Magkapatid sina Irma Alegre at Angela Perez. Umuwi sila sa bahay at nagsabing nanood daw sila ng bold. Feel na feel ni Angela ang movie, pero deadma lang si Irma. Sabi ni yaya, kakain na raw. Call ni Irma si papa Ruben Rustia habang lumamon na si Angela. Gutom na gutom na raw siya. At kitang-kita naman sa pag-upak niya sa ulam at kanin na parang galing sa restaurant. May pa-dahon-dahon pa kasi ang oblong na plates. Para kunwari ay sosyal silang talaga.
Habang kumakain ang magkapatid, deadma lang si Ruben. Wait niya raw ang kanilang mama. Next frame, nakaupo pa rin si Ruben. Wala na ang patay-gutom na magkapatid. May tirang mga buto sa kanilang mga plato na parang nilafang talaga ng mga walang makain sa buhay.
Dating ang asawa--si Celia Rodriguez. Ask niya kung bakit daw nakatiwangwang pa ang kalat sa mesa. Hinihintay niya raw siya, sabi ni Ruben. To cut their conversation short, sinabi ni Ruben na 'wag na 'wag lang siyang makakakuha ng ebidensya against sa pagtataksil ni Celia, kundi ay mapapatay niya siya. Narinig ito ni Irma at umiiyak siyang nagpunta sa kanyang kwarto. Naka-black nighty lang siya with laced black underwear. Naiinitan siguro.
Labas si Angela from bathroom asking kung sinapak daw ba ng erpats nila ang ermats. Sobra na raw kasi si ermats blah blah blah. Irma tells her na di raw siya papasok bukas kasi may gagawin siya buong maghapon.
The next day, inabangan ni Irma si Mama. Kita niya na pumasok ito sa Victoria Court na may kasamang lalaki. Wala pang "Ssshh" logo ang VC ng panahong iyon.
Binalita niya kaagad kay Papa. Sinabing tandaan daw nito ang utos ng Diyos na 'wag papatay. Parang timang! Kakarinig niya lang na 'yun ang gagawin ng tatay niya kapag nakakuha ng ebidensya, yet siya pa mismo ang naghanap nito at sinampal sa tatay niya!
Ayun, pag-uwi ni Celia, tinutukan siya ng baril ni Ruben! Pinutok ito pero di naasinta. Inatake bigla si Ruben. Lapit si Celia at ano raw nangyayari! Jusme, inaatake na, ask pa rin siya kung ano nangyayari. Parang timang!
Bago ang barilan scene, nag-usap ang magkapatid. Sabi ni Angela na siguro raw ay hayop sa sarap ang kabit ng mama nila kaya nakuha nitong ipagpalit ang papa. Parang timang naman dumayalog ito! Parang hindi nanay niya ang sinasabi niya. Ang baboy ng bunganga!
So inatake na nga si Ruben, super hampas sa dibdib si Irma. Di marunong mag-CPR! At nu'ng i-mouth to mouth niya ito, lips to lips ang ginawa niya! Timang talaga sa CPR ang hitad. Sabay dayalog kay Celia na kapag may nangyari raw kay Ruben, isusumpa niya raw ito. Keri ko pa ang ganu'ng dialogue kasi naman '80s ito. Allowed pa sila magpaka-cliche.
Angela confronts Celia. Ayun, kinausap na naman na parang di niya ito nanay. "I'm just human. I have my needs," sagot ni Celia na accent kung accent! Iisipin mong parang ang layo niyang magkaru'n ng dalawang timang na anak. Sinabi pa niyang, "Your father is impotent!" Sabay close-up sa fez ni Angela na hindi alam kung pa'no magre-react.
Anyway, fast forward. Naghiwalay sina Ruben at Celia. Nabaldado si Ruben. Binenta ni Irma ang house nila para mapagamot si Papa. Naging dancers sina Irma at Angela sa club.
Tumeybol si Irma kay Al Tantay at si Angela kay Edgar Mande. Hindi nagsasalita si Al. Huhulaan daw siya ni Irma. "Tahimik ka, no? Mahiyain." Ay parang timang! Hindi kaya! Pipi siya kaya ganu'n. Jusme!
Next scene, need pa raw nila ng 40k para mapadala si Ruben sa ibang bansa at nang maipagamot. Nakonsensya si Ruben. Hindi na raw nila dapat gawin 'yun.
