Thursday, July 28, 2011
The Parallel Lives of Insiang (Lino Brocka, 1976) and Isla (Celso Ad. Castillo, 1985)
Kung sakaling sipagin, I might write something about Himala and Silip, but for now, here's my take on how Insiang's and Isla's lives (and the people around them) intersect with one another.
Setting
Insiang (Hilda Koronel) lives in a squatter's area. Masikip, masukal, maputik, at matao ang lugar nila. Maski ang tirahan nila ng kanyang ina ay tinutuluyan ng mga kamag-anak noong umpisa. Everywhere you go, there's people. Ang lakas maka-asthma attack! Mahirap huminga. Mahirap gumalaw. Kita ng lahat ang kilos mo. Pinagpipiyestahan. Ginagawang almusal.
Si Isla (Maria Isabel Lopez) ay nakatira sa isang isla. Napalilibutan ng malinis na tubig na di tulad ng lugar nina Insiang kung saan upang magkaroon ng tubig ay kailangang mag-imbak sa tuwing may tulo sa gripo o pumila sa pag-iigib sa poso. Kina Insiang, may ilog man, madumi ito at walang buhay.
Bilang isang isla, ang lakas maka-claustrophobic ng lugar nina Isla. Malayo ito sa kabihasnan. Kakailanganin pa ng bangka upang lisanin ito. Tatlo man lang din sina Isla sa bahay kasama ang kanyang lolo at lola, lubhang nasisikipan siya rito. Tila sinisilaban ang kanyang pagkatao sa tuwing nananatili siya rito. Paraiso ang tingin ng isang dayo rito. Subalit hindi para kay Isla.
Katulad nang sa squatter's area, magkakakilala rin ang mga tao sa isla. Mayroon silang pinapanatiling conservative values, at sa tuwing magkakamali ay kinukumpisal nila ito sa paring dumadalaw sa kanila minsan sa isang buwan. Minsan ito ay nagiging facade na lamang. Taliwas ang sinasabi sa ginagawa. Kaiba sa mga tao sa squatter's area kung saan what you see is what you get ang drama nila. Walang kiyeme. Walang arte.
Desire
Iisa lamang ang nais nina Insiang at Isla, ang magkaalis sa kani-kanilang lugar at magpakalayo-layo sa mga taong pinaliliit ang kanilang mundo. Maski ang kani-kaniyang dahilan ay di nalalayo sa isa't-isa.
Si Insiang ay nasasakal at nasusuklam sa kanyang ina na si Tonya (Mona Lisa). Simula nang iwan sila ng kanyang ama para sa ibang babae ay naging malupit na ito sa kanya. Dala siguro ng labis na pagmamahal ang labis na pagkamuhi ni Tonya sa kanyang asawa. Ang kanyang muhi ay nabubunton niya sa anak nang di niya namamalayan. Because of that, Insiang learns to resent her even more especially when Tonya brings Dado (Ruel Vernal), her lover, home.
Naiipon ang mga sama ng loob ni Insiang at nag-iigting lalo ang ninanais niyang paglayo. Gagawin niya ang lahat upang makaalis sa pusaling kinaroroonan niya. Dagdag pa rito ay ang dahilang pinagnanasahan siya ni Dado.
Si Isla naman, bagama't nakakaramdaman ng pagmamahal mula sa kanyang lolo Kadyo (Joseph de Cordova) at lola Gare (Angie Ferro), ay napapaso sa kaniyang pinaglalagyan. Bata pa lamang siya ay hinihipuan na siya ng kanyang lolo. Hindi niya magawang magsumbong sa kanyang lola dahil ang pakiramdam niya ay di siya pakikinggan nito. Bilang isang taong may mataas na pinag-aralan sa paaralan at tinitingala sa isla, mataas ang tingin ni Gare sa kanyang asawang si Kadyo. Kaya katulad ni Insiang, nagpupuyos din ang damdamin ni Isla na makalabas ng isla.
