Thursday, September 30, 2010

Veronica Velasco's "I Do" (2010)


I'd like to believe that the theme of this latest Star Cinema offering is that the wedding is not the be all and end all of committing to a relationship. That more than the preparation itself, the sanctity of marriage is important and couples should work hard to maintain a harmonious relationship. That having a family is not just by apprehending your husband's surname to yours and to your child, but by constantly being there for you in good times and bad; loving and caring for each other not because you need to, because you want to.

But it isn't.

I Do seems artificially staged that characters and situations turned caricatures of what they really are supposed to be. Except for Lance (Enchong Dee), all characters are one-dimensional and comic versions of themselves.

From the beginning we meet the young Yumi (Erich Gonzales), she tells us her aspiration of having a dream wedding and focuses herself into getting one the moment she meets Lance. Ito na ang naging bukambibig niya from the very start regardless of what Lance feels about it or what he is going through just to give her one. On and off wedding cancellations happen that even her family has become consumed by it. Mas naging concern pa sila sa kahihiyang dulot ng paulit-ulit na pagkansela ng kasal at ng pagod at hirap na dinaranas nila kaysa sa nagkukubling dahilan nito. Not once did they talk to Yumi (and Lance) about how hard it is to raise a family given that they already have a daughter, and they are just in their early 20s. Maski ang kanilang anak na si Sofia ay naging kasangkapan lang sa kabaliwang umiinog sa kanilang napipintong pagpapakasal. The goal is to get married. Period. Without questioning their readiness for it.

On the other hand, Lance's family is opposed to the wedding not because they're young, but because Yumi is not Chinese. They didn't even give Lance a chance to become responsible for his actions and decisions. Basta hindi Chinese si Yumi, tapos! Di baleng magmukhang matapobre. Di baleng may madehadong ibang tao dahil sa kanila. Di baleng sinasaktan nila ang kanilang anak. Ang importante ay to hold on to their tradition, "Ang Chinese ay para sa Chinese."

Lance has gone through a lot from the start of his relationship with Yumi. For one thing, he weighs her feelings towards her. Ito ba ay tinadhana o pinagdesisyunan? Para sa kanya, ang pagmamahal ay isang desisyon. He decides to love Yumi even if they came from different backgrounds. He decides to love Yumi even if she seems too self-absorbed and immature. He decides to get married to her despite losing his own family in the process. In the end siya pa rin ang humingi ng kapatawaran kay Yumi at sa pamilya nito sa mga naging mapusok niyang desisyon. And all Yumi has to do was accept his apology and not take responsibility for her own actions, as well. Ang sa kanya, she has gotten her dream wedding. Period.

I admire Enchong for showing depth in his character. Kitang-kita ang confusion na pinagdadaanan niya sa tatahaking landas. In between teenage years siya at adulthood kung saan kailangan niyang matutong mag-decide on his own, subalit kailangan pa rin niya ng gabay ng kanyang pamilya na tumalikod sa kanya. It is very brave of his character to apologize for his mistakes when he is just trying to come up with a decision that would be best for all of them.

Erich is irritating! From her screeching voice to her constant whining to her overflowing tears. Walang ibang dimensyon ang karakter niya at hindi niya ma-distinguish ang pagkakaiba-iba ng dramatic peaks na kinakaharap ng karakter niya. She even borders on acting like a social climber to an overzealous girlfriend.


Nang una kong makita ang publicity photos para sa pelikulang ito, naisip ko kung bakit parang iisa ang reaksyon ni Erich sa mga larawan samantalang nagbabago ang kay Enchong. Now I know why.


Related post:
Phil Dy's Laughing it Away

Thursday, September 23, 2010

The Michael Cera School of Acting

Tuesday, September 21, 2010

Palabra de Honor (Danny Zialcita, 1983)

Twisted relationships galore!

Eddie Garcia (Don Adolfo), the rich businessman in town, is about to get married to Gloria Diaz (Victoria). His daughter, Jackielou Blanco (Sylvia), is opposed to it for being the youngest and favorite daughter, she is in love with her father.

