Saturday, November 02, 2013

The Witty Dialogues of Ishmael Bernal's Salawahan (Regal Films, 1979)


I was confused when I saw Chris Martinez's upcoming Status: It's Complicated's teaser. I didn't understand what it's about. Characters led by Jake Cuenca, Paulo Avelino, Maja Salvador, Solenn Heusaff, and Eugene Domingo were just throwing lines at each other that you'd hardly understand (dahil sa bilis o dahil hindi mo alam ang pinanggagalingan). The point of teasers and trailers is to get at least the gist of the story and not get confused by it. I wasn't into watching it (even though I am a Chris Martinez fan) until I learned that it is a remake of Ishmael Bernal's 1979 classic Salawahan starring Jay Ilagan, Mat Ranillo III, Rio Locsin, Andrea (Sandy) Andolong, and Ms. Rita Gomez.

Immediately, I looked for my copy of the film and watched it. I was giggling in most of the scenes! It was the first time I've seen it in its entirety (I've only seen parts of it in Cinema One every now and then.) and instantly became one of my favorite Bernal movies!

To quote a friend, "Si Bernal talaga ang magaling! From camp to high art, from Pridiyer to Himala to Nunal sa Tubig!" We were just talking about Pridyider (second episode of Shake, Rattle and Roll) then and how it was a product of its time: bold genre of the '80s. It was a horror film yet it was never shy of its sexual tone. He has not seen Salawahan yet, but I'm sure that he will like it, too, as much as I do.



Here are some of the witty/campy dialogues of the film that had me giggling!

Andrea: Saan ka nagpapagupit? Ang ganda ng buhok mo, ah.
Jay: Tinatapat ko lang sa bentilador.

Rene Requiestas: Bakit hindi mo ko kaladkarin sa batalan at gahasain? 
O, diyos ko! Anong sinabi ng oblation ng UP!

Andrea: Sa New York, wala akong ibang ginawa kundi swing dito, swing doon. 
I am such a swinger, talo ko pa si Tarzan.

Mark Gil: Napakahina mo sa babae. Nakapatong na sa 'yo, tatanungin mo pa ng,
"What school are you from?"
Bongchie Miraflor: Kuya Jerry, bisita mo!
Jay: Paano mo nalaman?
Bongchie: Matanda, eh!
Jay: Pasensiya ka na sa kapatid ko. Probinsiyano 'to, eh. 
Hindi sanay makakita ng magaganda.
Rita: OK lang. Mahilig din naman ako sa mga bata. 
Lalo na kung tahimik.
Bongchie: Hello, lola!

Rita: Biologically, I'm 33. Intellectually, I'm 60. And I hope I look 18.
 Rita: How do you like my position er I mean my opinion?
Jay: Well, I respect your opinion. And I love your position!
Matt:  Bakit kayong mga babae, gan'yan? Kapag nakuha n'yo na ang lalaki, 
gusto n'yo siyang baguhin? Kung babaguhin n'yo rin lang ang lalaki, 
bakit n'yo pa nagustuhan in the first place? It doesn't make sense. 
Kung nagustuhan n'yo s'ya, dapat for the way he is, 
not for the way he will be.

Rita: Girlfriend ako ni Jerry.
Andrea: Same to me.
Rita: Hindi ba tayo magko-confrontation?
Andrea: 'Wag na lang. Nakakatamad, eh.
 Rio: I hope you understand. I'm impulsive. I'm only 18.
Andrea: Parehas lang tayo. I'm only 20.
Rita: Ako, I'm hungry.

Last screencap doesn't include any caption because it is purely visual! Two words to describe it: Mark. Gil. See for yourself!


Salawahan was one of the finest performances of THE Ms. Rita Gomez. She was memorable in every scene. I wonder how Eugene Domingo will do in this role (even if she is already an established actor). Para ngang nababataan pa ako sa kanya para sa role. Even then, mahirap ding isipin kung sino ang puwedeng gumanap sa role na ito. Jaclyn Jose perhaps?

Saturday, April 13, 2013

Ang Mukha Ng Bading Sa Pelikulang Filipino Sa Bagong Milenyo

A Paper On Queer Cinema Course In UPD

Malaki na ang pinagbago ng mukha ng bading sa pelikulang Filipino simula ng lumabas sila sa mga katatawanang pelikula noong dekada singkwenta. Nagpumiglas na sila sa kahon ng pagiging malambot, parlorista, at cross-dressers hanggang sa pagiging everyday Joe na ang gawi ay tulad ng isang straight na lalaki.

Nag-ibang anyo at kilos man, nagbagong tunay nga ba ang portrayal ng pagiging bading sa Pelikulang Pilipino?

Ang mukha ng bading sa pelikulang Filipino ay nag-transform mula kina Facifica Falayfay (Dolphy) at Petrang Kabayo (Roderick Paulate) noong ‘60s at ‘80s, sa mga karakter ni Lino Brocka at mga derivatives nito kung saan napapaloob ang kwento ng buhay nila sa mundo ng mga nagbebenta ng aliw noong ‘80s-‘90s, hanggang sa pag-emerge ng mga (initially) self-loathing gays ni Cris Pablo ngayong ‘00s, kasama si Maxie (Nathan Lopez) ni Aureaus Solito, ang batang bading, at sina Mark (Luis Manzano) at Noel (John Lloyd Cruz) ni Olivia Lamasan, ang working class, straight-acting gays sa pagtatapos ng dekada. Ang mga karakter ng mga bading ay nagbabago depende sa may gawa nito at ang kanilang mga karanasan sa pagiging bading o pakikisalamuha sa kanila.

Sa mainstream cinema, sumulpot si Gerry (Ricky Davao) sa “American Adobo” (Laurice Guillen, 2003), isang working class citizen sa US na produkto ng Martial Law sa Pilipinas. Hindi siya lantad sa kanyang mga kaibigan maliban sa isa. May bahid man ng pagkamalambot, papasa pa ring siyang straight sa mundo ng mga heterosexual. May kinakasama siyang lover na may sakit na AIDS. Hanggang sa pumanaw ito, siya ang nag-alaga rito. Dito ipinakita ang pagiging maalaga at loyal ng mga bading pagdating sa pag-ibig.

Hindi man stereotyped na bading si Gerry, ang mundo naman niya ay punong-puno ng stereotypes: tulad na lamang ng sakit ng kanyang lover na associated as gay disease. Sa huli ay mag-isa pa rin siya sa mundo ng mga “couples.”

