tungkol sa redemption ng bidang si Alma Moreno. It is famous for the scene na kinaladkad siya ni Joey Marquez sa stairs habang nagmamakaawang huwag siyang iwan. Or should I say rather, nagpakaladkad siya dahil habang pababa si Joey sa hagdan, kumapit siya sa binti nito kaya ayon, nakaladkad s’ya! 

Siya lang ang gumawa niyan, mind you! Kaya isang masigabong palakpakan para sa nag-iisang Alma Moreno, pre-“Dasal lang talaga” days!

‘Yang kaladkad scene na ‘yan ay ongoing motif sa movie. D’yan ako magpo-focus kaysa sa nakakalokang storyline niya. Pero gives ko na rin ang plot sa inyo para aware kayo.


Pero we go to that though, Abandonada was a hit kasi relate ang tao sa personal na pinagdaraanan ni Alma that time--naghiwalay sila ni Dolphy dahil kay Zsa Zsa Padilla. In short, abandonada for realz. Then naging jowa niya si Joey Marquez. Na hiniwalayan niya rin later on.


Part 1: Hihintayin Kita sa Langit - Walang Makakahadlang sa Pag-ibig Natin

(Hihintayin Kita sa Langit was film starring Richard Gomez and Dawn Zulueta who needed to die just to be with one another. Released in 1991, it was also written by Raquel Villavicencio.)

Nasa bar si Alma. Lasing. Nilapitan siya ng isang mukhang goons. Nilandi. Umalma siya. (Get it? Alma, umalma. Charot!) 

Nagkataong nando’n din si Gabby. Pinagtanggol siya. Lumayo ang mukhang sanggano. 

Dahil lasing nga si ateng, inuwi ni Gabby si Alma sa balur niya.


“Paul. Paul. Paul,” sabi ni Alma habang tulog.


Nagising siya. Nakita si Gabby. Nagulat siya. Paano nagulat? Gan'yan! See pic.


S'ympre dahil di niya knows si Gabby at afraidy aguliar siya para sa kanyang pagkababae, kinuha niya ang vase na may fresh flowers na bukang-buka pa para ipagtanggol ang sarili.

“Anong gagawin mo sa ‘kin!” hirit niya.

Fresh flowers, vase, pagkababae. Do you realized how poetic and symbolical this scene is???

Di ko lang gets kung bakit may flowers sa bahay ni Gabby. Bihira namang maglagay ng fresh flowers ang mga lalaki. Anyway...


“Wala! Lasing ka kaya dinala kita rito.”

Gentleman kasi si Gabby. Ayaw niyang mapahamak si Alma. May mga nagtangka na nga sa bar, hindi ba? 


Pero tingnan mo ang expression ng face ni Gabby as the scene ends...

Later on, sasabihin niya kay Alma, 

“Kung gusto kitang reypin no’n, ang dali-dali pero di ko ginawa.” 

Pero di niya ginawa. Kasi nga gentleman s’ya. 

Gago! 


Fast forward, kinasal ang BFF ni Gabby na si Joey Marquez. Nakalikod nag bride. Para may pa-surprise. Late naman kasi 'tong si Gabby. Sa reception na nagpunta. Pa-importante!


Surprise!!!

Nagkagulatan sina Alma at Gabby nang ipakilala sila sa isa't isa.


Of course, aktingan na malala. Kunwari na di sila magkakilala. Na first time nilang magkita.

Pero may something sa kanila. There's tension. There's love? Libog? We can’t say at this time.


The scene ends again with the longing look from Gabby. 

Mukhang tinamaan talaga kay Alma. Si Alma ang may amats noong magkasama sila pero siya itong naadik.

Dahil Alma Moreno film ito, of course, there will be sex. Before we go to that, it can be said that Alma was one of the beautiful sexy nymphets who were introduced in the '70s at namayagpag 'till the early '80s. Maamo ang kanyang mukha at mahinhin ang kanyang demeanor. Kaya madalas sa kanyang mga pelikula, attracted sa kanyang ang mga lalaki.

Sexy man ang mga pelikulang ginagawa niya, heavy drama naman ang content nito. Palabok na lang ang sexy scenes sa otherwise madramang buhay ng kanyang karakter. 