"Be practical, papa. Okay, you're tired. You're lonely. Go ahead. Hawakan mo siya. Kunin mo siya. But not as your wife, as your mistress."

Her older sister, Hilda Koronel (Cristy), is married to Ronaldo Valdez (David), who marries her for her money. Alam ito ni Hilda yet she remains married to him. Ayaw niyang masira ang kanilang pangalan sa lipunan.

Ronaldo is Gloria's ex-lover. She plots to get into Eddie's family to exact revenge against the former lover.

Elizabeth Oropesa (Olivia), as a woman, takes a stand against Eddie. She assumes her right every chance she gets. But in the world of men, she is not taken seriously. Her words don't matter. "Lahat ng tao rito kung tawagin niya ay sa unang pangalan. Ako lang ang hindi," she mutters.

She is married to Dindo Fernando (Louie) who, according to her, is richer than Eddie, yet doesn't get the same amount of respect in the community as Eddie's. He says, "Ginawa niya ang kanyang pera. Minana ko lang ang akin."

In Dindo's standards, hindi magkapantay ang yaman nila. Besides, ayaw niyang kabanggain si Eddie. Hindi lamang ito tinitingala ng lipunan, he also doesn't want to jeopardize his affair with his daughter Hilda whom he gets pregnant.

Tommy Abuel (Arthur) is Eddie's sort of right-hand man. Hindi sing-yaman nina Eddie at Dindo, but a respected man, nonetheless. He is married to Amy Austria (Elma) who hasn't been sleeping with him for a long time. She avoids him like a plague, believing that he is sleeping around. However, it is she who is having a constant tryst, with Hilda's husband, Ronaldo.


Mark Gil (Tony) is Tommy's friend whom he helps getting a job in a campus in their community. He is married to Beth Bautista (NiƱa) whom Tommy has the hots for. Tommy helps Mark in acquiring the teaching position as a favor to Beth who promises herself to her once the deal is done. But Beth is having cold feet. Hindi niya magawang ibigay ang sarili kay Tommy.

Tommy, on the other hand, has a change of heart when he realizes how much he loves Amy. Until he learns of Amy's infidelity, who is about to go with Ronaldo. Kakaalam lang ni Ronaldo ng relasyon nina Hilda at Dindo, and he leaves her. He blackmails Dindo into giving him a million peso. Matapos ay inaya niyang magtanan si Amy.

Sinugod ni Tommy si Ronaldo. Nakipagsapakan. Then he confronts Amy.

"Ang dami mong dahilan. 'Wag kang lalapit. Mabaho ka. Mabahong hininga mo. Amoy shoktong. Wag kang didikit. Ang kamay mo baka kung sa'n nanggaling, matetano pa ko. Alis diyan!' 'Yun pala may kumakalikot sa 'yo. Sarap mong sapakin!"

Meanwhile, Elizabeth is against Mark's employment. Sinubukan niya ang lahat upang hindi ito matuloy. She even rallies in front of his house, pero wala siyang nagawa. Hindi lamang si Mark ang kabangga niya rito, maging si Eddie na isang malaking pader sa komunidad. Tulad ng mga naghaharing kapitalista sa mundo, he has the money. He has the last say.

"Kung ayaw n'yo nang palakad ng eskwelahan, kung ayaw ninyo sa taong 'yan, bukas ay ipasasara ko ang eskwelahan. At maghanap na kayo ng papasukan ng inyong mga anak doon sa kabilang bayan. Tingnan natin kung hindi kayo mahihirapan. At 'pag nangyari uli ito, ang inyong mga asawa ay ihanap n'yo ng ibang trabaho. Hala! Magsiuwi na kayo!"

Beth is intrigued as to what motivates Elizabeth into going after her husband. Nag-imbestiga siya. Nalaman niya ang di kagandahang nakaraan ni Elizabeth. Sinugod niya ito at binantaang ilalabas ang baho niya kapag di niya tinigilan si Mark.

