Thursday, July 28, 2011

The Parallel Lives of Insiang (Lino Brocka, 1976) and Isla (Celso Ad. Castillo, 1985)

Kung itinuring ko ang Silip na porn version ng Himala, ang Isla ang sa Insiang.

Kung sakaling sipagin, I might write something about Himala and Silip, but for now, here's my take on how Insiang's and Isla's lives (and the people around them) intersect with one another.

Setting

Insiang (Hilda Koronel) lives in a squatter's area. Masikip, masukal, maputik, at matao ang lugar nila. Maski ang tirahan nila ng kanyang ina ay tinutuluyan ng mga kamag-anak noong umpisa. Everywhere you go, there's people. Ang lakas maka-asthma attack! Mahirap huminga. Mahirap gumalaw. Kita ng lahat ang kilos mo. Pinagpipiyestahan. Ginagawang almusal.

Si Isla (Maria Isabel Lopez) ay nakatira sa isang isla. Napalilibutan ng malinis na tubig na di tulad ng lugar nina Insiang kung saan upang magkaroon ng tubig ay kailangang mag-imbak sa tuwing may tulo sa gripo o pumila sa pag-iigib sa poso. Kina Insiang, may ilog man, madumi ito at walang buhay.

Bilang isang isla, ang lakas maka-claustrophobic ng lugar nina Isla. Malayo ito sa kabihasnan. Kakailanganin pa ng bangka upang lisanin ito. Tatlo man lang din sina Isla sa bahay kasama ang kanyang lolo at lola, lubhang nasisikipan siya rito. Tila sinisilaban ang kanyang pagkatao sa tuwing nananatili siya rito. Paraiso ang tingin ng isang dayo rito. Subalit hindi para kay Isla.

Katulad nang sa squatter's area, magkakakilala rin ang mga tao sa isla. Mayroon silang pinapanatiling conservative values, at sa tuwing magkakamali ay kinukumpisal nila ito sa paring dumadalaw sa kanila minsan sa isang buwan. Minsan ito ay nagiging facade na lamang. Taliwas ang sinasabi sa ginagawa. Kaiba sa mga tao sa squatter's area kung saan what you see is what you get ang drama nila. Walang kiyeme. Walang arte.

Desire

Iisa lamang ang nais nina Insiang at Isla, ang magkaalis sa kani-kanilang lugar at magpakalayo-layo sa mga taong pinaliliit ang kanilang mundo. Maski ang kani-kaniyang dahilan ay di nalalayo sa isa't-isa.

Si Insiang ay nasasakal at nasusuklam sa kanyang ina na si Tonya (Mona Lisa). Simula nang iwan sila ng kanyang ama para sa ibang babae ay naging malupit na ito sa kanya. Dala siguro ng labis na pagmamahal ang labis na pagkamuhi ni Tonya sa kanyang asawa. Ang kanyang muhi ay nabubunton niya sa anak nang di niya namamalayan. Because of that, Insiang learns to resent her even more especially when Tonya brings Dado (Ruel Vernal), her lover, home.

Naiipon ang mga sama ng loob ni Insiang at nag-iigting lalo ang ninanais niyang paglayo. Gagawin niya ang lahat upang makaalis sa pusaling kinaroroonan niya. Dagdag pa rito ay ang dahilang pinagnanasahan siya ni Dado.

Si Isla naman, bagama't nakakaramdaman ng pagmamahal mula sa kanyang lolo Kadyo (Joseph de Cordova) at lola Gare (Angie Ferro), ay napapaso sa kaniyang pinaglalagyan. Bata pa lamang siya ay hinihipuan na siya ng kanyang lolo. Hindi niya magawang magsumbong sa kanyang lola dahil ang pakiramdam niya ay di siya pakikinggan nito. Bilang isang taong may mataas na pinag-aralan sa paaralan at tinitingala sa isla, mataas ang tingin ni Gare sa kanyang asawang si Kadyo. Kaya katulad ni Insiang, nagpupuyos din ang damdamin ni Isla na makalabas ng isla.

Action Taken

Nang gabing gahasain ni Dado si Insiang at di paniwalaan ng kanyang ina, nilapitan niya ang kanyang kasintahang si Danny (Rez Cortez) upang itanan siya. Alam niya na malaki ang takot nito kay Dado, but she takes the risk. She feels desperate. Wala na siyang makapitan.

The night she gives herself to Danny, she cries. Iniyakan niya ang puring iningatan niya na kinuhang pilit ni Dado at kusang ibinigay na kay Danny. Iniyakan niya ang pag-asang naglaho. Iniyakan niya ang kalayaang hindi buong magiging kanya.

Subalit sadyang walang bayag si Danny. Iniwan siya nito nang walang pasabi matapos makuha ang kanyang pagkababae.

She returns home and decided to take her fate into her own hands. Hindi na siya aasa sa iba upang makamit ang kanyang gusto kahit pa may purong pag-ibig na inaalok ang kanilang kapitbahay sa kanya.

Deadma sa iisipin ng iba at sasabihin ng kanyang ina, kumabit siya kay Dado. Kay Dado na nakipagrelasyon lamang sa kanyang ina upang maangkin siya. Kay Dado na lubha niyang kinamumuhian. Kay Dado na nangakong mag-aahon sa kanyang sa putikan. Kay Dado na siyang dahilan ng pagkalublob niya sa naturang putikan.

