Friday, January 07, 2011

MMFF 2010

Nakalimang MMFF entries ako this year for the first time. It wasn't planned. It was also not because I was looking forward to seeing so many entries this year. It just so happened that I was feeling stressed with school works that I needed to de-stress. Watching movies does that for me, whether sa sinehan o sa DVD; whether maganda ang pinapanood ko o tamang pangpalipas-oras lang. It takes my mind off the stress and gives me enough time to relax and rethink about my options re the stressors.

Since I have only seen five films such as Dalaw; Rosario; Shake, Rattle and Roll 12; Tanging Ina Mo (Last Na 'To!); and RPG, sa kanila rin magbe-base ang judgments ko re the following categories. More than the winners themselves, mas nadismaya ako sa turnout of nominees. Pakiramdam ko ay hindi nakita ang tunay na kagalingan ng ilang taong kalahok sa festival dahil sa mga biases na mayroon ang mga hurado. May mga nakita silang maliliit na maling detalye sa ilang pelikula at performances, pero hindi nila nakita ang mga 'yun sa mga pinanalo nila. Besides, dahil na rin siguro 'yun sa background ng judges mismo.

Anyway, among the five films I've seen, eto ang judgments ko:

Best Picture: RPG

Matino ang nilalaman at sinasabi ng RPG. Hindi siya preachy at subtle lang ang values na tinuturo niya sa mga kabataan ngayon at maging sa mga magulang nang nasabing mga kabataan ngayon. Itinuturo nito ang kahalagahan ng physical activities hindi lang sa overall na kalusugan ng mga bata kundi maging sa kanilang pakikisalamuhang sosyal sa kanilang mga kaibigan at kalaro. Ang mga mabubuting asal na natututunan nila sa pakikipag-interact sa kapwa nila tulad ng sportmanship at cooperation ay hindi nila makukuha mag-isa at maaari rin nilang ma-apply sa tuwing nakikipaglaro o nakikipag-usap sila online.

RPG promotes Pinoy culture, as well, by (re)introducing Pinoy games to children na tutok na masyado ngayon sa TV, computer games, and online games. Isa sa nakakatawang linya ngunit malalim ang sinasabi ay 'yung tanungin ng isang bata kung ano ang piko. Simple lamang ito kung ating iisipin, subalit pinapakita nito kung pa'no namamatay ng unti-unti ang ating Pinoy street games. Sa mga magulang na hindi nakagisnan ang mga larong tulad nu'n, hindi na rin nila maipapasa ang ganu'ng kultura sa kanilang anak. Sad to say, baka dumating ang araw na sa paaralan na lamang at pahina ng mga libro malalaman ng mga bata ang tungkol sa mga ganu'ng laro.

At para naman sa mga nakaranas maglaro ng Pinoy games, this movie brings back childhood fun memories. It will give you a smile remembering the days na umuwi kang sugatan dahil sa pagkadapa mo several times playing Patintero o Football, na pinagalitan ka dahil sa sangsang ng amoy mo dahil nakabilad ka sa araw ng buong maghapon, o na matulog kang madungis dahil hindi mo na kayang maligo pa dahil sa pagod.

Itinuturo rin ng RPG ang di magandang dulot sa pagkalulong sa online games. Binibigyan ng warning ang mga magulang na i-monitor ang activities online ng kanilang mga anak. While technology could bring families together lalo na 'yung pinaglayo ng distansya, it could also destroy a family's well-being.

Compared sa MMFF Best Picture winner na Tanging Ina Mo (Last Na 'To!), mas di hamak na maraming sinasabi ang RPG na hindi dinadaan sa kalokohan at pagpapatawang walang saysay.

Best Director: Jerrold Tarog/Luis Suarez

Jerrold Tarog's Punerarya is certainly the best feature among the last few Shake, Rattle, and Roll episodes combined together that came out lately. Hindi siya nakakatakot per se, but he was able to deliver a creepy atmosphere and eerie feeling to the material. Moving camera shots pa lang niya, panalo na! Mararamdaman mong pinag-isipan ng husto at pinlano. May vision. And there was certainly a wider feeling to it--na pelikula talaga ang pinapanood mo at hindi isang horror episode lamang sa TV.

Kadalasan ngayon sa pelikula, dahil mula sa TV o nagdidirek sa TV ang mga direktor, hindi nila maalis sa kanilang sistema ang TV directing style. Sandamakmak ang close-up shots, taking away the grandiose feeling a film gives.