Tumanggap ng customer sina Irma at Angela na magbabayad ng 40k. Virgin daw ang gusto. Si Angela ang napili. Kinabukasan, iika-ika nang maglakad si Angela. Masakit daw pala ang "magpa-virgin". 'Yun talaga ang pang-abay na ginamit--magpa-virgin! Saka neng, ba't ka iika-ika? Sa wetpaks ka ba tinira? Masakit nga 'yun kung ganu'n. Si Romy Diaz ang customer. Afraidy Aguilar!
Pagpasok ng bahay, deads na si Ruben! Nagpatiwakal! Sinaksak ang leeg, tagos sa likod! Fuck! Pa'no niya nagawa 'yun! Ang sakit-sakit kaya nu'n. Mas masakit sa pagpapa-virgin! Imaginin mo, pa'no mo maituturok ang kutsilyo sa leeg mo at kayaning itagos ito sa likod? Tangna! Ang hirap nu'n, ah. Super talim siguro ng kutsilyo na 'yun. 'Yung parang binebenta sa Home Shopping Network.
Naging mag-jowa sina Irma at Al, at sina Angela at Edgar. Hayop sa sarap daw humalik ang dalawang babae. Ayos! Magamit lang talaga ang title ng movie! Ano kaya ang pakiramdam ng hayos sa sarap?!
Dahil inlababo si Al kay Irma, papakilala niya raw ito sa kanyang mga magulang. To make an impression, nag-Chinese-Chinesan na damit si Irma, tumayo sa gilid ng pinto at tinaas ang binti! Parang timang lang. Na-impress naman si Al! Ang ganda-ganda raw nito.
Pagdating sa house ni Al, pinakilala niya si Irma sa tatay nitong si Johnny Wilson. At sa kanyang stepmom na si Celia! Ay, sorry that I left out that major event in their lives. Mag-jowa na sina Johnny at Celia. Kaya naman shocked ang lola Irma nang makita si Celia. Run ever siya na parang si Cinderella with matching alis ng shoes at sakay ng taxi.
Sinundan ni Al si Irma sa bahay nito pero hindi pumasok sa loob. Walang kaabog-abog na may kidnappers sa paligid! Mukhang mayaman daw si Al kaya tiba-tiba sila kapag nagkataon. Parang timang lang.
Punta si Johnny sa hideout ng kidnappers kasi naka-receive siya ng tawag from them. Si Irma pala ang nandu'n! "Luyarin mo ang pagkababae ko, Don Ambrosio. Kung hayop sa sarap ang asawa mo ngayon, mas hayop ako sa kanya!" That line again! Humabol pa. In English! "I promise you that!" At isa pa! "No doubt about that!" Parang court scene. Pakshet!
But wait! Fake call lang pala 'yung kidnapping kanina. Totoo pa lang may kidnappers. Kinidnap nila si Al at si Angela! 300k daw ang ransom. Cash! Nakasuot ng bubuyog sunglasses ang leader na very reminiscent of the '80s fashion. At naka-suit silang lahat! Tutyal!
In fairness, di pa uso nu'n ang milyon-milyon na asking ransom fee.
Time to make ammends, though. Gagawin ni Celia ang lahat para mailigtas ang anak. Kasehodang magbuwis siya ng buhay kasi hindi sila makakapag-withdraw ng pera dahil gabi na! Sarado ang bangko. Di pa uso ang ATM! At kahit uso na, di naman magdi-dispense ng 300k ang ATM, di ba?
Naka-tiger print si Celia. Palaban kung palaban! Labas din ang isang shoulder. Kasama niya si Edgar kasi jowa niya raw si Angela. Na kinabigla naman ni Celia. I don't know why. Pero shocked siya. Nagulat siya siguro kasi pokpokin ang dalawang junakis niya. Mana sa ina.
Nagkaroon ng barilan sa hideout. Nabaril si Celia sa kanyang exposed shoulder. Pero bago 'yun, bagsak naman ang mga kalaban. Palakpakan!
Pagkauwi, binalita ni Al na na-kidnap sila. "Ha? Na-kidnap kayo," say ni Johnny. Parang wala lang. Hindi naman gaanong major-major event. Ni hindi nga siya nag-alala sa dumudugong exposed shoulder ni Celia.