Action Taken
Nang gabing gahasain ni Dado si Insiang at di paniwalaan ng kanyang ina, nilapitan niya ang kanyang kasintahang si Danny (Rez Cortez) upang itanan siya. Alam niya na malaki ang takot nito kay Dado, but she takes the risk. She feels desperate. Wala na siyang makapitan.
The night she gives herself to Danny, she cries. Iniyakan niya ang puring iningatan niya na kinuhang pilit ni Dado at kusang ibinigay na kay Danny. Iniyakan niya ang pag-asang naglaho. Iniyakan niya ang kalayaang hindi buong magiging kanya.
Subalit sadyang walang bayag si Danny. Iniwan siya nito nang walang pasabi matapos makuha ang kanyang pagkababae.
She returns home and decided to take her fate into her own hands. Hindi na siya aasa sa iba upang makamit ang kanyang gusto kahit pa may purong pag-ibig na inaalok ang kanilang kapitbahay sa kanya.
Deadma sa iisipin ng iba at sasabihin ng kanyang ina, kumabit siya kay Dado. Kay Dado na nakipagrelasyon lamang sa kanyang ina upang maangkin siya. Kay Dado na lubha niyang kinamumuhian. Kay Dado na nangakong mag-aahon sa kanyang sa putikan. Kay Dado na siyang dahilan ng pagkalublob niya sa naturang putikan.
Si Isla naman ay ginamit na kasangkapan ang kanyang katawan upang makamit ang kanyang ninanais. Una niya itong ibinigay kay Aldo (Paquito Diaz) na nangakong isasama siya sa paglisan nito sa kanilang isla. Iiwan na nito ang kanyang asawa. Gayunpaman, nang malaman niyang may kinasamang iba ang kanyang asawa, nagwala ito at napatay ng kalaguyo ng kanyang asawa.
Masamang-masama ang loob ni Isla. Ang ticket na binayaran niya paalis ng isla ay naglaho. Inamin niya sa hepe (Vic Diaz) ang kanyang ginawa. Pinahiwatig niyang sasama siya sa kanya basta ipaalam lamang nito ang oras ng kanyang pag-alis. Tempted, the officer told her where he is staying and when he is planning to leave.
Once again, Isla offers herself to the officer. Pero hindi niya nakayanan ang nais nitong ipagawa sa kanya. She gets out of the deal by hurting herself.
When she gets home, lola Gare tells her na hindi nila tunay na anak ang kanyang ama. Inampon nila ito upang matigil na rin ang pangungutya ng pagiging baog na nakukuha niya kay Kadyo. Feeling both opressed, Isla hugs her and cries.
May dumating na NPA sa isla. Nakilala niya si Sonny (Joel Torre) na gusto nang tumiwalag sa grupo at magkapamilya. Sagot sa kani-kanilang dalangin, ninais nilang magsama. Subalit nang sila ay palayo na, nabaril at napatay ng militar si Sonny.
Naging desperado nang lalo si Isla. Sa pangako ng kanyang lolo na dadalhin siya sa Maynila ay bumigay siya. Siya na lang ang nakikita niyang pag-asa sa lumalala niyang sitwasyon. Maaaring naisip niyang hindi naman sila tunay na magkadugo, hinayaan na niya ang kanyang lolo na angkinin ang kanyang katawan nang tuluyan.
With such desperation, who will be saved and get to have the freedom she wanted, and who will continue to suffer with the actions she has taken?
Conclusion
Inamin ni Insiang kay Tonya ang relasyon niya kay Dado. Hindi ito matanggap ni Tonya. When she witnesses how loving Dado is to Insiang, she takes her scissors and stabs him in the back several times. Insiang then frees herself from both her mother and Dado. Nakulong si Tonya at namatay si Dado.
When she visits Tonya in prison, Insiang expresses her love to her mother. Pero matigas si Tonya. Hindi niya makuhang magpahayag ng pagmamahal sa anak. Nakakulong siya sa pagkamuhi at galit sa mga taong nangloko at nanakit sa kanya.
Insiang walks out of the prison. Malaya na sa kanyang ina...