Battle ensues. This has got to be the most masculine fight by women in Philippine cinema. Sapakan kung sapakan. Matinding sampalan. Matigas na sabunutan. Mabigat na sakalan. Tulakan. Murahan. Dayaan. Matira ang matibay. DZ made sure na hindi gawing malamya at katawa-tawa ang eksena dahil mga babae sila.


Yet, he also made sure that it is a sensual one. Foreplay para sa mga mapagnasang mata ng kalalakihan. Torn clothes, exposed bras, peeping panties, at nipples na halos bakat na sa bra. It is hitting two birds with one stone. Turning women into fighting savages ala men and serving men with delectable feast. Progressive and offensive at the same time.

When Eddie discovers Gloria's past with Ronaldo, he is disheartened. For someone who honors his word, nadismaya siya na niloko siya ng babaeng mahal niya. He could've ended the engagement, but he didn't. He has given his word to marry Gloria, and he is not about back out on it. He gets married to her, pero nagbago na ang sitwasyon. She gets her part of the bargain (money-wise), and he gets to be true to his word. Ito ang kanyang palabra de honor.

If we are to look at the whole picture, asan na nga ba ang isang salita ng mga taong involved sa kwentong ito? When they promised to cherish and adore each other through thick and thin in the sanctity of marriage, did they do so? Hindi na nga ba mahalaga ang pagtupad sa nabitiwang salita? Are promises really made to be broken? O may tulad pa ni Eddie na pinangangahalagan ang kanyang dignidad kahit pa siya ay nalagay sa alanganin? Ito nga ba ang tunay na palabra de honor? Ang tuparin ang ipinangako kahit pa hindi naging totoo ang kabilang parte?

More than wealth, mas pinangalagahan ni Eddie ang tingin niya sa kanyang sarili. Hindi niya kayang sumiping sa isang asawang alam niyang walang pagmamahal sa kanya. Subalit sa kanyang pagtupad sa pangakong kasal kay Victoria, hindi ba rin siya nagkakasala sa batas ng matrimonya ng kasal?

Maraming power struggles sa pelikulang ito. Kakikitaan na maging ang mga mayayaman ay may pagnanasa pa ring maitaas ang kanilang sarili sa kapwa nila mayaman. Ang mga galing naman sa hirap ay di mawawalan ng need upang maiangat ang kanilang pwesto sa lipunan kahit kayamanan lamang ang inaasam nila noong una.

May power struggles within married couples. Sino ba ang dapat ang domineering at sino ang submissive? Babae ba dapat ang nasa ibaba at lalaki ba dapat ang humahawak ng relasyon? Sa kontekso ng mag-asawang Pinoy, makikitang malakas ang boses ng babae sa isang relasyon lalo na sa pamamahala ng tirahan at mga anak. Ganito pinapahalagahan ng lalaking Pinoy ang kanyang asawa. Subalit paglabas ng tahanan, siya ang boss. Siya ang may say sa lahat ng kanyang magiging desisyon.

May power struggles sa mga magulang at anak. Kailan ba nagkakaroon ng pagkakataong magsalita ang anak laban sa desisyon ng mga magulang? Kailan ba maaring makinig ang mga magulang sa anak notwithstanding the age difference and status of relationship?

May power struggles within the boss and his employees. Mas madalas sa hindi, ang boss ang may huling salita. No matter how much you detest your boss's decision, one never bites the hand that feeds him.

Sa panahong ito kung saan laganap ang lokohan, pagsisinungaling, betrayal, backbiting, may nagpapahalaga pa ba sa palabra de honor tulad ng isang Don Adolfo?



Related post:
Pelikula, Atbp.'s "Palabra de Honor (1983)"

Monday, September 20, 2010

Fast Forward


In Viewer Discretion's post entitled "Contesting Visibilities, Contextualizing Desires" about Pinoy gay movies, I quote:

"We admit, we watch many of these gay films. More often than not, it’s for the sex. Cris (Pablo) watches more of them than I do, but he also uses the fast forward button more frequently (“to get to the juicy parts,” he says). I, the more prudish one, would try to stick it out through the whole film, and not infrequently, would confirm Cris’s suspicion that he didn’t miss much anyway."