Kinuwento ni Al kay Irma ang nangyari, saying na dakila si Celia kasi iniligtas sila. Parang Darna lang! Ni di nabalitaan ng mga pulis ang nangyaring kidnapan at barilan at patayan. Yakapan ang mag-ina!
The end.
Parang timang talaga! In fairness, tinapos ko siya kasi tamang laugh trip lang!
Winner ka talaga, Artemio Marquez! This shit is funnier than the current Petrang Kabayo!
Thursday, October 21, 2010
Friday, October 01, 2010
Ikaw na ang Maging Alicia Alonzo sa "Waikiki"!
Waikiki (1980)
Elwood Perez
Ang tanging pangarap lamang ni Alicia Alonzo (Idad) ay makapiling ang kanyang pamilya na naunang nagtungo sa Hawaii upang makamit ang magandang buhay. Naiwan siya sa Pilipinas dahil sa TB at nang magkaroon ng pagkakataon na sundan ang pamilya ay hindi siya nagdalawang-isip.
Maraming taon na ang lumipas at hindi niya inaasahan ang malalaking pagbabagong daratnan niya.
Sa piling ng ikalawang anak na si Rio Locsin (Carmela), naranasan niya ang diskriminasyon. Hindi nito magawang ipagtanggol siya sa asawang Hapon na pilit na pinaparamdam sa kanya na hindi siya tanggap sa kanilang tirahan. Andyan pa ang anak nito na apo niya na isang spoiled brat. Hindi niya kinakitaan ito ng paggalang sa kanya, maging sa sarili nitong mga magulang. Pinilit man niyang mapalapit ang loob sa apo ay dalawang sampal ang inabot niya rito. Sa sobrang sakit ng kalooban ay nasaktan niya ang bata. Ikinagalit ito ni Carmela at sinabing hindi sinasaktan ang mga bata sa US. Gawain lamang ito ng mga taong primitibo at walang pinag-aralan.
Hindi na ipinilit ni Alicia ang sarili sa anak. Nagtungo siya sa kanyang bunso na si Lorna Tolentino (Ella) na nadiskubre niyang nagtatrabaho bilang isang sensual dancer. Bilang isang babaeng laki sa Pilipinas, hindi niya ito matanggap. Bukod pa sa katotohanang nakikipag-live in ang anak at walang pakialam na nakikipaglampungan sa kasintahan sa publiko. Pakiramdam niya ay lumaki ng walang moral na itinuturing ang kanyang anak.
Tinungo niya ang tahanan ng pinanabikan niyang asawa na si Raoul Aragon (Juan). Nasawi man sa kanyang mga anak, si Raoul na lamang ang tanging nagsasalba sa kanya sa rurok ng depresyon. Subalit matapos ang mahigpit niyang yakap sa malamig na asawa, isang anak ang sumalubong sa kanya na tumawag ng daddy sa kanyang mister. Matapos ay lumabas ang isang babaeng pinakilala sa kanya bilang "asawa ko ngayon."
Gumuho na ng tuluyan ang mundo ni Alicia. Kung maari lang siyang lamunin ng lupa sa kinatatayuan niya ay ginawa na niya. Halos mabuwal siya sa kanyang pagkakayo. Nang akmang lilisanin na niya ang lugar ay inimbita siya ng "asawa ngayon" na makipagkwentuhan muna. Dagdag saksak pa sa dumurugong puso niya ang di pagkakaalam ng "asawa ngayon" na hindi niya alam ang relasyon nila ni Raoul. Nagkunwari na lamang si Alicia at sinabing gusto lamang niyang dalawin ang "dating asawa."
Hindi pa rito nagtatapos ang kanyang pagdurusa. Ang anak na lalaki ni Raoul sa bagong asawa ay kamukhang-kamukha ng nasira nilang anak na lalaki. At dito pa sa batang ito siya nakakita ng respeto at pagpapahalagang hindi niya nakuha sa sarili niyang mga anak.
Ito ang kinahantungan ng mga pangarap ni Alicia sa Lupa ng mga Pangako. Hinanakit. Pagdurusa. Kamatayan.
Kung ikaw si Alicia Alonzo sa Waikiki, naglaslas ka na siguro ng pulso upang diligin ng dugo ang punyetang Bayan ng Pinya!
(Collage by Jojo DeVera)
Related post:
Jojo DeVera's "Waikiki... Sa Loob at Labas ng Bayan Kong Sawi"

Subscribe to:
Posts (Atom)