Di tulad ni Tonya, nang makita ni Gare ang ginagawa ng asawa sa apo, hindi niya makuhang magalit ng harap-harapan dito. Bagkus ay pinagbuntunan niya ng galit ang koleksiyon nitong plaka. Sinira at binasag isa-isa. Subalit sadya nga yatang mahal niya si Kadyo ng sobra-sobra kaya maski sarili niyang kamatayan ay gusto niyang ang asawa ang magpataw sa kanya.
Samantala, punong-puno naman ng pagnanasa si Kadyo kay Isla na handa niyang iwan si Gare para sa itinuturing na apo. Sakay sa ferris wheel dala ng karnabal ng araw na iyon, inatake sa puso si Kadyo habang kasama si Isla.
With that, Isla frees herself. Nagtampisaw siya sa dagat nang nakahubad at nagpagulong-gulong...
Dalawang mukha ng babae, iisa ang nais. Sino ang naging tunay na malaya sa kanilang dalawa?
Dalawang mukha ng kamusmusan ng kababaihan, niyurakan ng malisya ng mga kalalakihan. Sino ang tunay na nagwagi sa laban niya?
Sa larangan ng pag-ibig, sino ang tunay na nagmahal at sino ang nagpaalipin kina Tonya at Gare?
Sa pelikulang nagsasalamin ng lipunan, sino ang nagtagumpay? Si Lino Brocka ba para sa Insiang (1976, sa panulat ni Mario O' Hara) o si Celso Ad Castillo para sa Isla (1985, sa panulat ni Jose Javier Reyes)?
Ang Isla ay supposedly representation ng bansang Pilipinas at ng mga taong sumakop at gumamit dito. Patuloy na niyuyurakan ang kanyang dangal ng mga dayuhan at maging ng sarili niyang mga tao, simbahan, at gobyerno. In that respect, naipahayag ni Castillo ang nais niyang iparating.
Pero bilang isang tao si Isla at isang pelikula, maraming naging pagkukulang si Castillo. Ang mga tauhan niya ay alipin ng kanilang desires of the flesh. Lahat ng kalalakihan ay nagnanasa kay Isla at halos lahat ng kababaihan ay nakatuon sa kanilang makamundong pagnanasa. Walang nag-iisip. Walang nakakaramdam. Maski mismong si Isla ay gagawin ang lahat upang masunod lamang ang kanyang gusto kahit pa ibigay ang sarili sa kung sinu-sino.
Porn, first and foremost, ang pelikulang ito kaya naging secondary na lamang ang katauhan ng mga karakter nito. Pilit na nagpapakalalim, pero superficial lamang ang lahat katulad ng mga karakter na umiinog dito.
Si Insiang naman ay nagsasalarawan ng mga kababaihang pilit na iniingatan ang sarili at pinagbubuti kahit pa di ito sumasang-ayon sa kaniyang kapaligiran. Hindi siya nagpapakalugmok sa kinakasadlakang lusak, bagkus ay lumalaban at pinagtatanggol ang sarili. Hindi siya alipin ng kanyang pagnanasa.
Monday, June 20, 2011
Forever and a Day (Cathy Garcia Molina, 2011)
Thursday, April 21, 2011
You Again (2010)
Watching You Again brings me back to the times of watching Desperadas Parts 1 & 2 where good and able actors act desperately to save a desperate film. The concept was good enough, but it wasn't backed up by a good script. They had to rely on poorly-written antics and jokes that bordered on slapstick most of the times. Further, its heart was not in the right place. When the characters tried to make amends at the end, you'd barely feel for them. Even the main bully (Odette Yustman) in the film didn't know where to place herself properly. She seems to be suffering from split-personality wherein she goes back and forth into being a good person and a bully.
The last scene, though, between Betty White's and Cloris Leachman's characters were more interesting than the rest of the film. Too bad that it was just part of the epilogue. They had better lines than the main characters.
Wednesday, April 20, 2011
Olivia Lamasan's In the Name of Love (2011, Trailer)
I am not loving the trailer. Parang TH mag-elicit ng tamang reaction sa audience. It's too melodramatic for my taste. If not because it was an Olivia Lamasan film, I would totally lose all hope on the film. But because of her, I still have my reservations on it. Pero andu'n ang dating sa akin na parang basta lang maipalabas ang pelikula kaya ito tinapos.