Biased ako kay Jerrold kasi paborito ko siya sa mga new directors lately. Ever since I've seen his Confessional, napahanga na niya ko. Hindi siya pretentious as some other directors are. If not him, I'd go for RPG's Luis Suarez for reasons I've given about the film. Di biro ang magdirehe ng animation at maayos na naitawid ito ni Luis. It may not be at par with Disney or Pixar in terms of smooth movements, maipagmamalaki pa rin naman ito bilang Pinoy lalo na sa kanyang nilalaman. Maaari siyang ihanay sa mga Japanese animations.

Both directors were not nominated in the said category. Nakakalungkot isipin na mas napansin pa si Mike Tuviera dahil maayos daw nitong naidirehe ang isang crappy material tulad ng Super Inday and the Golden Bibe. Ito na ba ang sukatan ng pagiging isang mahusay na direktor laban sa mga may nailabas na kagalang-galang na trabaho?

Albert Martinez wasn't also nominated. Para sa isang period piece, hindi raw masyadong nabigyan ni Albert ng authentic feeling ang Rosario. Subalit kung effort at effort lang naman ang pag-uusapan, di hamak na maganda ang nagawa ni Albert kaysa sa mismong nagwagi sa kategorya na si Wenn Deramas.


Wenn has not shown growth in the last few years that he has been directing. Certainly better than Tanging Ina N'yong Lahat, Tanging Ina Mo, however, is inferior with the original. Kadalasan ay sume-segue ang pelikulang ito sa mga katatawanang walang kinalaman sa takbo sa pelikula at nalilimutang tumutok sa mga mas mahahalagang aspeto ng kwento tulad ng sakit ni Ina at ang unti-unti pagkawasak ng relasyon ng kanyang mga anak. The main plot has taken the backseat sa mga patawang basta-basta na lamang isinisingit sa pelikula.

Ginawa pa nilang issue ang di pagsama ni Heart Evangelista sa pelikula samantalang halos extra roles lang naman ang ginampanan ng ibang mga anak ni Ina sa pelikula. Sumulpot lang at ngumiti sa camera para masabing nabuo ang pamilya niya.

A friend told me na matalino raw si Wenn kasi alam niya ang pulso ng masa at kung ano ang papatok sa kanila. May point siya. Pero ang sagot ko, kung lagi nating hahainan ng pare-parehong putahe ang masa, hindi natin masasanay ang dila nila na kumain ng ibang pagkain, kahit paminsan-minsan lang. We should not be condescending towards their tastes at i-limit lamang sila sa iisang makakain lalo na ngayo't ang Balot ay maaari na ring gawing gourmet Balot!

Best Production Design: Rosario

Ang yabang-yabang ng production values ng Rosario! Kanyang-kanyang ang tropeo at walang aagaw sa kanya rito. Ni walang pwedeng magprotesta na mas deserving nila ang award. In the awards season next year, I'm sure na siya rin ang hahakot ng awards in terms of production design.

However, sa sobrang yabang niya, nakalimutan niyang mag-give way sa ibang mas importanteng aspeto ng pelikula. Lagi siyang nakabalandra to the point na hindi nabibigyang-focus ang eksena at nararamdaman ng mga karakter. Sa eksenang nakikipag-usap si Rosario sa kanyang pinsan sa kanyang kwarto, wide shot kadalasan ang treatment upang maipakita kung gaano ka-elaborate ang production design. Nakalimutan nitong above the production design, mas importante ang nilalaman ng eksena at hindi ang bumubuo nito.

Maaaring fault na rin ito ng direktor. Masyado siyang na-overwhelm sa tingkad ng kanyang pelikula na nakaligtaan niyang bigyang-pansin ang nasasaloob nito.

Dahil na rin mayayaman ang karakter ng Rosario, nag-focus sila sa '20's American fashion. Sapat namang naipakita ang kasuotan ng panahon na iyon, subalit naghahanap pa ako ng kasuotang masa noong panahon na iyon. Minus the dialogues kasi, maaring pumasa pa ngang American film ito dahil lamang sa overall look ng pelikula. Nawawala 'yong Pinoy authenticity niya. Kung sana'y marami-rami ang naipakitang Pinoy masa fashion, mas lalo kong ikatutuwa.

Best actress: Aiai delas Alas

Wala naman akong tutol na ibigay kay Aiai ang Best Actress trophy. Mahusay naman talaga siya. Subalit ang ma-nominate si Marian Rivera kaysa kay Jennylyn Mercado ay isang malaking kalokohan. A heavy drama character against a lousy super heroine character? Bakit naman nagkaganu'n? O sige, hindi ko napanood ang Super Inday kaya wala akong karapatang i-judge si Marian. Pero still, ang tanong ko, bakit nagkaganoon?!