Aside from that, siya at ang batchmates niyang tulad nina Lorna Tolentino and Gina Alajar (who both started as child actors but went to do sexy roles when she was a teenager), Rio Locsin, and others ay hanggang pa-sexy lang sa pelikula. Never silang nagpakita ng boobs o kung ano pa man tulad ng generation of sexy stars na sumunod sa kanila. At premyadong mga direktor ang nagha-handle sa kanila tulad nina Lino Brocka, Ishmael Bernal, Elwood Perez, Joey Gosiengfiao, at iba pa.


Ironic nga when she did Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar (2021) as one of the mentors to those who wanted to become a porn star.  Pero nakakatuwang panoorin at marinig ang kuwento niya tungkol sa kanyang glory days in the business.

And glorious her career was back in the day! Aside from doing movies, she was also doing television shows. The last of which was a variety show called "Loveliness" in IBC-13 where she showcased her dancing prowess every week. Nakikipagsabayan ang programa niya sa tulad nina Nora Aunor ("Superstar" in RPN 9), Vilma Santos ("Vilma!" in GMA 7), and Sharon Cuneta ("The Sharon Cuneta Show" in IBC 13 then ABS-CBN 2). Kanya-kanya naman silang araw ng shows kaya walang kompetisyon at tapatan. 

Sexy dancing ang naging bentahe ni Alma sa kanyang programa. Pati ang kanyang mga suot ay daring din kaya na-tag siya as "Tangga Queen." Tangga ang tawag sa mala-swimsuit na suot na ginagamit during workouts before. It was so popular na maski sina Vilma at Sharon ay sumubok magsuot nito during one of their dance performances.

Photo Courtesy: Tanders of Manila - Sharon Cuneta (Upper left and pictures below), Alma Moreno (center), Vilma Santos (upper right)

Anyway... balik tayo sa pelikulang Abandonada na di ko inaabandona. Napa-trip down memory lane lang tayo.


Sex scene 1: Paalis na si Alma at painapasara niya ang zipper niya kay Joey. Pero dahan-dahan nitong sinasara ang zipper kahit nagmamadali na si Alma. S'ympre, tease-tease si mokong sa misis niya.


At kapag gan'yang binabagalan ang pagsara ng zipper, may balak! 

Alam n’yo na ang kasunod.


Pero nakaalis din naman siya afterwards. Napuntahan niya ang event ng singer niyang friend na si Fe Delos Reyes.


Sex scene 2: Nag-e-exercise ang mag-asawa. Nakabaliktad si Alma. ‘Yong ass in the air position at nagsa-cycling motion. 

Tapos pinatungan siya ni Joey. Binuhat sa kama. Binalibag!


Alam mong mauuwi sa sex ‘yon 'cause it is some sort of foreplay for them pero para walang patutunguhan ang ginagawa nilang pagpapaikot-ikot sa kama. Tawa lang sila nang tawa. 

Walang matinong choreography ang buong eksena which could've enhance the mood if executed properly.


But since di naman erotic picture ito, hindi talaga pagtutuunang maigi ang pag-mount ng sex scenes. After all, this is drama. Palabok lang gan'yang eksena para sa mga malilibog na manonood.

Nagtapos ang kulitan nila sa pagtama ng kanilang mga mata. By then, alam mo nang tapos na ang tawanan. Serious business na ang kasunod.


Sa pagtakbo ng kuwento, malalaman nating parehong libog at love ang nararamdam nina Alma at Gabby sa isa’t isa. They had an affair. The kind of true love na hindi nabigyan ng chance.


Pero di sila maaaring magsama dahil kasal si Alma kay Joey. What a tragedy!


Hirap na hirap na si Gabby kaya solusyon niya... pakasalan si Janice de Belen para makalimutan si Alma! 

Alam naman ni Janice ang sitwasyon niya kay Gabby pero go pa rin siya sa proposal. Na-love at first sight kasi siya kay Gabby at umaasa siyang mamahalin siya nito later on.

(Side kwento: Si Gabby ang first boyfriend ni Janice at 14 years old. Wala silang naging formal break-up ni Gabby pero feel niya ang panlalamig ni Gabby sa kanya. When asked kung okay ba sila, Gabby just said yes. Then finally, natuldukan ang relasyon when Janice learned on national television na nakipagbalikan si Gabby kay Sharon! Suot pa raw ni Sharon ang kuwintas na bigay niya kay Gabby.