Aga Muchlach looks old and tired. He has been doing the same roles over and over again and has the same exact look in his eyes in every film! After Sa Aking Mga Kamay, he has never done any anti-Aga role. Kulayan man niya ng jejemon color ang buhok niya, siya pa rin si pa-tweetums Aga since Bagets days.
Angel Locsin looks plump and uninspired. Walang buhay ang kanyang mga mata.
Jake Cuenca looks misplaced.
I wish I am wrong. We have yet to see the film on May 11. Pero sana lang, lagyan naman ng buhay ang trailer. Ang luma-luma, eh.
Thursday, March 31, 2011
Isang Kuha sa "Anak" (Rory Quintos, 2000)
Natapos na ang madamdaming paghaharap nina Vilma Santos at Claudine Barretto bilang isang ina at anak na may kinikimkim na sama ng loob sa isa't-isa. Ibinuhos ni Vilma ang kanyang nararamdamang pangungulila kay Claudine sa mga panahong wala siya sa bansa. Humingi siya ng pang-unawa sa anak.
Matapos nang mabigat na tagpong iyon ay nagsumamo si Claudine sa ina. Simpleng pagtitimpla lang niya ng kape ay nangangahulugan na na humihingi siya ng tawad. Ito ang kanyang peace offering. Ito ang kanyang pagtaas ng white flag.
Pinaliwanag niya ang kanyang nararamdaman. Humingi rin ng tawad si Vilma sa kanyang mga naging pagkukulang sa anak.
Umiyak si Claudine. Sa eksenang ito ay maaaring hinayaan niya lang tumulo ang kanyang luha. O di kaya'y panahid ng kamay ang luha. Subalit pinili ni Rory Quintos ang ganitong kilos. Bakit kaya?
Dito lumabas na kahit pa maraming pinagdaanan si Claudine sa kanyang buhay, nananatili siyang bata na nangangailangan ng kalinga ng kanyang ina. Para siyang isang bata rito na nagsusumbong sa kanyang ina; naghihintay na yakapin siya upang maibsan ang sakit ng kanyang kalooban. Ito naman talaga ang kanyang hinaing sa ina. Wala ito sa mga panahong nagdadalaga siya at nangangailangan ng gabay ng ina. Nahinog siya nang pilit. Magkagayu'n man, di niya ito matatakasan. Babalik at babalik siya sa pagkabata.
Ganito ka-importante ang isang galaw sa pelikula. Parang isang painting na naglalaman ng malalim na kahulugan. A good director knows that.
Monday, March 28, 2011
Pagbabasa sa Isang Eksena ng "Ang Lalaki sa Buhay ni Selya" (1997)
Ang eksena na ito sa pelikula ni Carlos Siguion Reyna na Ang Lalaki sa Buhay ni Selya ay nagmumula sa eksena kung saan inalok ni Ramon (Ricky Davao) ng kasal si Selya (Rosanna Roces). Nangungulila si Ramon sa pag-alis ng kanyang lover, samantalang masama ang loob ni Selya sa di pagpapakita sa kanya ng kanyang kasintahan. Nasa krisis siya ng kanyang buhay--kung lilinasin ba ang lugar na iyon o tatanggapin ang alok ni Ramon. Ang magiging desisyon niya ang magpapabago ng kanyang buhay.
Sa boarding house na tinitirhan niya na pinamamahalaan ng tiyahin ni Ramon na si Piling (Eva Darren) ay nagbalik siya. Binabasa niya ang sulat ng kasintahan habang kumakapit sa kanyang alaala. Sa labas ng silid ay ang kanyang mga boardmates na lalaki, nag-iinuman at nagkakasiyahan ng umagang-umaga.