Sa pelikulang “Minsan, Minahal Kita” (Lamasan, 2000), si Jackie (Carmina Villaroel) ay isang lantad na lesbyana na may kinakasamang babae. Dahil dito ay itinuring siyang abnormal ng kanyang ina at halos ikumpara ito sa pakikiapid ng kanyang kapatid na si Diane (Sharon Cuneta), may asawa, sa isa pang may asawa, na isang imoral na gawain. Ang mas matindi pa rito ay itinuring na siyang patay ng kanyang ina. Hanggang sa matapos ang pelikula ay hindi na niya naitaas ang tingin ng kanyang ina sa kanyang pagkatao.

Kahit ganu’n man ang nangyari, maligaya siya sa kanyang relasyon sa kanyang kasintahan. Isa itong positibong pagtingin sa lesbian relationship dahil ang mga heterosexual relationship sa kanyang paligid ay nagkakasira. Maging ang kanilang ina ay nagtiis sa kanyang naging dalawang asawa just to stay married and be at a “straight” path. Sinasabi nitong hindi baleng maging miserable basta’t nasa itinuturing na “tamang daan” na hindi sinang-ayunan ni Jackie. Hindi niya kayang maging miserable sa isang bagay na alam niyang hindi magpapasaya sa kanya. Isa itong empowering image para sa mga lesbyana.

Sina Mark at Noel sa “In My Life” (Lamasan, 2009) ay nagpakita ng kaibang pagganap ng mga bading. Straight-acting sila at nasa isang give-and-take relationship. May active-passive roles na gaya sa mga heterosexual relationship, subalit nagdadamayan bilang magkatuwang sa buhay. Walang nanggagamit at walang nagpapagamit.

Gayon pa man, ang may gawa nito (Star Cinema) ang siyang nagtakda sa kung ano ang dapat ipakita sa manonood sa sinehan ukol sa kanilang relasyon. Ang theatrical version ng pelikula ay tinanggalan ng mga key (intimate) elements sa relasyon ng dalawa onscreen (na mapapanood sa DVD nito) na parang sinasabing hindi pa handa ang mga manonood para sa mga ganu’ng bagay. Kaya naman pagdating sa “hyped-up kiss” sa may tulay ay naghagikgikan ang mga (straight na) manonood. Bilang isang bading, pagtatakhan mo kung bakit kailangang pagtawanan ang isang bagay na natural lamang sa nagmamahalan. Ito nga ay dahil sa ang mga producer na mismo ang naglilimita sa mga maaring ipanood sa audience at nagdidikta sa kung ano ang matanggap nila at hindi. Imbes na kakitaan tuloy ng lambing at pagmamahalan ang eksenang iyon, naging katawa-tawa ito sa mapanuring manonood. (Isa rin ito sa dahilan kung bakit hindi nagma-mature ang ating audience.)

Bukod pa sa nabanggit, ramdam ko rin na may implikasyon din ang naging sakit ni Mark—colon cancer na nag-ugat na rin mismo sa pagkakaroon nito madalas ng diarrhea nu’ng bata pa ito. Sinasabi ba nito subtly na may kinalaman ang sakit niya sa bahagi ng katawan na ginagamit niya for sexual pleasure? At nakaligtas man si Mark sa sakit na ito ay namatay naman siya sa ibang paraan, thus leaving Noel alone just like Gerry. Sinasabi ba nitong walang nagtatagal sa mga relasyon ng bading? Na sa huli ay iiwan ka pa rin ng minamahal mo? (I might be reading too much into it, but it’s how I see it. We should really be careful with what we put out there.)

(Sabi ng prof ko, a butt or a penis is likely to be seen on screen rather than a kiss between two men. This is because a kiss is threatening to a straight audience, from "The Celluloid Closet." A kiss elicits a strong emotional response from an audience. Kapag ba kinilig ang mga straight, ibig sabihin ba nito ay bading na rin sila? If they enjoyed it, does it mean that they are encouraging it? Magkaka-possibility rin ba na pwede nila itong gawin?)

Subalit tulad nga nang sabi ng karakter ni John Lapus na si Toffee sa “Here Comes the Bride” (Chris Martinez, 2010) kung saan pumasok siya sa katawan ng isang babae at ayaw na niyang lisanin ito, “Hindi n’yo ako maiintindihan dahil hindi kayo bakla!” Ang mga naturang filmmakers ay straight kaya hindi nila maka-capture ng buo ang sensibilities ng pagiging bading. (No matter how much they are surrounded by gays. The same way that gays won't truly understand how it is to be straight.)

Sa independent cinema, nangahas gumawa ng mga pelikula si Pablo ng mga kwento tungkol sa mga bading para sa bading na gawa ng isang bading. Sa kanyang mga naunang pelikula (“Duda,” 2003; “Bath House,” Bilog,” 2005), ang bading ay laging may pangangailangan na ipaliwanag ang kanyang sarili sa mundong kanyang ginagalawan at sa kanyang manonood. Kadalasan ay binibigyan niyang dahilan ang kanyang pagiging bading at humihingi ng pang-unawa sa kanyang pagkatao. Sinasabi nitong hindi kasalanan ng isang tao ang pagiging bading kaya hindi siya dapat itatwa, hamakin, at pagtawanan ng lipunan. Subalit bakit ka hihingi ng simpatya sa mga tao kung alam mong hindi mo ito isang pagkakamali? At bakit ka magpapaliwanag sa kapwa mo bading? Ito ba ay tangkang itaas ang moral ng mga bading o sadyang tina-target ang mga straight audience?

Isa sa kapuri-puri na gawa ni Pablo ay pagpapakita niya ng halos lahat ng klase ng bading sa kanyang mga pelikula—effeminate, straight-acting, butch, pa-mhin, parlorista, cross-dressers, etc. Hindi niya nililimitahan ang sarili niya sa iisang klase ng bading, bagkus ay piniprisinta ang iba’t-ibang mukha ng bading. Well-represented, ‘ika nga kahit pa stereotyped kung minsan.


(Yes, very diverse ang mundo ng mga bading. No wonder na nawi-windang ang mga straight sa kanila! Hindi na sila mailagay sa iisang description.)

Nagbago naman ang takbo ng kwento ng mga sumunod na pelikula ni Pablo. Subalit natuon ito sa mga sexual escapades ng mga bading kahit pa wala itong ganoong kwento. Dito ay napagsamantalahan niya hindi lamang ang kanyang mga artistang handang maghubad for a price, maging ang mga bading na manonood na handang gastusin ang kanilang pinaghirapang pink money para lamang sa makapanood ng hubarang lalaki sa lalaki onscreen. Maituturing na itong softcore porn na hindi lamang si Pablo ang may gawa kundi ang iba pang nagsulputang gay filmmakers.