Kaya naman pala may ganoon ding pakiramdam ang manonood sa mga pelikula ni Cris ay sa dahilang ganoon din niya itrato ang kanyang panonood ng pelikula. Most often than not, pinagtutuunan niya ng pansin ang sex scenes at nudity ng kanyang mga pelikula kaysa sa takbo ng kuwento nito dahil siya mismo, bilang manonood, ay 'yun din ang hanap. Most of the times, the story takes a backseat over the sex scenes. Softcore porn na ngang maituturing kung minsan ang kanyang mga pelikula.

Tulad ni Phil Dy, I still give him the benefit of the doubt when it comes to watching his films. Naisip ko na baka naman sa susunod, sa dami-dami ng mga pelikulang ginagawa niya, ay may mailabas siyang matino at kapuri-puri. However, like Dy, I end up disappointed, as well.

Paano ka nga ba makakagawa ng isang matinong pelikula kung ang pagtrato mo rito ay isang commodity lamang na pwede mong pagkakitaan? You don't treat it with respect the way it has to be treated. Paano ka nga ba makakapag-focus sa kwento ng pelikula kung ikaw mismo, sa mga pinanonood mo, ay sex lang din ang habol? Mas mabuti pa sigurong hardcore porn ang iyong gawin para hindi na gaanong mag-expect pa ang manonood ng istorya.

You make films the way you see them.

Nakakalungkot. Nakakainis.


Related Posts:
Viewer Discretion's "Contesting Visibilities, Contextualizing Desires"
Philbert Dy's "Worthy of Our Disdain"
Sineasta's "Ang Mukha ng Bading sa Pelikulang Pilipino sa Bagong Milenyo"

Friday, September 10, 2010

Sa 'Yo Lamang (Laurice Guillen, 2010)


Gusto ko:
  • Tulad ng nabanggit ni Oggs Cruz sa kanyang review, matindi ang panimulang eksena nina Dianne (Bea Alonzo) at Franco (Christopher de Leon) kung sa'n gigil na gigil na nilapitan ng anak ang ama upang sabihin ang hindi niya pagtanggap sa pagbabalik nito. Sa kaunting salita, napadama ni Dianne ang kinikimkim niyang sama ng loob dito kasabay ng isang malutong na pagmumura bilang pagtatapos nito.

    Para sa isang ama, napakasakit na marinig ang mga salitang iyon mula sa iyong anak. Subalit di rin naman natin magawang kasuklaman ang anak sa pagpapahiwatig ng kanyang nararamdaman. Mararamdaman nating halos kainin ng lupa si Franco matapos laitin ng kanyang anak.

  • Nagkaroon ng shift ang pag-uusap muli nina Dianne at Franco. Sa una ay taas-noo na dala-dala ni Franco ang pagiging ama sa kanyang pamilya sa kanyang pagbabalik. Pakiramdam niya ay may kaparatan siyang balikan sila anuman ang kanyang pagkukulang. Subalit sa sumunod na eksena ay pakumbabang humingi siya ng kapatawaran sa anak at nanghingi ng pangalawang pagkakataon.

    Sa kabilang banda, si Dianne naman ay mahinahon na nagpahiwatig ng pinanggagalingan ng kanyang nararamdaman sa kanyang ama. Binanggit niya ang mga pagkakataong naghirap sila ng kanyang ina sa pagtaguyod ng kanilang pamilya dahil sa paglisan nito at kung paano nila pinagsikapang iahon ang mga sarili. Wala itong halong galit. Walang halong pagkamuhi.