Pumasok si Piling. Binulyawan ang mga kalalakihan. Pinuntahan niya sa silid si Selya, tiningnan sandali. Bilang isang pakialamerang tiyahin ni Ramon at kasera ni Selya, kinuha niya ang isa sa mga sulat at pilit na bubuksan upang basahin. Pinigil siya ni Selya. Isa siyang pribadong tao at ayaw niyang pinakikialaman ang kanyang buhay. (Sa mga susunod pang eksena, magbabago ang ugali niyang ito. Magiging bukas siya at bulgar.)
Winika ni Piling na piliin ni Selya si Ramon. Nagtawanan ang mga kalalakihan sa labas. Hindi ito sadya. Nagkataon lamang ito at sinasabing mali (at katawa-tawa) ang suhestiyon na iyon ni Piling.
"Ano bang klaseng lalaki ang hanap mo?" ang retorikal na tanong ni Piling. "Katulad nila," referring to the men outside, "katulad ni Bobby?"
Walang maisagot si Selya.
Tumayo si Piling. Isasara na niya sana ang pinto upang bigyan ng privacy si Selya, subalit hindi niya itinuloy. Gusto niyang ipamukha ang uri ng mga lalaking nasa labas kay Selya.
Nagpatuloy ang ingay ng mga kakalakihan. Narindi si Selya. Tumayo siya at isinara ang pinto. Kasabay nito ang paggawa niya ng desisyon. Hindi na niya tatanggapin ang mga ganoong uri ng mga lalake sa kanyang buhay. Isasara na niya ang Bobby chapter sa buhay niya. Pipiliin na niya si Ramon, isang matino at disenteng lalaki.
Titigil ang eksena sa anino ni Selya sa isang puting dingding. Ito ay nangangahulugang hindi ito talagang pagsasara sa kanyang buhay, bagkus ay hahabulin siya ng kanyang magiging desisyon na parang isang anino. Nagdedesisyon siya sa dilim; nang walang kasiguraduhan. Kapag dumating ang puntong haharap na siya sa anino ng kanyang buhay ay maaari siyang tumakbo sa kanyang desisyon o panindigan ito.
Friday, March 18, 2011
Tuesday, March 15, 2011
"Bata, Bata... Paano Ka Gagawin?" Online Premiere
Starring:
Joey Paras
Geng de los Reyes-Delgado
and
Ms. Gigi Locsin
Introducing:
Aries Hermoso
Written & Directed by:
Producer:
Myrna C. Josue
Assistant Director/Production Design:
Acy Ramos
Director of Photography/Light Designer:
Don Santella
Make-up Design/Gofer:
Rhea Zaratan
Location Manager:
TJ Parino
Stills Photographer:
Gilbert Sococ
Editor/Sound Design:
Adam Joseph
Talent Coordinator:
Danni Ugali
Sineasta Productions
2011
Thursday, March 10, 2011
Friday, January 07, 2011
MMFF 2010
Since I have only seen five films such as Dalaw; Rosario; Shake, Rattle and Roll 12; Tanging Ina Mo (Last Na 'To!); and RPG, sa kanila rin magbe-base ang judgments ko re the following categories. More than the winners themselves, mas nadismaya ako sa turnout of nominees. Pakiramdam ko ay hindi nakita ang tunay na kagalingan ng ilang taong kalahok sa festival dahil sa mga biases na mayroon ang mga hurado. May mga nakita silang maliliit na maling detalye sa ilang pelikula at performances, pero hindi nila nakita ang mga 'yun sa mga pinanalo nila. Besides, dahil na rin siguro 'yun sa background ng judges mismo.
Anyway, among the five films I've seen, eto ang judgments ko:
Best Picture: RPG
Matino ang nilalaman at sinasabi ng RPG. Hindi siya preachy at subtle lang ang values na tinuturo niya sa mga kabataan ngayon at maging sa mga magulang nang nasabing mga kabataan ngayon. Itinuturo nito ang kahalagahan ng physical activities hindi lang sa overall na kalusugan ng mga bata kundi maging sa kanilang pakikisalamuhang sosyal sa kanilang mga kaibigan at kalaro. Ang mga mabubuting asal na natututunan nila sa pakikipag-interact sa kapwa nila tulad ng sportmanship at cooperation ay hindi nila makukuha mag-isa at maaari rin nilang ma-apply sa tuwing nakikipaglaro o nakikipag-usap sila online.