(Like what my professor asked, is it a matter of quantity or quality? Enough ba na maraming kwentong bading sa pelikula? Kung minsan nga ay nilalagyan na lang ng gay angle ang isang istorya para lang bumenta sa mga bading. "In My Life," in the end, is not about the gay couple, but a mother's journey in aging life.)


Noong 2005 ay lumabas ang isang well-adjusted na bading sa pagkatao ni Maxie. Siya ay isang teenager na walang hang-ups sa kanyang pagiging bading. Maging ang barako niyang pamilya (ama at dalawang kapatid) ay walang problema sa kanyang pagkatao at itinuturing pa siyang prinsesa. Kailanma’y hindi sila naringgan ng masasamang salita ukol kay Maxie.

Isa rin siyang contributing individual sa komunidad dahil sa pagtulong na ginagawa niya sa kanyang kapwa. Maliban sa pagiging inexperienced sa pag-ibig, wala na siyang intindihin pa sa mundo.

Sa pelikulang “Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros,” ipinakita ni Solito ang mundo kung saan kabilang ang bading sa isang pamilyang nagmamahalan. Walang pangungutya at hindi siya tino-tolerate lamang kundi tanggap siya ng lubusan. Sila rin ang maituturing na bagong mukha at henerasyon ng mga bading kung saan hindi kunukwestiyon ang kanilang sekswalidad, bagkus ay pinangangalagaan at pinagyayabong.

(Maximo has broke barriers din sa audience. Straight man o bading, natuwa sa kanyang kuwento. Bakit nagkaganito? Dahil pinakita si Maximo bilang isang harmless na bading. Maternal pa nga ang kanyang characterization. Inalis nito ang stigmatized character ng mga bilang sa pelikula bilang monters o victimizers. The question is, is it good or bad when you make the gay a non-sexual character?)

Subalit malaking bagay rin ang mundong kinabibilangan ni Maxie sa pagtanggap sa kanya. Siya ay napapabilang sa mga mahihirap kung saan, kadalasan sa totoong buhay, ang mga tulad niyang bading ang siyang nag-aakyat ng pera sa pamilya. Dahil dito, ang kabadingan ay hindi nakukuwestiyon dahil sa naidudulot nilang tulong sa pamilya. Ito nga ba ang tunay na mukha ng pagtanggap?


Ang mukha ng kabadingan ay patuloy na nagbabagong-anyo sa pelikulang Filipino tulad na lang sa pagtuklas ng mga tao na may iba’t-ibang mukha talaga ng bading sa tunay na buhay. Kay Jay Altajeros (“Ang Lalake Sa Parola,” 2007; “Little Boy/Big Boy,” 2009), ang kanyang mga bading ay straight-acting, working class individuals na mula sa middle-class families. Wala siyang isyu sa kanyang sekswalidad. Nagagawa niya ang kanyang gusto. Tulad ng ibang heterosexuals, problema niya rin ang pananatiling malakas ang relasyon sa kanyang kasintahan.


Kay Joel Lamangan (“Walang Kawala,” 2008; “I Luv Dreamguyz,” 2009), ang kanyang mga bading ay mula sa struggling class kung saan ginagamit ang kanilang sekswalidad upang kumita ng pera para mabuhay ang sarili at ang kanilang pamilya. Hanggang ngayon ay pinagpapatuloy pa rin niya ang "legacy" na nasimulan ng "Macho Dancer" (1988) ni Brocka. Nag-iba lang ang kwento, pero iisa pa rin ang kasuotan.


Kay Monti Parungao (“Bayaw,” 2009; “Santuaryo,” 2010), ang kanyang mga bading ay mga "straight" na nakikipagtalik sa kapwa lalaki para lamang makaraos. So, theoretically, hindi sila mga bading. Isa ito sa malaking problema ng kanyang characterizations na hindi lamang offensive sa mga bading, kundi maging sa mga straight na lalaki na pinakikitang hindi nag-iisip kapag tinamaan ng libog sa katawan.

Malayo na ang narating ng kabadingan sa pelikulang Filipino mula nu’ng ‘50s. Hindi na sila maikakahon sa iisang characterization na lamang. Hindi na sila ginagawang sentro ng katatawanan o breather sa pelikula (maliban na lang sa ilang mainstream movies), subalit parte na sila ng istorya. Hindi na sila maituturing na best friend o sidekick lamang ng bida, kundi sa kanila na mismo umiinog ang kwento ng pelikula. (Sa ngayon, sila na ang may best friend sa pelikula--ang fag hags na tinatawag.) May mga stereotyping pa rin paminsan-minsan (tulad na lang ng mga gawi ng karakter ni Manzano sa “In My Life” tulad ng mahinhing hagikgik at malambot na bali ng kamay), subalit kapata-patawad na ito in favor of a good story at maayos na representasyon.

Ang bading sa pelikulang Filipino ay patuloy na nag-e-evolve at nagbabagong-anyo ayon sa pangangailan ng kanyang manonood. Sa katunayan, sa panahong ito, ang mga pelikulang may kwentong kabadingan (directly or indirectly) ang siyang nagpapanatili sa naghihingalong industriya na nagha-highlight kung gaano ka-importante ang mga bading sa komunidad.

Tuesday, April 09, 2013

Ang Babaeng Birhen sa "Kailan Sasabihing Mahal Kita" (Garcia, 1985)

Ang pagiging "wholesome" ang naging bentahe ni Sharon Cuneta sa pelikula. Ang kaniyang imahen ay uminog sa kanyang sinasabing natural sweetness at pagiging ever-obedient, ever-loving daughter ng kanyang mga magulang. Pumasok sa kasagsagan ng bold era, maaaring siniguro ng mga taong nakapaligid sa kanya na tataliwas siya sa pinapakitang laman ng mga pelikulang kabilang sa naturang era. Sa kanyang first years in show biz, hindi siya kailanman sumubok na magpakita ng laman. Madalas ay balot na balot ng kasuotan ang kanyang katawan kahit siya pa ay nasa beach--in contrast sa mga kaibigang kasama niya na nakasuot ng swimsuit. (Though more than her supposedly wholesome image, Sharon is said to have not enough confidence in wearing swimsuits at that time.) Hindi rin siya nakipaghalikan sa kanyang mga leading men. Malaki ang pagpapahalaga ng kanyang (mga) karakter sa dangal ng kanyang pagkababae. Sa madaling sabi ay epitome ng pagiging birhen (virgin) na siyang bukod tanging pinahahalagahan ng kanyang karakter (at mga nakapaligid sa kanya) sa pelikulang Kailan Sasabihing Mahal Kita (Eddie Garcia, 1985).