  • 'Yung pagkakataong nalaman ni Amanda (Lorna Tolentino) ang katotohanan sa pagtataksil muli ni Franco. Nu'ng ito ay magbalik, pinilit niyang maging masaya para sa kanyang pamilya. Umasa siya sa pagiging buo nilang muli at pinilit na hindi magduda sa katapatan ng asawa. Subalit nabigo siya at binigong muli ng asawa. Pakiramdam niya'y pinayagang na naman niya itong lokohin siya at apak-apakan. Kaya naman sa pagkakatong iyon, hindi na siya nagdawalang-isip na palayasin ito sa tirahang pinundar niya at ni Dianne.

  • Ang eksena kung saan nakikiusap si Dianne sa inang si Amanda na huwag bibitiw. Na kakayanin niya ang lahat maliban sa mawala ang kanyang sandalan at matalik na kaibigan. Sa puntong ito ay nagiging matatag pa rin siya para sa inang isinuko na ang kapalaran sa nakakataas.

  • 'Yung eksena ng rebeldeng si Coby (Coco Martin) kung saan nilapitan niya si Dianne at tinanong kung ano ba ang sakit ng ina. Itinanggi ng kapatid ang karamdaman ng ina. Nagsumamo si Coby at nagwikang, "Isali n'yo naman ako. Parte rin ako ng pamilyang ito."

    Isa ito sa highlights ng pelikula. Sa kakaunting mga salita ay naipahatid ng binata ang kanyang hinanakit, ang nilalaman ng kanyang puso na kinimkim niya sa napakatagal na panahon.

  • Nang atakihin ng kanyang sakit si Amanda, dali-daling nagtungo ang magkakapatid sa silid ng ina. Nanginginig ito sa ginaw at ginawa nilang lahat ang kanilang makakaya upang pawiin ang nararamdaman nito. Binalot nila ito ng kumot at niyakap ang iba't-ibang parte ng katawan.

    Subalit si Dianne ay nanigas sa kanyang pagkakatayo malayo sa ina. Namulat siya sa katotohanan ng realidad na mawawala na ang kanila ina. Na ito ay isang bagay na hindi niya magagawan ng paraan. Unti-unti ay lumabas ang kanyang kahinaan. Unti-unti ay nahubad ang kanyang superhero costume.

Ayaw ko:
  • 'Yung pakiramdam na nagbabase lamang ang Sa 'Yo Lamang sa tagumpay at kaledad ng Tanging Yaman. Marami sa mga eksena rito at kuha ng camera ay nakita na sa naturang pelikula. Imbes na maging distinct ito as itself ay parang naging copycat lamang sa aking paningin.

  • 'Yung pagkalunod ng ibang emosyonal na eksena sa musical scoring. Sumasabay ang lakas ng tugtog sa lakas ng hagulgol ng karakter.

  • 'Yung di magandang karakterisasyon ng halos lahat ng lalaki sa pelikula. Si Franco ay babaerong tunay. Iniwan ang pamilya para sa kanyang kerida. Pagkalipas ng sampung taon ay bumalik na walang kapatawarang hiningi. Walang dahilan na ibinigay. Ang tanging bitbit niya lamang ay ang karapatan niya bilang isang asawa't anak. Subalit hanggang sa pagbabalik na iyon ay hindi siya naging matapat sa kanyang mag-iina. Hindi niya tinapos nang maayos ang kanyang iniwang relasyon sa iba.

    Si Coby ay babaero at walang galang sa babae. Ito ang paraan niya upang mapalapit sa kanyang ama. "Idol kita," wika niya. Nagrerebelde rin siya kay Dianne na nagmamando sa kanyang buhay.

    Si James (Enchong Dee) ay napilitang magnakaw ng exams upang mapanatili ang kanyang scholarship. Pressured siya sa demands ni Dianne na maging magaling sa kanyang pag-aaral.

    Ang karakter ni Diether Ocampo bilang ex-bf ni Dianne ay nagbalik mula US. Binalikan niya ang dating kasintahan kahit pa alam niyang engage na ito sa kasintahang si Zanjoe Marudo. Bumigay si Dianne sa kanya at nalamang kinasal na pala siya sa US!

