Friday, September 12, 2014

The Trouble With "Minsan Pa: Kahit Konting Pagtingin 2" (Eddie Rodriguez, 1995)

Minsan Pa: Kahit Konting Pagtingin 2 (Eddie Rodriguez, 1995) should never have happened. The original which came out in 1990 was a huge hit for both its stars Fernando Poe, Jr. and Sharon Cuneta and should've been left alone. It was released in 1995 where careers of both stars were waning and thus the desperate attempt to catch the glory of the first movie. Unfortunately, it didn't work. Flaws and all, Kahit Konting Pagtingin (Pablo Santiago) is perfect as it is!

I see several problems in the sequel.

1. Overt romantic angle between Delfin (FPJ) and Georgia (Sharon).One thing great about Kahit Konting Pagtingin is how the romance between its characters was downplayed. The age difference between Sharon and FPJ was taken into consideration kaya subtle lang ang pag-handle sa love story nilang dalawa (kung love story ngang matatawag ang mayroon sila) para maiwasan na icky factor. Mahusay ang pagkabig sa mga eksenang animo'y nagpahahayag ng pagtingin ang mga karakter sa isa't isa subalit babawiin sa susunod na eksena. 

Isang halimbawa rito ay ang paglalasing ni Georgia nang makitang nagpunta sa bahay ni Cora (Ali Sotto) si Delfin. Pwedeng selos ang makitang nararamdaman niya sa pagkakataon iyon but it could also pass as mere concern for a good friend. Gusto ni Georgia na mapunta si Delfin sa babaeng may disenteng trabaho. (Cora works as a prostitute.) During the next scene, any love angle was dismissed. Georgia apologizes and talks about her and Delfin's failed relationships with other people.

(That lambanog scene rightfully captures the dynamics between a man and woman. 'Yung mag-e-emote nang todo si babae at hindi maiintindihan ni lalaki kung bakit.)

The abandoned building scene where Sharon uttered the famous line, "Ang hirap sa 'yo, Delfin, maaga kang pinanganak," and FPJ replies with, "Ang hirap sa 'yo, Georgia, huli ka nang pinanganak" addresses the issue of their age difference. Hadlang nga ba ang edad sa kanilang dalawa? It seems to think so especially when Sharon said before that, "Magkaibigan tayo, di ba, Delfin?" Doon pa lang ay tila natuldukan na ang kung anumang romansa ang inaasahan ng audience para sa kanila.

Sa kahuli-hulihang eksena, hindi tahasang nagpahayag ng nararamdaman sina Georgia at FPJ sa isa't isa. Ang sinambit ni Georgia ay, "Kailangan kita, Delfin" which is open to different readings. Kailangan ba niya si Delfin bilang katuwang sa hacienda ngayong wala na ang kanyang ama? Kailangan ba niya ito bilang protektor niya? Kailangan ba niya ito bilang lalaking kanyang masasandalan? Kailangan ba niya ito bilang kasintahan?

Such subtlety was lost in Minsan Pa. Sa umpisa pa lang ay lovesick na si Georgia sa pagkawala ni Delfin ng limang taon at gusto niya itong hanapin upang i-rekindle ang kung anuman ang mayroon pa sila. 

Siguro ay sa love angle na nga talaga ang tungo ng sequel. Still, may magandang paraan naman patungo rito.

2. FPJ-centric. From Sharon-centric in KKP, Minsan Pa became FPJ-centric. Nothing wrong with that. However, Sharon-centric man ang una, equal pa rin naman ang parts ng both characters. Importante ang bawat karakter sa isa't isa, and one won't work without the other. 

Sa sequel, Georgia became an accessory to Delfin. Walang masyadong bigat ang karakter niya. She could've been played by any other actress since nabago na rin naman ang characterization niya. Ang issues niya sa pagkawala ng kanyang ari-arian ay dali-daling nasolusyunan sa pamamagitan ng isang sulat at hindi na kinailangan pa ang presence niya sa eksena. In passing lang ang nangyari sa naturang problema at solusyon.

At dahil FPJ-centric, ang bulk ng mga eksena ay kay FPJ. Conflict ng kanyang karakter ang pinagtuunan at dito umikot ang buong kuwento kabilang na ang mahabang car/motorcycle chase scene. Again, nothing wrong with it. Baka naman it's time na si Delfin naman ang i-focus. The problem is, napabayaan si Georgia.