Nagsimula ang suliranin ni Arra (Sharon) nang makita siya ng kanyang Auntie Teresing (Virgie Montes) na palabas ng motel habang nakasakay sa sasakyan ng kanyang kasintahang si Henry (Joel Alano). Galit na galit ang kanyang amang si Bob (Eddie Rodriguez) nang malaman ito. Halos bugbugin siya nito sa galit na hindi pa sasapat dahil para rito ay hindi na kailanman malilinis ang duming nilagay nito sa kanilang pangalan. Kahit pa buong tangging sinasabi ni Arra na walang nangyari sa kanila ni Henry at handa siyang magpa-check up upang mapatunayan ito ay hindi siya pinaniniwalaan ni Bob. Ang pakasalan siya ni Henry ang magiging solusyon lamang sa kahihiyang dinulot nito sa kanya.

Sumugod si Bob at ang kanyang pamilya sa tirahan nina Henry at ng kanyang mga magulang. Nagwawala ito at pinagsisigawang kailangang pakasalan ni Henry si Arra. Subalit tinatago si Henry ng kanyang mga magulang. Hindi pa silang handang ipakasal ang kanilang anak, at hindi rin sila nakakasisigurong si Henry ang nakauna kay Arra.   

Naging hopeless si Bob. Kailangang may magpakasal kay Arra upang maisalba ang kanilang dangal. Nagdesisyon silang ipakasal ito kay Romy (Vic Diaz) na 25 years ang tanda rito at "pagkapangit-pangit," ayon sa isang kakilala.


Naging desperate si Arra. Hindi niya gustong makasal sa taong hindi niya mahal. Tila death sentence ito para sa kanya.Naisip niyang maglayas. Sa tulong ni Jake (Christopher de Leon) ay nagpunta siya ng Maynila upang malayo kay Romy at sa kanyang pamilya. Sa kanyang paglalayas ay panibagong pagsubok na naman ang kaniyang kinaharap subalit hindi na siya mag-isang humarap dito. Kasama na niya si Jake na humarap sa mapaghusgang pamilya at lipunan.

Tila na-time warp ako sa panonood ng pelikulang ito. '80s ito subalit pakiramdam ko ay naka-set ito noong '50s. Hindi ako makapaniwala sa mga ideolohiyang napapaloob dito kung saan ang virginity ng babae ang pinakamahalaga above all else. Hindi na mahalaga kung siya ba ay mabuting tao. Sa oras na mawala ang kanyang iniingat-ingatan virginity ay nawawala na rin ang kanyang halaga sa lipunan. Mababa ang magiging pagtingin sa kanya at kukutyain na tila may dalang nakakahawang sakit. Kahiya-hiya na siya maliban na lamang kung pakasalan siya ng lalaking umangkin sa kanya o isalba ng ibang lalaking tatanggap sa kanyang "kakulangan".

Ang pelikulang ito ay tila komentrayo sa itinuturing na "loose morals" ng mga kabataan at lipunan at maging sa mga namamayagpag na tema ng pelikula sa panahon iyon. Sa isang eksenang pag-uusap ni Jake at ng kanyang ina na si Amelia (Armida Siguion-Reyna), wika ni Amelia ay wala nang tinatago ang mga babaeng nasa pelikula ng ECP (Experimental Cinema of the Philippines). "Sa panahon ngayon ay mahihirapan ka nang humanap ng birhen," dagdag nito. Sa kabilang banda, sa umpisa ng pelikula, si Arra ay nagsabi kay Henry, "Premarital sex is wrong."

Hindi naman masamang bigyang kahalagahan ang virginity ng isang babae (o maging ng isang lalaki). Isa itong paniniwalang dapat irespeto. Subalit ang hindi katanggap-tanggap para sa akin ay ang iangkla mo ang iyong buong pagkatao rito (at paniwalaan ito ng lahat). Na tila ito na ang kaisa-isang bagay na dapat pahalagahan at pagkaingatan. Na tila kasabay ng pagwala nito ay ang pagkawala ng iyong pagkatao at respeto sa sarili (at ng ibang tao sa iyo).

Pinakasalan ni Jake si Arra upang iligtas ito sa kahihiyan. Pagtatanan ang tingin ni Bob sa ginawang pagsama ni Arra kay Jake at hindi niya matatanggap ang anak kung hindi ito pakakasalan ng lalaki. "Kasal sa papel" ang tawag nina Arra at Jake dito sapagkat nagpapanggap lamang sila. Makalipas ang dalawang taon ay ipapasawalang-bisa nila ito. Bukod pa rito ay engaged si Jake kay Arriane (Cherie Gil).

Sa dulo ay hinarap na rin ni Arra ang katotohanan. Sinabi niyang "peke" ang kanyang naging kasal kay Jake. Hindi na niya kayang magpanggap pa at hiyang-hiya na sa kanyang ginagawang pagsisinungaling. Mas ninais pa niyang harapin ang panibagong galit ng ama kaysa idamay pa ang ibang tao sa isang suliranin na dulot lamang ng maling paniniwala at kahinaan niya ng loob. Sa kabila ng mga hindi magandang pangyayari nagkaroon ng malaking pagbabago kay Arra. Nakita niyang ang mga values na dapat mas bigyang-halaga (ang pagiging totoo sa sarili at sa ibang tao) at ang ipaglaban ang sarili sa maling paniniwala ng iba.


Nakakatawang isipin ang pagpapahalagang binibigay ng pelikula sa virginity subalit binabalewala lamang ang pagiging sagrado ng kasal. A way out lamang ang turing sa kasal at wala ng iba pa. Ano ba ang tinatawag na "kasal sa papel" gayong nagsumpaan sila sa harap ng altar? Hindi ba binibigyang halaga ang mga sumpaang binibitawaan sa harap ng altar? Mas mabuti bang maging birhen kaysa maging sinungaling at mapagpanggap? Mas mabuti bang magpanggap sa harap ng altar kaysa pag-usapan ng mga tao sa paligid? Mas mahalaga ba ang sasabihin ng iba kaysa sa sinasabi ng anak?

Are these the values we should put premium on?