Ay, sabi pala nila, dahil daw hindi kaiga-igaya ang karakter ni Jennylyn bilang Rosario na isang 20's pokpok. Weno ngayon? Bakit natin ija-judge ang performance ni Jennylyn laban sa karakter niya sa pelikula? Anong klaseng kondisyon iyon?

Besides, hindi naman kasamaan ang karakter ni Rosario. At the end ay nakitaan siya ng pagbabago at pagsisisi. Hindi ba sapat 'yun para sa tinatawag na character growth? Kung kabutihan lang pala ang magiging basehan, wala nang kontrabida roles ang mano-nominate sa susunod na MMFF kahit pa pagkagaling-galing ng kanyang performance. At magiging one-dimension na lang lagi ang ating mga karakter: bait-baitan.

After the major awards, magbigay naman tayo ng minor awards sa limang pelikulang aking napanood.

Best Transformation: Eugene Domingo

Uge has come a long, long way! Ang ganda-ganda ng outfits niya sa Tanging Ina Mo! Natalbugan na nga niya si Aiai pagdating sa itsura. Fashion kung fashion! Kaya naman nu'ng pandirihan siya ni Aiai nu'ng hahalikan na siya ng kanyang napangasawa na si Jon Avila, di naging kapani-paniwala dahil mas maayos ang itsura niya kaysa kay Aiai. Mukha siyang mamahalin!

Super Pa-sexy Award: Shaina Magdayao


Sando kung sando ang labanan sa Mamamanyika ng SRR 12 at cleavage kung cleavage sa Tanging Ina Mo! Saan ka pa! Di pa 'yan nag-e-effort masyado, ah.

WTF Character: John Lapus


Putek! Para sa'n ba ang karakter niya sa SRR 12 Episode 2? Patawa ba 'yun o pang-asar? Either way, misplaced siya sa movie. Hindi siya nakakatawa at lalong hindi siya nakakatuwa! Mas lalo lang ang inis na binigay niya sa kabuuan ng pelikula unlike sa ibang SRR na may halong comic relief pa siya.

Best Weapon: Gun

Ang baril ay pamatay sa Chaka Doll e este Mamamanyika! Never leave home without it. Ang baril din ay panakot sa mga engkanto! Itago sa kunwaring Bible at iwagayway sa mga engkanto.

Magpakatotoo Ka Award: Kris Aquino

Less make-up, more skin imperfections. Sino ang may sabing perfect ang skin ng mga artista?

Best Guest Appearance: Betty Boop in Rosario

Ay, wala pa. Si Isabel Oli pala 'yun in Betty Boop make-up. Tsuri!

Most Kinawawa Award: Jiro Manio

Hindi man lang binigyan ng kapiranggot na linya si Jiro! Nakakaawa kung kailan naman nagdarahop na 'yung bata sa ngayon.

Kahit Anong Role, Keri Na Award: DJ Durano

No explanation needed. Dapat laging umeeksena sa mga pelikula ni Wenn Deramas.

All Hype, No Substance Award: Dalaw

Feng Shui and Sukob may both starred Kris Aquino, but the success of those films should not be equated to her. It should be credited to their director Chito Rono (and their writers). However, even Chito came out with less successful horror flick via T2.

Bagsak na nga 'atang talaga ng Asian horror genre these days. Halos isang dekada na rin nating nire-rehash ang paulit-ulit na vengeful ghost theme at wala na tayong bago na mapipiga pa rito. Kailangang pagpahingan na siya until maka-imbento uli ng panibagong kwento na mananakot sa 'tin mga Pinoy. Dinadaan na lamang sa mga panggulat na musical score at pasulpot-sulpot na karakter ang katatakutan at hindi na nakakatuwa.

Malakas man siya sa takilya, subalit hindi ibig sabihin nito ay maganda siya at nakakatakot talaga.

I characterized this movie nga as a worst Patayin sa Sindak si Barbara adaptation given an Asian horror flavor.

Most Spoofed Actress: Vilma Santos

Siya na ang ginaya sa Tanging Ina Mo, siya pa rin sa Dalaw (na medyo nag-segue kay Mega)!

Ay, sana napanood ko pa 'yung tatlong movies para nadagdagan ang minor awards ko!

Despite the controversies na laging kinakaharap ng MMFF, masaya pa rin ako na maraming tumatangkilik dito, na marami pa rin ang naeenganyong manood.




Related readings:
Butch Francisco's "Ang Tanging Best Actress"
Rito Asilo's "MMFF 2010: When 'better' isn't good enough"
Butch Francisco's "Why Albert, Jennylyn not nominated"
Oggsmoggs's "RPG Metanoia (2010)"
Oggsmoggs's "Rosario (2010)"
Philbert Dy's "No Stories Left to Tell"
Philbert Dy's "Mud Wrestling with Ghosts"