No hard feelings though. Nag-guest years after si Janice sa show ni Sharon and the latter apologized to her. But Janice insisted na wala siyang dapat ika-sorry. 

Janice and Gabby naman remained friends.)


Sex scene 3: Hinalikan ni Janice si Gabby na nasa kama. Pinatungan niya si Gabby. 

After a while, hinubad niya ang sapatos nya at tinanggal ang tali sa buhok habang nakapatong kay Gabby.

(Side kuwento: Janice also started as a child star. Siya ang Judy Ann Santos ng kanyang henerasyon na star ng sikat na soap operang "Flor de Luna" sa telebisyon. 

When she gave birth to her first son with Aga Muhlach, nag-lie low siya for a while. Nang bumalik siya ng late '80s, serious drama na may konting pa-sexy ang ginawa niya. It was the ST or "Sex Trip" era na nagpasikat sa tulad nina Gretchen Barreto at Rita Avila who also started their careers as teen actors. 

Ang evolution ng sexy films ay: '60's Bomba; '70's Bold; Late '70s to early '80s Wet Look; Mid-'80's Pene; Late to early '90s ST; Mid-'90's FF or Fighting Fish. By 2000s, pumasok na ang gay indie films. May kanya-kanyang characteristics ang bawat era na isang buong papel na by itself. So I won't be detailing it at this moment.

Si Gabby naman, there was a time na naging "tagapag-binyag" ng mga babaeng nilo-launch as sexy stars in the '90s. Siya ang ginagawang leading man.)


Maya-maya, makikitang may kinukuha sa lapag si Janice. Di ko masabi kung ano kasi andaming kalat sa kalat bukod pa sa mga nakapatong na pillows. So while sifting through the kalat, go lang siya sa paghawak sa lapag.


Maya-maya, nag-slide na siya pababa ng kama. Habang nakapatong si Gabby. 

You know why???


Para pumunta sa couch!!!

Gumapang sila papunta sa couch. I dunno why. Di pa enough sa kanila na magkangkangan sa kama na kailangangan pa nilang gumapang sa magulong sahig at lumipat sa couch! 

To think na first time nilang magse-sex! Ang kinky ni Janice, ano???

Sabagay, pag libog na talaga ang umiiral, kebs ka na kung nagme-make sense ang pinaggagagawa ninyo.


Kinasal sina Gabby at Janice.

Ouch! Sabi ni Alma.


Exit siya mula sa simbahan. Hindi na niya kaya ang sakit.

Um-aten pa kasi ng kasal. Ang gaga at masokista rin, ano???


Crayola to death sa car habang ongoing ang wedding. Huhuhu.


Pero ang tunay nilang pag-ibig ay di papayag na ilayo sila sa isa't isa.

A few months after the wedding, balik-kangkangan sina Gabby at Alma.

Hinahanap ng katawan. Dinadamdam ng puso. Even if the mind says no!

Sex scene 4: Pawisan sina Gabby at Alma. Obvious kasi basa-basa ang dibdib nilang pareho. Parang galing sa workout session.

Tapos habang naghahalikan sila, batuhan sila nang batuhan ng linya. 

Alam n'yo 'yong sa action films natin na nag-uusap habang nagbabarilan, parang gano'n sila!

Blah, blah, blah... bang, bang!  Blah, blah, blah... bang, bang! 

Ganern!

Alma: Kiss, kiss. “Pag kasiping ko si Paul, ikaw ang laman ng isipan ko.”  Kiss kiss. “Jigs, bakit gano’n?”

Gabby: “Hihiwalayan ko si Mia kung hihiwalayan mo si Paul.” Kiss kiss.

Naglalaban ang kanilang isip at damdamin. Alam nilang may mali sa kanilang ginagawa pero hindi nila mapigil ang sigaw ng laman.


Alma: Kiss kiss. “Ayokong saktan si Paul.”

Gabby: “Dapat di na kami bumalik dito ni Mia.” Kiss kiss. “Kaya di ko matiis.” Kiss kiss.

Alma: Kiss kiss. “Jigs, masyadong nagkakagulo ang buhay natin…”

Matapos magpakasal ay nag-abroad sina Gabby at Janice pero bumalik din dahil di matiis ni Gabby na malayo nang tuluyan kay Alma.