Saturday, April 06, 2013

The Oddity of "Cross My Heart" (Garcia, 1982)

When asked what she considers her worst film, Sharon Cuneta mentioned Cross My Heart (Eddie Garcia, 1982) and The Lilian Velez Story (Carlo Caparas, 1995) in her The Philippine Star interview in 1999. It would be easy to understand why because it seems that both films are those that can be considered as odd one out (in this case, odd "two" out) in her string of works. While I wouldn't disagree on Lilian... (I'm sorry, Rafael. I know this is your favorite.) as topping the list, I would beg to differ with Cross...

Cross My Heart is a screwball comedy. Its plot wouldn't be simple to define given the situations seen on the film. Though, if one would think about it, the plot is really just about four people in love and how they come together. What is complicated to describe are the series of events that would come before them that are not aimed to move the plot but stall it. Such events almost border on the ridiculous and absurd that would be a challenge to accept if one would take it seriously. Sa Filipino ay maari itong tawaging "makulit." At ang kakukilitan ay puwedeng katuwaan o kainisan. Samakatuwid, ang isang screwball comedy ay maaaring magustuhan ng manonood o hindi. There is no in between.

A screwball comedy had its history in the Depression era. It is an escapist form of entertainment where comedic events are described as crazy, lunatic, eccentric, ridiculous, and erratic. It is often light-hearted, frothy, and farcical. However, given such, it's theme is not to be taken lightly. Kadalasan, partikular na noong una itong lumabas, naglalaman ito ng mga komentaryo tungkol sa class at gender na dinaraan na lamang sa katawa-tawang pamamaraan. Sa ganitong paraan ay tinatago ang nais sabihin ng pelikula lalo na't mahigpit ang censorship noon. (Read more on Screwball Comedy here.)

Malayo na rin naman ang narating at pinagbago ng screwball comedy. It may not be as sophisticated and witty as before, but the essence of it still stands. Puno pa rin siya ng kalokohang magpapahagikgik sa manonood o makakapagpainit ng ulo. One recent film of such in the Philippines is Mae Czarina Cruz's Every Breath You Take (2012) which reminded me of films that Barbra Streisand used to make in the '70s-'80s.


One characteristic of a screwball comedy is its quirky characters. Ang Cross My Heart ay namumutiktik nito mula sa mga pangunahing tauhan nito hanggang sa mga bagay na nagsisilbing ekstensiyon nila. Unfortunately, ang dalawang artistang binebenta ng pelikula na sina Sharon (bilang Jenny) at Rowell Santiago (bilang Cris) ang siya pang pinakamatabang sa lahat ng nakapaligid sa kanila. Ang tanging masasabi lang na kakaiba sa kanila ay ang kani-kanilang kasintahan na mga karakter ding maituturing at ang kakarag-karag na sasakyan ni Cris.

Ang puso ng pelikula ay nasa kuwento ng pag-iibigan nina Cecille (Charito Solis) na tiyahin ni Jenny at Noel (Nestor de Villa) na biyudong ama ni Cris.

Matandang dalaga si Cecille ngunit umaasa pa siyang makakahabol siya sa biyahe. Napokus ang kanyang atensiyon sa kanilang restaurant business at sa kaniyang pamangkin. Napagtanto niyang handa na siyang bigyang-halaga naman ang kanyang sarili. Nakipag-penpal siya sa isang German at nagpanggap na 25 years old lamang dahil ito ang limitasyon ng edad na hanap ng German. Ibinuhos niya ang kanyang mga pangarap dito at umasang sapat ang pagmamahal ng German sa kanya para siya ay tanggapin at mapangasawa. Subalit siya pa pala ang magugulat nang makita niya ito. Singlaki ito ng elepante at may nakapilang mga Filipinang pagpipilian. Hindi lamang sama ng loob ang kanyang naramdaman kundi kahihiyan sa kanyang desperation.

Samatala, si Noel ay may fashion sense na tila nagmula pa noong unang panahon. Hindi siya bumibili ng bagong damit at pinapasulsihan na lamang ang mga luma sa ina niyang si Chiquita (Chichay) kung ito'y nasisira. Hangga't may pakinabang pa siya sa isang bagay at hindi pa totally nagre-retire, hindi niya ito itatapon at patuloy na gagamitin. Praktikal lamang daw siya at matipid. Subalit pagiging kuripot at mahigpit sa pera ang tawag dito ni Chiquita.

Nang makita ni Cecille si Noel ay tila love at first sight ang kanyang naramdaman. Nagkaroon siya ng panibagong pag-asa. At ginawa naman niya ang nararapat upang iparamdam kay Noel ang tibok ng kanyang puso kahit pa sa umpisa'y tila dense ito at walang muwang sa kaniyang pinapahiwatig.

On the side is the romance between Jenny and Cris. Ang lumang kotseng pupugak-pugak ni Cris ang nag-introduce sa kanila sa isa't isa at naglapit sa kanila hanggang sila ay maging magkasintahan. Dumating na nga sa punto ng pelikula na tila over extended na ang running joke tungkol sa kotse na ito, subalit hindi maitatangging malaki ang ginagampanan nito sa pag-iibigan ng dalawa. Tila isa siyang piping saksi sa kung paano namumukadkad ang relasyon nina Jenny at Cris.


Prior to Jenny and Cris's relationship, they are both involved with other people. Jenny is in a relationship with Ryan (Raymond Lauchengco) who seems to know more about chess and the moon rather than his girlfriend. Nakakaaliw ang eksena kung saan confident na confident siyang nagbibigay ng detalye tungkol sa buwan na hindi alintana ang kanyang lisp. Si Cris naman ay may kasintahang socialite na si Vanessa (Lampel Luis) na hindi tumatangging sumakay sa bulok na sasakyan ng boyfriend subalit hiyang-hiya na makitang nasakay siya rito. Tinatakpan niya ang kanyang mukha sa tuwing nakasakay siya rito.

Bukod sa kanila ay nandiyan din ang makulit na manliligaw ni Jenny na si Jayson (JC Bonnin). Hindi siya sineseryoso ng dalaga sapagkat bata pa ang tingin niya rito. But Jayson insists that he is already man enough to have Jenny as his girlfriend. "Tinutubuan na nga ako ng balahibo... sa binti," he would say.

Such risque dialogue is also a characteristic of a screwball comedy. Kadalasang may mga sexual tones ang mga linyang binabato ng mga karakter. May ilan ding ganitong klase ng linya sa pelikulang ito na sinasambit nina Cecille at Noel upang ipahayag ang intensiyon nila sa isa't isa.