Si Isla naman ay ginamit na kasangkapan ang kanyang katawan upang makamit ang kanyang ninanais. Una niya itong ibinigay kay Aldo (Paquito Diaz) na nangakong isasama siya sa paglisan nito sa kanilang isla. Iiwan na nito ang kanyang asawa. Gayunpaman, nang malaman niyang may kinasamang iba ang kanyang asawa, nagwala ito at napatay ng kalaguyo ng kanyang asawa.

Masamang-masama ang loob ni Isla. Ang ticket na binayaran niya paalis ng isla ay naglaho. Inamin niya sa hepe (Vic Diaz) ang kanyang ginawa. Pinahiwatig niyang sasama siya sa kanya basta ipaalam lamang nito ang oras ng kanyang pag-alis. Tempted, the officer told her where he is staying and when he is planning to leave.

Once again, Isla offers herself to the officer. Pero hindi niya nakayanan ang nais nitong ipagawa sa kanya. She gets out of the deal by hurting herself.

When she gets home, lola Gare tells her na hindi nila tunay na anak ang kanyang ama. Inampon nila ito upang matigil na rin ang pangungutya ng pagiging baog na nakukuha niya kay Kadyo. Feeling both opressed, Isla hugs her and cries.

May dumating na NPA sa isla. Nakilala niya si Sonny (Joel Torre) na gusto nang tumiwalag sa grupo at magkapamilya. Sagot sa kani-kanilang dalangin, ninais nilang magsama. Subalit nang sila ay palayo na, nabaril at napatay ng militar si Sonny.

Naging desperado nang lalo si Isla. Sa pangako ng kanyang lolo na dadalhin siya sa Maynila ay bumigay siya. Siya na lang ang nakikita niyang pag-asa sa lumalala niyang sitwasyon. Maaaring naisip niyang hindi naman sila tunay na magkadugo, hinayaan na niya ang kanyang lolo na angkinin ang kanyang katawan nang tuluyan.

With such desperation, who will be saved and get to have the freedom she wanted, and who will continue to suffer with the actions she has taken?

Conclusion

Inamin ni Insiang kay Tonya ang relasyon niya kay Dado. Hindi ito matanggap ni Tonya. When she witnesses how loving Dado is to Insiang, she takes her scissors and stabs him in the back several times. Insiang then frees herself from both her mother and Dado. Nakulong si Tonya at namatay si Dado.

When she visits Tonya in prison, Insiang expresses her love to her mother. Pero matigas si Tonya. Hindi niya makuhang magpahayag ng pagmamahal sa anak. Nakakulong siya sa pagkamuhi at galit sa mga taong nangloko at nanakit sa kanya.

Insiang walks out of the prison. Malaya na sa kanyang ina...

Di tulad ni Tonya, nang makita ni Gare ang ginagawa ng asawa sa apo, hindi niya makuhang magalit ng harap-harapan dito. Bagkus ay pinagbuntunan niya ng galit ang koleksiyon nitong plaka. Sinira at binasag isa-isa. Subalit sadya nga yatang mahal niya si Kadyo ng sobra-sobra kaya maski sarili niyang kamatayan ay gusto niyang ang asawa ang magpataw sa kanya.

Samantala, punong-puno naman ng pagnanasa si Kadyo kay Isla na handa niyang iwan si Gare para sa itinuturing na apo. Sakay sa ferris wheel dala ng karnabal ng araw na iyon, inatake sa puso si Kadyo habang kasama si Isla.

With that, Isla frees herself. Nagtampisaw siya sa dagat nang nakahubad at nagpagulong-gulong...

Dalawang mukha ng babae, iisa ang nais. Sino ang naging tunay na malaya sa kanilang dalawa?

Dalawang mukha ng kamusmusan ng kababaihan, niyurakan ng malisya ng mga kalalakihan. Sino ang tunay na nagwagi sa laban niya?

Sa larangan ng pag-ibig, sino ang tunay na nagmahal at sino ang nagpaalipin kina Tonya at Gare?

Sa pelikulang nagsasalamin ng lipunan, sino ang nagtagumpay? Si Lino Brocka ba para sa Insiang (1976, sa panulat ni Mario O' Hara) o si Celso Ad Castillo para sa Isla (1985, sa panulat ni Jose Javier Reyes)?

Ang Isla ay supposedly representation ng bansang Pilipinas at ng mga taong sumakop at gumamit dito. Patuloy na niyuyurakan ang kanyang dangal ng mga dayuhan at maging ng sarili niyang mga tao, simbahan, at gobyerno. In that respect, naipahayag ni Castillo ang nais niyang iparating.

Pero bilang isang tao si Isla at isang pelikula, maraming naging pagkukulang si Castillo. Ang mga tauhan niya ay alipin ng kanilang desires of the flesh. Lahat ng kalalakihan ay nagnanasa kay Isla at halos lahat ng kababaihan ay nakatuon sa kanilang makamundong pagnanasa. Walang nag-iisip. Walang nakakaramdam. Maski mismong si Isla ay gagawin ang lahat upang masunod lamang ang kanyang gusto kahit pa ibigay ang sarili sa kung sinu-sino.

Porn, first and foremost, ang pelikulang ito kaya naging secondary na lamang ang katauhan ng mga karakter nito. Pilit na nagpapakalalim, pero superficial lamang ang lahat katulad ng mga karakter na umiinog dito.

Si Insiang naman ay nagsasalarawan ng mga kababaihang pilit na iniingatan ang sarili at pinagbubuti kahit pa di ito sumasang-ayon sa kaniyang kapaligiran. Hindi siya nagpapakalugmok sa kinakasadlakang lusak, bagkus ay lumalaban at pinagtatanggol ang sarili. Hindi siya alipin ng kanyang pagnanasa.