Gulong-gulo sina Alma at Gabby. Hindi malaman ang gagawin. Gan’yan talaga 'pag magkahalo ang libog, love, confusion, guilt, complications, pawis, laway, libido, at kung ano-ano pa!


Nalaman ni Joey ang affair ng BFF niyang si Gabby sa asawa niyang Alma. Nagalit siya. 

Bilang ganti, he tried seducing Alma’s BFF na si Fe delos Reyes while on vacation with them. Nakipaghalikan si Fe kay Joey as if she was also into pero sabay sampal siya kay Joey. 

“Kadiri ka! Don’t me! Alma’s my bff! Pakyu to the ends of the earth!”

Nag-walkout si Fe sa bakasyon nila.


Na-witness ni Alma ang halikan nina Fe at Joey pero bago pa mapunta sa sampalan, um-exit na siya. Tulad sa wedding, ouch uli siya. Sa isipan niya, pumatol si Fe kay Joey kaya sinumpa niya si BFF. Nag-pakyu to the ends of the earth din siya!


Nakipag-away si Alma kay Joey. Binalibag siya. 

BLAG!

Nagpaikot-ikot sa terrace. 

Tapos iniwan siya ni Joey.


Pinuntahan ni Alma sa office si Joey na pagmamay-ari niya. Nakita niyang nakikipagkangkangan kay Melissa Mendez si Joey. 

Sinugod niya ang dalawa. Pinaghiwalay. Pero kapit na kapit si Melissa kay Joey. Hirap humiwalay. Parang may nagdurugtong sa kanila. Parang aso??? Charot!


Nang mahiwalay na sa isa't isa, nalaglag ang panty ni Melissa sa binti niya. Imbes na isuot muli, hinubad na lang niya nang tuluyan! 

Giyera na, eh! Iisipin pa ba niyang mag-panty???


Sinabunutan siya ni Alma. Kinalmot ang fez.

"Malandi ka! Haliparot! Makati ka pa sa gabi!"

Ganern!


Nagalit, of course, si Joey! Binalibag niyang muli si Alma sa mesa hanggang mahulog si Alma. 

Yes! Laging binabalibag si Alma. Sa sex man o sa away, binabalibag siya! I told you so.

Basketball player kaya si Joey. Feeling niya, bola si Alma.

(Joey Marquez was a basketball player before he became an actor. He was part of the Great Taste team before he transferred to the Ginebra team. 


There was a time na sobrang laki ng basketball sa Pinas. Before mahati ang Pinoys sa Kapamilya at Kapuso, Ginebra muna at... Purefoods ba ang isa. Di ko sure. Pero Purefoods ako. Nando'n kasi ang mga pogi! Hahaha!)


Melissa: "Huhuhu! Shaket!!!"

Joey to Alma: “Ulitin mo pa ang ginawa mo, sasaktan na kita sa susunod”


Shookt si Alma! Siya na ang niloko, siya pa ang masama, (Weh! Kala mo anlinis niya!)

KALOKA! 

Di pa pala pananakit kay Alma ang ginawa niya! 

Next time siguro, mula sa balcony na niya ibabalibag si Alma.



Next scene, hihiwalayan na ni Joey nang tuluyan si Alma. Ayan na nga ang famous scene sa hagdan! Nakalakad siya habang pinipigilan niyang bumaba si Joey. Pero di niya napigil ang asawa. 

Simula pa lang ito ng kanyang kalbaryo. Maraming pang mga baitang na kakaladkad sa kanya paibaba.

Call siya kay Gabby. Pinapapunta niya sa bahay niya. Kailangan niya ng karamay. Pero di pwedeng um-exit si Gabby. Manganganak kasi si Janice.


Go na lang si Alma siya kay BFF Fe. Pinalayas din siya.

“Taksil ka sa pag-ibig! Taksil ka sa kaibigan!” sabi sa kanya ni Fe. Na obviously hurt sa pambibintang sa kanyang kinalantari niya si Joey.

Nawindang si Alma! Tumakbo siyang palabas. Against the crowd ang peg ng eksenang 'yan (habang hawak niya ang album ni Fe during record signing). Isa itong cinematic technique para ipakitang may struggle sa buhay ang bida (o may pagbabagong gagawin).