RPG promotes Pinoy culture, as well, by (re)introducing Pinoy games to children na tutok na masyado ngayon sa TV, computer games, and online games. Isa sa nakakatawang linya ngunit malalim ang sinasabi ay 'yung tanungin ng isang bata kung ano ang piko. Simple lamang ito kung ating iisipin, subalit pinapakita nito kung pa'no namamatay ng unti-unti ang ating Pinoy street games. Sa mga magulang na hindi nakagisnan ang mga larong tulad nu'n, hindi na rin nila maipapasa ang ganu'ng kultura sa kanilang anak. Sad to say, baka dumating ang araw na sa paaralan na lamang at pahina ng mga libro malalaman ng mga bata ang tungkol sa mga ganu'ng laro.
At para naman sa mga nakaranas maglaro ng Pinoy games, this movie brings back childhood fun memories. It will give you a smile remembering the days na umuwi kang sugatan dahil sa pagkadapa mo several times playing Patintero o Football, na pinagalitan ka dahil sa sangsang ng amoy mo dahil nakabilad ka sa araw ng buong maghapon, o na matulog kang madungis dahil hindi mo na kayang maligo pa dahil sa pagod.
Itinuturo rin ng RPG ang di magandang dulot sa pagkalulong sa online games. Binibigyan ng warning ang mga magulang na i-monitor ang activities online ng kanilang mga anak. While technology could bring families together lalo na 'yung pinaglayo ng distansya, it could also destroy a family's well-being.
Compared sa MMFF Best Picture winner na Tanging Ina Mo (Last Na 'To!), mas di hamak na maraming sinasabi ang RPG na hindi dinadaan sa kalokohan at pagpapatawang walang saysay.
Best Director: Jerrold Tarog/Luis Suarez
Jerrold Tarog's Punerarya is certainly the best feature among the last few Shake, Rattle, and Roll episodes combined together that came out lately. Hindi siya nakakatakot per se, but he was able to deliver a creepy atmosphere and eerie feeling to the material. Moving camera shots pa lang niya, panalo na! Mararamdaman mong pinag-isipan ng husto at pinlano. May vision. And there was certainly a wider feeling to it--na pelikula talaga ang pinapanood mo at hindi isang horror episode lamang sa TV.
Kadalasan ngayon sa pelikula, dahil mula sa TV o nagdidirek sa TV ang mga direktor, hindi nila maalis sa kanilang sistema ang TV directing style. Sandamakmak ang close-up shots, taking away the grandiose feeling a film gives.
Biased ako kay Jerrold kasi paborito ko siya sa mga new directors lately. Ever since I've seen his Confessional, napahanga na niya ko. Hindi siya pretentious as some other directors are. If not him, I'd go for RPG's Luis Suarez for reasons I've given about the film. Di biro ang magdirehe ng animation at maayos na naitawid ito ni Luis. It may not be at par with Disney or Pixar in terms of smooth movements, maipagmamalaki pa rin naman ito bilang Pinoy lalo na sa kanyang nilalaman. Maaari siyang ihanay sa mga Japanese animations.
Both directors were not nominated in the said category. Nakakalungkot isipin na mas napansin pa si Mike Tuviera dahil maayos daw nitong naidirehe ang isang crappy material tulad ng Super Inday and the Golden Bibe. Ito na ba ang sukatan ng pagiging isang mahusay na direktor laban sa mga may nailabas na kagalang-galang na trabaho?
Albert Martinez wasn't also nominated. Para sa isang period piece, hindi raw masyadong nabigyan ni Albert ng authentic feeling ang Rosario. Subalit kung effort at effort lang naman ang pag-uusapan, di hamak na maganda ang nagawa ni Albert kaysa sa mismong nagwagi sa kategorya na si Wenn Deramas.