Another characteristic of a screwball comedy is mistaken identity. Nagkaroon ng kidnapping at inakala ng kidnappers na ang ang dalawang magkasintahan ang kanilang target. Sinundan ito ng funny antics at slapstick jokes ng mga kinikilalang komedyante ng ating bansa na pinangungunahan nina Panchito bilang Ninong (o Godfather), Babalu, at Palito (na pare-parehong sumakabilang-buhay na sa ngayon).

Cross My Heart is a fun movie to watch so long as one wouldn't expect much from it. Or, one should know what to expect from it to be able to enjoy it. (It pays to know the genre it comes from.) Hindi kailangang pagtagni-tagniin ang mga pangyayari dahil wala naman itong sense of logic to begin to with. Ang maaaring naging failure nito para maging isang tunay na magandang pelikula ay ang pagsentro nito sa kuwento ng kanyang pangunahing bida gayong wala namang masyadong bigat ang kanilang love story. Still, it churned out great performances from its actors that made it more bearable and lovable.


(One scene that seems to be the oddest among the odd situations in the film is the "t-shirt" scene where Jenny and Cris expressed their feelings for each other. It springs out of nowhere and without context. It is neither a dream sequence or a fantasy one. Parang nilagay lang upang magpakilig ng fans ng tambalang Sharon at Rowell. Though it fails miserably dahil wala namang itong pinanggalingan. Ironically, odd siya isang odd na pelikulang mga maraming odd moments. Ang odd, 'no?)





Friday, April 05, 2013

"Nang Iniwan Mo Ako" (Reyes, 1997): The Unclichéd Cliché

If one were to see Kahit Wala Ka Na (Emmanuel Borlaza, 1989) and Nang Iniwan Mo Ako (Jose Javier Reyes, 1997) successively, one would immediately assumed that the latter is a reworking of the former. Both penned by Joey Reyes, Nang Iniwan Mo Ako seems to be an updated version of the 1989 film. All the elements are present. Each being a product of history, it caters to the demands of its time.

The Joey Reyes-Sharon Cuneta tandem seems to come up with works that I would consider underrated. Hindi siya masyadong nabibigyan nang nararapat na pansin dahil natatabunan ito nang mas maingay na trabaho ni Sharon sa taong iyon. Sa Hirap at Ginhawa (Leroy Salvador, 1984), another Reyes writing, is far better than Dapat Ka Bang Mahalin? (Borlaza, 1984). Subalit ang pagbabalik-tambalan nina Sharon at Gabby Concepcion sa nasabing huling pelikula ang mas pinaboran. (The former though is another Sharon-Gabby starrer.) Mas napansin ang pagganap dito ni Sharon dahil ito ang kanyang unang sabak sa adult role.

Ang Kahit Wala Ka Na ay kasabayan ng Babangon Ako't Dudurugin Kita na isang pelikulang dinirehe ni Lino Brocka. Isang inapi subalit lumabang asawa ang papel ni Sharon dito na maituturing na isa sa highlights ng kanyang career. Madrama ang tema ng pelikula. May iyakan, intriga, at aksiyon. Sinamahan pa si Sharon ng mga de kalibreng artista katulad nina Christopher de Leon, Hilda Koronel, at Bembol Roco na kapwa hinubog sa mga kamay ni Brocka. A grand film with an acting ensemble.

Samantala, Madrasta (Olivia Lamasan, 1996) ang sinundan ng Nang Iniwan Mo Ako kung saan nanalo si Sharon ng grand slam best actress. It was a breakthrough performance for she had never exhibited such subtle acting in any of her films before. Hindi magalaw, hindi exaggerated. Tahimik na nagdurusa at lumalaban. To be the one which follows it would be such a feat. Kuwento nga ni Reyes, "We were pressured to elicit a performance which would match Madrasta. At the same time, not look like it. She delivered exactly what I wanted because she is such an intelligent woman (De la Cruz 321)." Thus, he considers it to be one of the films he derived most satisfaction from.

I, myself, consider Nang Iniwan Mo Ako as one of his best works. In fact, his team up with Sharon are all noteworthy including their last effort Kung Ako Na Lang Sana in 2003.  They are my favorite among all Sharon films. Being friends with Sharon, he is able to translate her (real and reel) character well onscreen particularly in their last two films together.

Ang Nang Iniwan Mo Ako ay kuwento ng maybahay na si Amy. Ang mundo niya ay umiinog lamang sa kanyang asawa na si Anton (Albert Martinez) at anak na si Samuel (Valentin Simon). She attends to their needs like a subservient horse to its master. At katulad ng isang kabayo, nakatakip din ang kanyang mga mata kung kaya hindi niya nakikita ang mga nangyayari sa kanyang paligid. When Anton leaves her, she is stunned. While everyone around her seems to be in the knowing, she seems to be oblivious about the philandering ways of her husband.

Tila naputulan ng kamay at paa si Amy sa paglisan ni Anton. Hindi niya malaman ang kanyang gagawin sapagkat inangkla niya ang kanyang buhay sa asawa. Sa pag-alis nito ay tila bahagi ng kanyang buhay ay namatay rin. May mga pangarap na naglaho. May mga kinabukasang hindi na maisasakatuparan. Paano na siya kung ang araw na iniikutan ng kanyang mundo ay wala na? Saan siya kukuha ng lakas? Saan siya maghahanap ng liwanag?

With the help of her family and friends, Amy slowly picks herself up. Mahirap sa simula subalit natagpuan niya rin ang kanyang sarili. Napagtanto niyang huwag iasa sa iba ang kanyang kaligayahan at seguridad maliban sa sarili lamang sapagkat hindi siya tunay na magiging maligaya kung hindi buo ang kanyang pagkatao.

The movie's message sounds like a cliché, but for a Sharon Cuneta movie, it isn't. Kadalasan ay umiinog ang mundo ng karakter ni Sharon sa kanyang kabiyak, wawaglit upang hanapin ang sarili, at muling magbabalik sa piling ng lalaki. Nang Iniwan Mo Ako aims to be different, at ito ang nag-angat sa iba pang mga pelikula ni Sharon. (Or other Pinoy films for that matter.) It is true to its core and adheres to what it says.

Si Mike (Matthew Mendoza), ang divorce lawyer ni Amy, nang lumaon, ay umibig at nagtapat ng pagmamahal kay Amy. Subalit hindi ito tinanggap ni Amy. Mayroon na rin siyang pagtingin sa binata, ngunit hindi niya nais makipagrelasyon kaagad dito gayong nag-e-enjoy pa lamang siya kanyang newly-found peace and contentment. But she isn't closing her doors on him. She asks him to wait until she's ready.