Eh, umuulan! Perfect timing para magdrama lalo, di ba!

Hawak ni Alma ang album ni Fe, showing a broken heart in the cover. 

O, di ba! Ang daming sinasabi ng eksena with just a single frame.


Pag-uwi sa bahay, naglaslas siya pero di natuluyan.

Nako! Go-to eksena talaga sa mga Pinoy narrative ang pagpapakamatay after a heartbreak. At madalas, paglalaslas ang paraan dahil biswal. Ipakita lang ang kamay, dugo o blade, gets mo na kaagad ang nangyari.

At bilang writer, kung wala ka naman talagang balak patayin ang karakter mo, paglaslasin mo. Dahil di mabilis machugi sa ganoong paraan. 

Dahil alive ang bida, sa next scene...


Nasa hospital na ang bida. May reconciliationg mangyayari.

“Kahit sa pagpapakamatay, tanga ka,” sabi ni BFF Fe. 


But not everyone is happy na nakaligtas si Alma.

Enter Joey. “Sana natuluyan ka na lang.” 


Enter Gabby. Away sila ni Joey.

To the rescue si BFF Fe. “Lumayas ka rito,” sabi niya kay Joey.


Yakapan sina Alma at Gabby. I love you. Yakap. Tingin. Sorry. Yakap. Tingin. Bumalik ka na kay Mia. Yakap. Tingin. Ganyan ang dramahan naman nila ngayon. Parang mga tanga. Feel na feel nila ang pagka-Romeo & Juliet ng love story nila.

Take note sa frame: Ang bulaklak na kanina'y ihahagis niya kay Gabby sa umpisa ay ngayo'y simbolo na ng kanilang pagmamahalan.  (Not the same flowers though.)


Sa bahay, habang inaalagaan ang baby nila, sabi ni Janice, Di mo pa ba ko natututunang mahalin?

Hind sumagot si Gabby.


Tumawag si Gabby kay Alma. Kay Alma niya sinabi ang sagot.

“Hindi ko mahal si Janice. Hihiwalayan ko na siya. Magsama na tayo.”

So maling-mali si Janice na umasang mamahalin din siya ni Gabby pag lumaon.


On the way to Alma, nagmamadali si Gabby. Excited, eh. Mag-kiss-talk-hug-talk-kiss-hug uli sila. This time, sure na siya sa gagawin niya. Wala nang pagsisisi.

But guess what happened! Nabangga ang kotse ni Gabby. Sabog!

Sa kanyang pagkamatay, natapos din ang pag-ibig niya kay Alma?

Pero tapos na ngang bang talaga? Sa langit na lang siya maghihintay at doon sila magmamahalan...

Charot! Sa langit ba ang punta niya???

Act 1 ends.


Part 2: Beaches - Bestfrenin Mo ang Biyuda ng Kabet Mo

(Beaches was a movie released in 1988 about two best friends who promised to be together until death took one of them away. Starring Bette Midler and Barbara Hershey, it was where "Wind Beneath My Winds" came from.)

Na-knows ni Alma na may sakit si Janice. Machuchugi na. So nagprisinta siyang alagaan si Janice to make amends and make peace with her and herself. 

Tinanggihan ni Janice pero mapilit si Alma. Mag-isa na lang siya sa buhay at alam niyang kailangan niya rin nang mag-aalaga sa kanya since may bata siyang inaalagaan.


Nag-away sila minsan kasi in-insist ni Alma na mag-stay ang anak ni Janice sa kanya till her death. Eh ayaw ni Janice.

“I hate you! Ikaw na nga ang minahal ng asawa ko, ikaw pa rin ba ang mamahalin ng anak ko?”

Medyo sumasakim level ka na, teh.


Pero pinatawad din niya si Alma. Wa na rin siya choice. Until her last breath, si Alma ang kasama niya. At hinabilin niya ang anak nila ni Gabby kay Alma.

So since siya ang unang mamamatay, magkikita sila ni Gabby kung saan man 'yon. At doon nila pagpapatuloy ang love story nila. 

So, I won, bitch! Akin pa rin si Gabby! 


Para happy ending pa more, bumalik si Joey sa kanya!

At never siyang binalibag uli ni Joey!

Though di ako sure do’n! 

Act 2 ends.