Wenn has not shown growth in the last few years that he has been directing. Certainly better than Tanging Ina N'yong Lahat, Tanging Ina Mo, however, is inferior with the original. Kadalasan ay sume-segue ang pelikulang ito sa mga katatawanang walang kinalaman sa takbo sa pelikula at nalilimutang tumutok sa mga mas mahahalagang aspeto ng kwento tulad ng sakit ni Ina at ang unti-unti pagkawasak ng relasyon ng kanyang mga anak. The main plot has taken the backseat sa mga patawang basta-basta na lamang isinisingit sa pelikula.
Ginawa pa nilang issue ang di pagsama ni Heart Evangelista sa pelikula samantalang halos extra roles lang naman ang ginampanan ng ibang mga anak ni Ina sa pelikula. Sumulpot lang at ngumiti sa camera para masabing nabuo ang pamilya niya.
A friend told me na matalino raw si Wenn kasi alam niya ang pulso ng masa at kung ano ang papatok sa kanila. May point siya. Pero ang sagot ko, kung lagi nating hahainan ng pare-parehong putahe ang masa, hindi natin masasanay ang dila nila na kumain ng ibang pagkain, kahit paminsan-minsan lang. We should not be condescending towards their tastes at i-limit lamang sila sa iisang makakain lalo na ngayo't ang Balot ay maaari na ring gawing gourmet Balot!
Best Production Design: Rosario
Ang yabang-yabang ng production values ng Rosario! Kanyang-kanyang ang tropeo at walang aagaw sa kanya rito. Ni walang pwedeng magprotesta na mas deserving nila ang award. In the awards season next year, I'm sure na siya rin ang hahakot ng awards in terms of production design.
However, sa sobrang yabang niya, nakalimutan niyang mag-give way sa ibang mas importanteng aspeto ng pelikula. Lagi siyang nakabalandra to the point na hindi nabibigyang-focus ang eksena at nararamdaman ng mga karakter. Sa eksenang nakikipag-usap si Rosario sa kanyang pinsan sa kanyang kwarto, wide shot kadalasan ang treatment upang maipakita kung gaano ka-elaborate ang production design. Nakalimutan nitong above the production design, mas importante ang nilalaman ng eksena at hindi ang bumubuo nito.
Maaaring fault na rin ito ng direktor. Masyado siyang na-overwhelm sa tingkad ng kanyang pelikula na nakaligtaan niyang bigyang-pansin ang nasasaloob nito.
Dahil na rin mayayaman ang karakter ng Rosario, nag-focus sila sa '20's American fashion. Sapat namang naipakita ang kasuotan ng panahon na iyon, subalit naghahanap pa ako ng kasuotang masa noong panahon na iyon. Minus the dialogues kasi, maaring pumasa pa ngang American film ito dahil lamang sa overall look ng pelikula. Nawawala 'yong Pinoy authenticity niya. Kung sana'y marami-rami ang naipakitang Pinoy masa fashion, mas lalo kong ikatutuwa.
Best actress: Aiai delas Alas
Wala naman akong tutol na ibigay kay Aiai ang Best Actress trophy. Mahusay naman talaga siya. Subalit ang ma-nominate si Marian Rivera kaysa kay Jennylyn Mercado ay isang malaking kalokohan. A heavy drama character against a lousy super heroine character? Bakit naman nagkaganu'n? O sige, hindi ko napanood ang Super Inday kaya wala akong karapatang i-judge si Marian. Pero still, ang tanong ko, bakit nagkaganoon?!
Ay, sabi pala nila, dahil daw hindi kaiga-igaya ang karakter ni Jennylyn bilang Rosario na isang 20's pokpok. Weno ngayon? Bakit natin ija-judge ang performance ni Jennylyn laban sa karakter niya sa pelikula? Anong klaseng kondisyon iyon?
Besides, hindi naman kasamaan ang karakter ni Rosario. At the end ay nakitaan siya ng pagbabago at pagsisisi. Hindi ba sapat 'yun para sa tinatawag na character growth? Kung kabutihan lang pala ang magiging basehan, wala nang kontrabida roles ang mano-nominate sa susunod na MMFF kahit pa pagkagaling-galing ng kanyang performance. At magiging one-dimension na lang lagi ang ating mga karakter: bait-baitan.