On the other hand, Anton apologetically comes back to Amy. Nagpahayag ito ng kanyang pagnanais na mabuong muli ang kanilang pamilya. Ito ang araw na kanyang pinakahihintay sapagkat umaasa siyang babalikan din sila ng kanyang asawa. But instead of relief, she feels sadness. Sa kanyang pagkawala ay natututunang niyang mahalin ang kanyang sarili. Sa kanyang pagkawala ay natuto siyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Eventually, she has stopped loving him. She has stopped needing him. Thus, unlike with Mike where there is a promise of relationship, she ended it with Anton.

This is a rare occasion in Philippine cinema where the wife rejects the apologetic husband. As a nation which gives importance to the sanctity of marriage, oftentimes, we put the vows above everything else. But what is a marriage if one can’t keep the vows anymore? Should a wife be thankful and accepting just because her husband learned from his wicked ways even if she has lost all respect and love for him? Just because you have a marriage to maintain?

This ending didn't sit well with the censors. Reyes relates, "They wanted to slap an adult rating because Sharon Cuneta rejected her husband. ... It's even worse than censoring sex. They think that it's morally wrong for the maltreated wife not to take her contrite husband. I think that attitude is more dangerous than showing boobs (De La Cruz 313)."

Nang Iniwan Mo Ako is pro-woman all the way and “pro-choice” to say the least. Amy is a picture of a woman who lost herself and finds her way back because of a man—when he marries her in the beginning and when he left her later on. Natuto siyang tumayo kung saan siya nadapa.

Maski ang keridang si Olive (Dindi Gallardo) ay malayong-malayo sa loka-lokang si Debbie (Cherie Gil) sa Kahit Wala Ka Na at sa kadalasang imahen ng mga kerida sa pelikula. She is a woman who refuses to be under any man’s power. Nalalaman niya ang kanyang gusto at kinukuha niya ito. Kung sakaling hindi magtagumpay ang relasyon niya sa lalaki, hindi siya nagpapalunod sa dramang dulot nito. She ends it and moves on. Kinikilala niya ang sariling halaga at nararapat lamang na tanggapin ito ng lalaking pakikisamahan niya. She will never be the obedient wife. She is too intelligent for that.

Dagdag pa rito ay ang conscious effort ni Reyes na ipasok sa storyline ang lumalaking timbang ni Sharon. Wika niya, "Sharon was asking me if she should lose weight for this role, to become svelte and sexy at the end. I said no. ... I said you should glow because you have self-confidence in the end. You don't glow because you've become sexy. That's so chauvinist. If you've become slender and beautiful for a man, you're still not happy. But if you're fat and happy, you're beautiful. Because you know who you are. And you know you're worth (De la Cruz 312)." Obviously, hindi tanggap ni Reyes ang superficial na pagtingin sa timbang. Hindi nito nasusukat ang pagkatao. At lalong hindi ito ang dapat maging batayan ng kabutihan at kagalingan ng tao.

Opposite sa palikerong si Anton ay ang sensitibong si Mike na mahilig sa halaman. He always lends an ear to listen to Amy and is responsive to her needs. He may be a persistent suitor, but he doesn't force himself on her. Tila isang "ideal man". An ideal man, Reyes describes, “is not one who’s too preoccupied with being a man, but who is more concerned with being human (De la Cruz 314).” Such man has no issues crossing the line between masculinity and femininity. In fact, for him, such boundaries do not exist. Nagagawa niya ang kanyang gusto niya na hindi kinukuwestiyon ang kanyang pagkalalaki.

(But since he is an "ideal man", does he truly exist? O nananatiling lamang siya sa mga pelikula ni Joey Reyes?)

Ito ang mga bagay na stand out sa pelikulang Nang Iniwan Mo Ako. Tahimik siyang maituturing subalit nagsusumigaw sa kanyang mensahe. Madaldal siya ngunit hindi mababaw ang kanyang sinasabi. Hindi maarte at sapat na emosyon lamang ang binabahagi.



Reference:
 De la Cruz, Emmanuel. "Interview with Jose Javier Reyes." Ed. Nicanor Tiongson. The Urian Anthology: 1990-1999. Philippines: UP Press, 2010.

Thursday, April 04, 2013

Reversal of Roles sa "Tayong Dalawa" (Guillen, 1992)


Isang liberal at palaban na babae ang karakter ni Sharon Cuneta bilang Carol Yaptengco sa Tayong Dalawa (Laurice Guillen, 1992). Independent at career woman na matatawag kung saan umiikot ang kanyang mundo sa kanyang trabaho. Wala na siyang panahon para sa sarili kaya namang sinisiguro ng kanyang ina na naaalalayan pa rin ang kanyang pangagailangan sa pamamagitan ng pagbisi-bisita ng kasambahay niya sa bahay ni Carol minsan sa isang linggo.

In a work place dominated by men, Carol is trying to make a name for herself. As the office's department manager, she wants to achieve more and prove herself worthy as a woman. Hindi niya tanggap na hanggang department manager o sekretarya lamang ang naaabot na posisyon ng mga babae sa kanilang kumpanya. Handa niyang gawin ang nararapat upang marinig ang kanyang tinig at matanggap ang inputs niya na equal sa mga kalalakihan.
(L) In the world of men, Carol stays in the background. | (R) In front nobody listens to her.

Subalit pagdating sa pag-ibig, hanggang saan ang kaya niyang ibigay? Hanggang saan ang kaya niyang gawin? Magiging palaban din ba siya nang katulad sa kanyang trabaho? Patutunayin din ba niyang kaya niya ang magmahal sa taong sa tingin niya ay karapat-dapat ding bigyan ng kanyang pagmamahal?

Sa unang pagkikita pa lamang nina Carol at Tonchi (Gabby Concepcion) ay isang business transaction na turing dito ni Carol. May kapalit na bayad sa bawat serbisyong ibinibigay. May karampatang sukli ang trabahong binabahagi. Pinatawag niya si Tonchi upang kumpunihin ang nasirang coffee maker ng opisina. (Ang salitang "kumpuni" ay sasambitin ng iba't ibang karakter sa pelikula sa iba-ibang pagkakataon sapagkat sa kani-kanilang buhay ay may inayos sina Carol at Tonchi.) Aabutin pa ng isang linggo bago maayos ito kung hahayaan pa niyang dumaan ito sa office process. She took it upon herself to have the coffee maker fixed using her own resources. Office politics can be quite grueling even for simple things like that.