  • Sa iisang tema uminog ang kwento ng pelikula: pagtataksil. Nag-ugat ang kasiraan ng pamilya sa pagtataksil ni Franco. Bilang ganti ay nagtaksil din si Amanda at nagkaanak sa iba na pinamigay niya upang "protektahan" ang kanyang pamilya. Naging palikero si Coby. Pinagtataksilan ang mga babaeng nakakapiling niya. Pinagtaksilan ni Dianne ang kanyang fiance. Pinagtaksilan si Dianne ng kanyang ex-bf. Pinagtaksilan ni ex-bf ang kanyang asawa sa US. Paulit-ulit ang kwentong ito sa buong pelikula. Paikot-ikot sa mga karakter nito.

    Ano ba ang gustong sabihin nito? Na taksil ang mundo? Na ang pagtataksil ay nagiging inherent sa pamilya kapag may isang gumawa nito? Na pagtataksil ang sagot sa isa pang pagtataksil? Na kailangang tanggapin na isa itong normal na gawain at dapat intindihin?

    Isa o dalawang beses itong mabanggit ay maaring parte lamang ng plot. Subalit kung makailang ulit, ito na mismo ang nagiging plot ng pelikula at nagiging central theme nito. Maging ang pagbibigay ni Amanda ng anak niya sa pagkakasala ay maituturing na pagtataksil sa kanyang naturang anak.

  • Hindi ko matanggap ang dahilan ni Amanda sa pagpapaampon sa kanyang anak. Ayaw niyang magkagulo ang kanyang pamilya kung sakaling palalakihin niya ang bata na kasama ng kanyang mga anak kay Franco. Mababaw itong dahilan kung ating iisipin katulad ng kanyang pagtataksil sa asawa upang maganti. Ganito nga ba talaga siya mag-isip? Mababaw? Umiral ang kanyang pagiging makasarili sa puntong ito kahit na pilit na jina-justify na ginawa niya ito para sa ikakabuti ng bata. Natakot siyang harapin ang multong kanyang ginawa.

  • Pinasok ni Coby sa kwarto ang karakter ni Shaina Magdayao na kanyang nabuntis. Pinilit niya ang sarili rito at nang makita niya ang pagluha nito ay lumambot ang kanyang puso. Nagbago ang tingin at pakiramdam niya rito.

    May kasabihang "Never trust the words of a man in bed" dahil sasabihin nito ang pinakamamagandang salita sa oras ng pakikipagniig sa iba. Kaya paanong mapapaniwalaang totoo ang naging pagluha niya rin sa pagkakataong iyon? Na totoo ang naramdamang niya para sa dating kasintahan? Ang tagpong iyon ay hindi na nasundan ng isang pang tagpo na magpapatunay na may pagbabagong nangyari.

  • Lahat ng mga karakter sa pelikula ay flawed. Pwede itong maging para at laban sa pelikula.

    Para sa pelikula dahil pinakikita nitong totoong mga tao ang gumagalaw rito: makasalanan.

    Laban sa pelikula dahil wala ni isang karakter ang pwedeng i-emulate. Nasadlak sila sa kasalanan dahil sa kanilang ama. Subalit nasaan ang tinatawag na free will and choice para sa kanila?

    Pinili ni Amanda na gumanti sa asawang nangangaliwa. Pinili ni Coby na mag-rebelde at pagluruan ang mga babae. Pinili ni Dianne na lokohin ang kasintahan. Pinili ni James na magnakaw ng exams.

    Gayon pa man, tayo bilang manonood ay hinihiling na maging mapagpatawad sa kanila. Na tanggapin ang kanilang mga pagkukulang. Pero paano natin gagawin 'yun lalo pa sa karakter ni Franco kung hindi naman tayo binigyan ng dahilan upang tanggapin at mahalin siya ng buong-buo? Makasalanan siyang pinakilala sa pelikula at hanggang sa huli ay di siya nakitaan ng paborableng pag-uugali o kilos.