After the major awards, magbigay naman tayo ng minor awards sa limang pelikulang aking napanood.
Best Transformation: Eugene Domingo
Uge has come a long, long way! Ang ganda-ganda ng outfits niya sa Tanging Ina Mo! Natalbugan na nga niya si Aiai pagdating sa itsura. Fashion kung fashion! Kaya naman nu'ng pandirihan siya ni Aiai nu'ng hahalikan na siya ng kanyang napangasawa na si Jon Avila, di naging kapani-paniwala dahil mas maayos ang itsura niya kaysa kay Aiai. Mukha siyang mamahalin!
Super Pa-sexy Award: Shaina Magdayao
Sando kung sando ang labanan sa Mamamanyika ng SRR 12 at cleavage kung cleavage sa Tanging Ina Mo! Saan ka pa! Di pa 'yan nag-e-effort masyado, ah.
WTF Character: John Lapus
Putek! Para sa'n ba ang karakter niya sa SRR 12 Episode 2? Patawa ba 'yun o pang-asar? Either way, misplaced siya sa movie. Hindi siya nakakatawa at lalong hindi siya nakakatuwa! Mas lalo lang ang inis na binigay niya sa kabuuan ng pelikula unlike sa ibang SRR na may halong comic relief pa siya.
Best Weapon: Gun
Ang baril ay pamatay sa Chaka Doll e este Mamamanyika! Never leave home without it. Ang baril din ay panakot sa mga engkanto! Itago sa kunwaring Bible at iwagayway sa mga engkanto.
Magpakatotoo Ka Award: Kris Aquino
Less make-up, more skin imperfections. Sino ang may sabing perfect ang skin ng mga artista?
Best Guest Appearance: Betty Boop in Rosario
Ay, wala pa. Si Isabel Oli pala 'yun in Betty Boop make-up. Tsuri!
Most Kinawawa Award: Jiro Manio
Hindi man lang binigyan ng kapiranggot na linya si Jiro! Nakakaawa kung kailan naman nagdarahop na 'yung bata sa ngayon.
Kahit Anong Role, Keri Na Award: DJ Durano
No explanation needed. Dapat laging umeeksena sa mga pelikula ni Wenn Deramas.
All Hype, No Substance Award: Dalaw
Feng Shui and Sukob may both starred Kris Aquino, but the success of those films should not be equated to her. It should be credited to their director Chito Rono (and their writers). However, even Chito came out with less successful horror flick via T2.
Bagsak na nga 'atang talaga ng Asian horror genre these days. Halos isang dekada na rin nating nire-rehash ang paulit-ulit na vengeful ghost theme at wala na tayong bago na mapipiga pa rito. Kailangang pagpahingan na siya until maka-imbento uli ng panibagong kwento na mananakot sa 'tin mga Pinoy. Dinadaan na lamang sa mga panggulat na musical score at pasulpot-sulpot na karakter ang katatakutan at hindi na nakakatuwa.
Malakas man siya sa takilya, subalit hindi ibig sabihin nito ay maganda siya at nakakatakot talaga.
I characterized this movie nga as a worst Patayin sa Sindak si Barbara adaptation given an Asian horror flavor.
Most Spoofed Actress: Vilma Santos
Siya na ang ginaya sa Tanging Ina Mo, siya pa rin sa Dalaw (na medyo nag-segue kay Mega)!
Ay, sana napanood ko pa 'yung tatlong movies para nadagdagan ang minor awards ko!
Despite the controversies na laging kinakaharap ng MMFF, masaya pa rin ako na maraming tumatangkilik dito, na marami pa rin ang naeenganyong manood.
Related readings:
Butch Francisco's "Ang Tanging Best Actress"
Rito Asilo's "MMFF 2010: When 'better' isn't good enough"
Butch Francisco's "Why Albert, Jennylyn not nominated"
Oggsmoggs's "RPG Metanoia (2010)"
Oggsmoggs's "Rosario (2010)"
Philbert Dy's "No Stories Left to Tell"
Philbert Dy's "Mud Wrestling with Ghosts"