Nang matapos ni Tonchi ang pagsasaayos ng coffee maker, siningil niya ng 400 pesos si Carol. Hindi pa makapaniwala si Carol dahil sa tingin niya ay simpleng gawain lamang 'yun para magkahalaga ng ganoon. Dito pa lang ay naipakita at naiparamdam na ni Carol na hindi sila magkauri ni Tonchi. She might underestimates people like him, thinking that their work is not as valuable as hers. Na ang manual labor ay hindi gaanong pinag-iisipan at pinaghihirapan ng katulad sa mga trabahong kagaya niya na nakakulong sa opisinang de-air con. Isa ito sa hindi maitatangging prehuwisyo (prejudice) sa ating lipunan. There is a dividing line between blue and white collar jobs. That one is harder than the other or one is more significant over the other, not thinking how one compliments the other or how they help each other out. Bukod pa rito ay cheque ang pinangbayad ni Carol na maaaring magpahiwatig ng kanyang air of superiority kay Tonchi. Sa bandang huli ay patutunayan niya ang ganitong pagtingin sa nasabing lalaki sa pagtawag sa kanya ng "basura". (Maging ang kanyang ina ay may halong pangugutya nang tawagin niya itong "magbobote". Ironically, the house help thinks she is also higher than him by calling him "trabahador".)

Sa kanilang ikalawang pagkikita ay mayroon ng pagpaparamdam ng sexual attraction. Carol checks Tonchi's ass as he turns his back on her. She offers him coffee, but he declines, saying he'd rather prefer drinking it at home. Such subtle cues provide the courting/mating rituals for (gay or straight) men and women. Their next move leads to a dinner date to their eventual coupling.

May lalaking malapit kay Carol sa opisina, si Mike (Eric Quizon). Binububuyo sila ng kanyang ina sa isa't isa subalit kailanman ay hindi niya ito nakita nang mahigit pa sa pagiging kaibigan. Una ay hindi rin naman ito nagpapahiwatig ng direktang interes sa kanya. Pangalawa ay nakikita niya ito bilang kumpetisyon sa opisina. Lalaki si Mike at mas pinapaboran siya ng kanilang bosses. Sa tuwing magsasalita siya ay si Mike ang pumapagitna upang maintindihan ng mga boss ang kaniyang sinasabi. She feels that he undermines her credibility every time he steps up for her. Nakikita niya ang pag-angat ng posisyon ni Mike sa opisina habang siya ay nananatili sa kaniyang kinalulugaran. And it seems that Mike is oblivious to her plight. He thinks that she is just imagining things that do not exist. How can he understand her anyway when he belongs to the system? How can he accept the difference when he is the favored one?

Tonchi seems to be a better choice. He is less threatening to her, yet he exudes a confidence that is attractive to her. There's an air of smugness that seems to compliment her own sense of arrogance. And it seems that he isn't threatened either by her social status. Kaya niyang ibaba siya sa lupa upang ma-appreciate ang mga maliliit na bagay sa 'yo. She can be herself with him without apologies.

Bilang isang babae ay hinayaan pa rin ni Carol na si Tonchi ang gumawa ng unang hakbang. He touches her hand and slowly kisses her. But she is never the modest type. She kisses him with gusto and an open mouth (which is a rarity in a Sharon Cuneta movie). The minute they go to bed, she takes charge. Pumaibabaw siya kay Tonchi at naging agresibo. Nanatili siya sa ganoong posisyon hanggang sa marating nila ang rurok ng kanilang pagtatalik.


Ang gabing iyon ang nagbigay kay Carol ng lakas ng loob sa opisina na makipagsabayan ng utak sa kanyang mga boss. She plays her cards like a man. She learns to massage their egos without compromising her own.

Looking at love like a business transaction, Carol wants to make sure what she is in for. Hindi niya maipakilala si Tonchi sa kanyang ina hanggang hindi niya nalalaman kung ano ba ang status ng kanilang relasyon. Isa siyang segurista. Hindi maaaring ibigay ang sarili nang todo-todo nang walang nakukuhang kapalit.

Subalit maingat si Tonchi. Ayaw niyang magpadalos-dalos ng desisyon. Ayaw niyang magpadala sa bugso ng damdamin hanggang hindi pa siya nakasisiguro rito dahil minsan na siyang nagkamali.

Sa ganitong pagkakataon ay tila bumaligtad ang kadalasang characterization ng lalaki at babae sa pelikula pagdating sa pag-ibig. Si Tonchi ang romantikong maituturing na umaasang matatanggap ni Carol ang kaniyang nakaraan dahil sa pagmamahal. Siya ang lalaking hindi nangingiming pagsilbihan ang kanyang mga mahal sa buhay at manatili lamang sa bahay na ginagawa ang kanyang gusto. Hindi niya gusto ng kapangyarihan. Malayo sa kanyang isipan ang dibisyong namamagitan sa kanila ni Carol.

Samantala, si Carol ang tila nanainip na sa paghihintay at naghahangad na makuha ang kaniyang gusto na kabaligtaran ng nangyayari sa kaniya sa opisina. But how much more can can take? May mga lihim sa buhay ang kaniyang minamahal na kaniyang kinabibigla. She wants to be in control of the situation and would not allow any surprises to get in the way. Thus, the minute that her world is shaken, she takes off, leaving Tonchi behind.

Carol couldn't handle the stress brought by the relationship. Hindi siya sanay sa ganoong mundo kung saan wala siyang kontrol sa mga pangyayari. Sa trabaho ay kaya niyang ipaglaban ang sarili. Alam niya ang maaari niyang gawin upang makuha ang kanyang nais. Utak ang labanan. Dealing with matters of the heart is entirely different. She is not equipped to handle it.

Due to the humiliation brought to her at the office by Naida (Bing Loyzaga), Tonchi's ex-partner, she quits her job. She is too arrogant to accept that she made a mistake. Hindi niya kayang ipakita sa mga tao sa paligid ang kanyang naging kahinaan. Paano pa siya makikita ng kanyang mga boss na magkapantay sila kung gayong nalantad na ang kanyang kahihiyan sa buhay?

Eventually, Carol gives in to the desires of her heart. Natuto siyang maging pasensiyoso at tahimik na naghintay sa pagbabalik ni Tonchi (na maaaring namatay sa pagsabog ng kanyang sailboat).  Nang magbalik ito ay sinuko na rin ang sarili ng buong-buo sa taong magpapasaya sa kanya.

Puso nga ba ang kahinaan ng babae o ito ang bagay na nagpapalakas sa kanila? Nararapat nga bang isuko ang karera para sa pag-ibig? Hindi ba ito magkakaroon ng balanse kailanman?