    But God's love is beyond that, ang sabi ng pelikula. Anuman ang ating pagkukulang at kasalanan, mapapatawad Niya tayo nang walang hinihinging dahilan basta't taos sa puso ang pagbabalik-loob.
Overall, disenteng pelikula naman na maituturing ang Sa 'Yo Lamang. Subalit di ko maihahanay ito bilang isa sa magagaling na pelikulang Pinoy. Hindi sapat na mapaiyak tayo ng pelikula nang makailang ulit upang masabing magaling ito. Hindi sapat na may mga stand-out performances ang mga aktor ng pelikula para masabing de kalidad ito.

P.S.
Sumasang-ayon ako kay Jessica Zafra. Hindi na natural ang mga itsura nina Lorna at Christopher sa pelikula. Hindi na gumagalaw ang noo ni Lorna samantalang parang banat na banat naman ang mukha ni Christopher. Asan na ang tinatawag na "growing old gracefully?"




Related reviews:
Oggs Cruz's Sa 'Yo Lamang
Jessica Zafra's Like the Seven Plagues, Flash-forwarded
Phil Dy's Ensemble Syndrome

Tuesday, September 07, 2010

Recommended Viewing: Hachi


Hachi: A Dog's Tale is about a dog found by Parker Wilson (Richard Gere) at a train station. They immediately formed a strong bond witnessed by everyone who knows them.

During week days Hachi would bring Parker at the station and waits till he gets off at 5 P.M. When Parker didn't come home after suffering from a heart attack and died, Hachi continues to wait for him for 10 years until its own demise when it got reunited with its master.

Make sure to have a box of tissues for this one is truly a heart breaker. Bato na lang ang hindi maiiyak sa kuwentong ito ng pag-ibig at katapatan.

Based from a true story in Japan, Hachiko was with its master from 1924-25. When its master died from cerebral hemorrhage, Hachiko waited for his return for nine years until its death in 1935. (Source: Wikipedia)

Thursday, September 02, 2010

Magkakapatid (Kim Homer Garcia, 2010)

An interpretive claim class paper on Kim Homer Garcia's Magkakapatid.

“Utang na loob” or a sense of gratitude binds the giver and the receiver once the deed has been done. It becomes a very strong bond overnight that the “needee” and the needed sometimes become indebted to each other for life. Unless one has the courage to end it, it will go on for eternity and can be passed on the generations to come.

If utang na loob is binding, what more if blood relations is present? Taken from Julio Diaz’s character’s point of view in Magkakapatid, that is where his dilemma comes in.

His youngest daughter is about to get married to a good and responsible man. He should be rejoicing, however, he is torn between gaiety and grief over the loss of his older brother who died a few days ago (and whom he hasn't seen before the burial). As his answer to his wife’s statement, “Magsaya ka dahil minsan lang ikakasal ang anak mo,” he said, “Minsan din lang mamatay ang kapatid ko.” As Filipinos, we equally value life and death, especially those of our loved-ones.

On the day of the wedding, he learns that his nephew, Caloy (Nico Antonio), killed his older brother, Lino (Jerald Napoles). As the (middle-class) uncle and the chairman of his city, it is his given responsibility to attend to such need (and crime) of his family. It is inherent that he looks after his family during a crisis no matter what the cost is. It is innate to us, Filipinos, to look after the unfortunate ones and have such kind of obligation imposed upon ourselves. So instead of celebrating his daughter’s wedding at the reception, he is at the crime scene, scrubbing the blood from his sister’s floor, wondering what has transpired during the day, and what he has to do next. He also arranges Lino’s funeral, at the same time looking after Caloy’s case. He may be a father, but he is a brother and an uncle, too, all at the same time. At such a crisis, you can never weigh which position is the strongest.

Such strong familial ties keep the Filipinos together. No matter how tough the times may be, we keep going because we know that our family is behind our backs, rendering their unwavering support. Magkakapatid shows that in life or death such bond will never be broken. As what the tag line says in the poster, "Walang kalayaan dito."



Related post:
Magkakapatid review by Oggs Cruz