3. Contrive. FPJ movies have certain beats. May formula. Dugtong-dugtong ang mga pangyayari. Nasusundan ng kontrabida ang bida kahit saan siya magpunta kahit pa accidental lang ang pangyayari. Ang bida ay nagkataong tatawag sa isang taong binubugbog ng kontrabidang naghahanap sa kanila at malalaman kung saan sila naroroon. May habulan. May suntukan. May comedy na wala sa tiyempo at walang kinalaman sa takbo ng kuwento. (That "Kris Aquino" wedding scene! Jusme!) May pagkakataong magkikita ang dalawang bida sa isang ospital dahil doon naospital ang isang bida at ang kaibigan naman ng isang bida.

Ayun! Manonood ka ng FPJ movies at makikita mo ang sinasabi ko. (Though absent ang eksena kung saan may dalawang babaeng nag-aaway dahil kay FPJ na present sa KKP.)

With that, I am not saying that Sharon movies are not formulaic. For a Sharon fan, I'm just saying that the FPJ formula doesn't work for me. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit di patok ang pelikula na ito sa Sharonians. Hindi ko alam kung paano naman ito tinanggap ng FPJ fans.

Speaking of Sharon formula, Georgia as singer! How original! Napasabay lang ng kantahan sa mga kapitbahay sa KKP, singer-singeran na ang peg?!

4. Lost characters. Ang tanging nagkakabit na lang sa Minsan Pa sa KKP ay ang pangalan ng mga karakter. Other than that, it could pass as a different movie not related to the first one. Ibang-iba na ang demeanor ng dalawang bida. Wala itong kinalaman sa itsura nila 5 years later pero sa kung paano kumilos at umasta ang karakter nila 5 years ago.

Nawala ang sophistication ni Georgia. Kahit pa sabihing nadagdagan siya ng timbang, the character should have stayed the same. Maging sa pananamit ay ang layo-layo niya sa nakagisnan nating Georgia. Hindi na siya strong-willed bagkus ay brat na. Wagas kung makautos sa kanyang yayang kumupkop sa kanya nang siya'y maghirap. Matindi kung pintasan ang taong nagpasakay sa kanila ni Delfin patungo sa pupuntahan nila. Malayong-malayo ito sa Georgia na nahihiyang pintasan ang lamok at tigas ng tulugan sa bahay ni Delfin nang patuluyin siya nito sa oras ng kanyang pangangailangan at natutong makisama sa common tao. 

Bukod sa hindi na-maintan ang karakter ni Georgia, naging masyado ring magaslaw ang kilos at akting ni Sharon na akala mo'y Megamol (1994) pa rin ang kanyang ginagawa.

Gayundin si FPJ. Nawala ang reservation at calm demeanor ng kanyang karakter. Naging magaslaw rin siya. Tila in-enjoy na lang nila ni Sharon ang paggawa ng pelikula, unmindful of the characters they set in the beginning.

5. Stupid dialogues and overreaction, genre shift

Example: 

Habang kumakanta ay umuubo-ubo na si Georgia. Bumaba siya. Sinabi ng kanyang yaya na hindi na dapat siya pumasok pa dahil masama ang kanyang pakiramdam.

Sa taxi, inuubo at sinipon na nang matindi si Georgia. At sasabihing niyang, "Yaya, ang sama ng pakiramdam ko."

Didn't we already establish that from the beginning? Opening pa lang ng eksena, alam na ng audience na may sakit siya. In fact, kaya nga siya umuwi ay para makapagpahinga.

Yaya says in her high-pitched voice, "Georgia, nilalagnat ka! Nilalagnat ka, Georgia! Mama, dalhin mo kami sa pinakamalapit na ospital!"

First time bang lagnatin ni Georgia?!

Walang ganitong mga kapalpakan ang KKP. Mahusay ang pagkagawa nito at pinag-isipang mabuti ang mga eksena. Ang bawat dayalogo ay sinasambit dahil kinakailangan sa eksena at di parang hinuguhot lamang sa hangin para punuuin ang mababaw na script.

The genre has changed, as well. From romantic action drama, it became an action comedy. 'Yung comedy pa na hindi nakakatawa at action na unexciting. Maganda sana ang car/motorcycle chase scene kung hinaluan ito ng enough thrills and action at hindi 'yung pinapatakbo lang ang sasakyan.

This film feels like an afterthought kaya maging ang kanyang mga eksena at dialogue ay parang hindi gaanong pinag-isipan. They should've made a different film for Sharon and FPJ instead of banking on KKP's popularity.

P.S.

Is this the first movie where FPJ punch a woman? It seems atypical of his film characters to do so.



(Photo used was from the teaser poster of Minsan Pa)

No comments: